CHAPTER 8

1.9K 45 1
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Nakarating ang dalaga sa garden ng school. Doon ay umupo siya sa bench.

'Bakit kaya niya ako hinalikan?' tanong ng kanyang isipan.

'Ang lambot naman ng labi niya at pakiramdam ko naka dampi pa ito hanggang ngayon, pero bakit ba talaga niya ako hinalikan?' malalim na pag-iisip ng babae.

'Hindi kaya my gusto rin siya sa akin kaya niya nagawa iyon!' dagdag pa niya.

Sinundan ng binata ang dalaga kung saan ito pumunta at nakita niya ito sa garden na naka upo. Umihip ang malakas na hangin.

'Hmm.... ang lamig naman.' sa isip na babae.

Nakaramdan siya ng init ng may pumatong na coat sa mga balikat nito. Paglingon niya nakita nito ang binata.

"Isuot mo iyan para hindi ka ginawin." wika ng binata tsaka umupo sa tabi niya.

Nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa, ni walang gustong mag salita.

"Tungkol pala sa mga nangyari kanina, hindi ko sinasadya." wika ni Paul upang basagin ang katahimikan sa pagitan nila ng dalaga.

"Wala iyon kalimutan nalang natin." sagot ni Ellyn.

Pero ang totoo iyon ang araw na hinding-hindi makakalimutan ng dalaga.

"Alam mo Ellyn....." di natuloy na sabi ni Paul.

"Bhest narito ka pala kanina kapa namin hinahanap, bakit bigla kang nawala doon? Anung ginagawa mo rito? At bakit kayo magkasama dito ni Paul?" sunod-sunod na tanong ni Nice sa kaibigan.

"Tara balik na tayo doon." yaya ni Ellyn para maiba ang usapan.

Bumalik na sila sa gymnasium at nag patuloy ang kasiyahan, nilubos-lubos nalang ng babae ang gabi na iyon. Alam kasi niya na hindi na ulit mangyayari iyon.

Hindi rin nasabi ng binata ang gusto nito na sabihin sa babae dahil dumating na ang mga kaibigan ng dalaga.

'Kung alam mo lang Ellyn na matagal na kitang minamahal. Masulyapan lang kita sa malayo at makitang naka ngiti masaya na ako.' sa isip na binata habang naka tingin sa babaeng minamahal na masayang nakiki pagsayawan sa mga kaibigan.

Natapos ang prom nila ng alas tres ng madaling araw kaya nag sipag uwian na ang mga ito. Sinundo ang dalaga ng kayang ina.

"Tara nak uwi na tayo." yaya ng kanyang ina at kay lapad ng mga ngiti nito.

"Sandali lang po inay magpapaalam lang po ako sa mga kaibigan ko." magalang na sagot ng dalaga.

"Sige at bilisan mo ha." turan ng kanyang ina.

"Opo." magalang niyang sagot.

Pumunta siya sa kinaroroonan ng mga kaibigan at nag paalam.

"Mga bhest mauna na ako sa inyo ha, anjan na yung sundo ko." paalam ng babae sa dalawa.

"Sige ingat ka bhest at wag mung kalimutan na ihanda ang kwento mo sa lunes ha." sagot ni Nice na my kasamang nakakaasar na ngiti.

"Sige bhest ingat kayo ni tita za pag-uwi at mag dasal ka bagi matulog para hindi ka bangungutin sa ganda ng panaginip mo ha." sabad ni Mary Rose na my kasamang kindat.

"Kayong dalawa talaga nagpapaalam ng maayos yung tao kung ano-ano na naman yung pumapasok jan sa kukote ninyo, puro talaga kayo kalokohan." asar na sagot ng dalaga.

"Totoo naman ah." wika ni Nice.

"Sige alis na at baka naiinip na si tita sa pag antay sayo." sagot ni Mary Rose.

Umalis na ang dalaga patunta sa kanyang ina.

"Nay tara na po." pagyayaya niya sa ina.

Umalis na silang mag ina at habang sa daan pauwi ng kanilang bahay.

"Alam mo anak ang ganda-ganda mo ngayon, parang hindi ikaw ang anak ko." papuri ng kanyang ina.

"Nanay talaga mapagbiro na nambobola pa." sagot ng dalaga sa ina.

"hindi ah! Prom Queen kapa nga oh." turan ng kanyang ina sabay nguso sa sash na naka sabit pa sa kanya.

Napatawa nalang ang dalaga. Pag dating nila ng bahay nambolabog pa talaga ang kanyang ina at binalita pa na ang ate nila ang naka sungkit ng title.

"Pinag loloko mo yata kami ni Philip nay eh!" busangot na sagot ni Grace.

"Hindi anak totoo ang ate mo ang naka kuha, tingnan ninyo sa baba." sabi ng kayang ina.

Naunang bumaba si Philip kaya nagulat sila.

"Ikaw na ba yan ate Lyn??" bulalas na kapatid niya habang siya ay naka upo sa upuan.

Nagulat naman siya sa reaction ng kapatid niya.

"Ay hindi bisita ninyo ako." pilosopong sagot niya sa kapatid.

Kaya napababa na rin si Grace at di maka paniwala sa nakita.

"Ang ganda mo nga ate at totoo nga ikaw ang naging Prom Queen." wika ng kanyang kapatid.

"Naku kayo talaga saan paba ako mag mamana di kay inay." pambobola ng dalaga sabay tingin sa ina.

"Oh siya magbihis kana at ng maka tulog na tayo, madaling araw na." utos ng kanyang ina.

Tinulungan siya ni Grace na maghubad ng gown tsaka nag bihis na ito at nahiga. Hindi ri naman siya dinadalaw ng antok.

'Hanggang ngayon parang narito parin ang mga labi niya sa mga labi ko, na aamoy ko parin ang hininga niya.' sa isip ng dalaga.

'Di ko talaga maintindihan kung bakit ginawa niya iyon.' dagdag pa niya.

Dumating ang lunes at kailangan na niyang pumasok. Naka handa na rin siya para sagotin ang mga kaibigan sa mga tanung ng mga ito.

Nasa gate na siya ng........

"Ellyn...... hintayin mo ako.." tawag sa kanya.

Lumingon siya at nakita niya si Paul na nagmamadaling mag lakad papunta sa kanya.........

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon