CHAPTER 9

1.7K 42 2
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Nagpatuloy sa pag lakad ang dalaga at di na niya pinansin ang binata.

"Ellyn hintay...." sigaw ulit ng binata.

iPero ang dalaga ay parang walang narinig at nagpatuloy ito sa paglakad ng mabilis..

Tumakbo nalang si Paul para maabutan ang babae.

"Diba sabi ko antay." wika ni Paul na hawak ang braso ng dalaga.

"Araaay....." wika ng dalaga.

"Sorry di ko sinasadya, ikaw kasi tinatawag ka di mo ako pinansin eh." paumanhin ng binata.

"Bakit pala nagmamadali ka?" dagdag pa nito.

"Ah wala kasi malalate na ako." palusot ng babae dito.

"Pwede ba kita makausap?" tanung ng binata.

"Busy pa ako eh, sige ma iwan na kita." turan ng dalaga.

"Sige na kahit saglit lang." pakiusap ng lalaki.

Tinalikuran ng babae ang binata at aakmang lalakad pero hinila siya ng binata at sinakop ang mga labi niya. Natulala ang dalaga sa ginawa niya.

Ang daming estudyante na nakakita sa mga nangyari, kasama na doon ang dalawa niyang kaibigan.

"Anung ginawa mo!" bulyaw ni Ellyn kay Paul sabay sampal.

Nagulat talaga siya sa nangyari.

"Ellyn pakinggan mo kasi ako." sabi ng binata.

Unti-unting nahulog ang mga luha ng dalaga dahil pakiramdam kasi niya siya na ang pinag-uusapan ng mga nandoon sa oras na iyon. Hiyang-hiya ang babae at kung pwede mag laho sa mga oras na iyon ay ginawa na niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Paul at kung pweds lubayan mo na ako." sigaw niya sa binata.

Para namang dinurog at piniraso ng pinung-pino ang puso ng lalaki sa mga salitang narinig mula sa dalaga.

'Bakit ko ba kasi ginawa iyon, ang tanga ko talaga.' pagsisisi ng binata.

'Kaso lang tinamaan talaga ako sa kanya eh.' dagdag pa niya.

Hindi rin naka tulog ang dalaga ng gabing iyon dahil sa nangyari.

'Bakit ba hindi ko muna siya pinakinggan kanina? Bakit ganun ang inasal ko?' tanung din niya sa sarili.

'Baka importante yung sasabihin niya.' dagdag pa ng babae.

Lumipas ang araw, buwan at taon hindi na nga siya ginulo ni Paul. Tulad ng dati naka tingin lang din siya sa malayo. Masaya na siya kahit sulyap lang.

"Oky guys that's all for today, bukas ulit same routine." wika ni Ellyn

"Oky boss." sagot ng mga kasamahan niya sa lupon nila.

Nasa ika-apat na taon na rin siya noon at mas naging active pa siya sa mga school activities kaya lagi siyang busy.

Isang araw nag kayayaan silang mag kakaibigan na mag simba.

"Tara pasyal tayo sa park tutal tapos na rin ang misa." yaya ni Mary Rose sa kanila.

"Sige tara na." sabay na sagot nila ni Nice.

Kaya pumunta silang tatlo sa park at nag ikot-ikot sila doon. May nahagip siya sa kanyang paningin.

'Si Paul ba iyon???' tanung ng dalaga sa sarili.

"Bhest kain tayo." yaya ni Nice sa kanya.

Hindi naman narinig iyon ng dalaga dahil di siya maka paniwala sa nakita.

"Diba bhest si prince mo yan." wika ni Nice.

"Oo nga at may kasama pang babae na parang ahas kung maka pulupot sa braso ni Paul.." gigil na sabad ni Mary Rose.

"Tara balatan na natin ng buhay." gigil din na sabi ni Nice.

Para siyang na engkanto sa mga oras na iyon, ni hindi siya maka pagsalita. Kaya tumalikod siya at lumayo.

"Bhest...." sigaw ni Nice.

Nakita ni Paul si Ellyn na tumatakbo patawid ng kalsada at sa kabila ay may sasakyan na humahagibis ang takbo, huli na rin ng makita ito ni Ellyn.

Nabangga na siya.

"Ellyn........" sigaw ng pamilyar na boses ng lalaki.

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon