REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
Ngayon ito na siya, simula na naman ngbagong yugto ng buhay niya.
"Panginoon, salamat po sa mgapagsubok na ibinigay ninyo sa akin, dahil doon mas lalo po akung naging matatag,handa po akung harapin lahat ng mgadarating pa dahil alam kung my mga dahilan kayo kung bakit ninyo binigay yan sa akin, nawa'y gabayan ninyo ako sa landas na tinatahak ko at wag ninyo po akong pababayaan. Amen." dasal nitobago matulog.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon nakatapos si Ellyn sa unang taon niya sa High School.
"Ang bilis naman ng panahon ngayon nasa 2nd year na ako." nasa isip na dalaga habang gumagawa ng assignment niya.
Minsan isang araw nag papahinga ang babae ng makita nito si Paul.Kuntento na siya sa pag sulyap dito.
'Ang gwapo talaga at mas lalong nadadagdagan pa sa pag lipas ng araw ah." naka ngiti ito habang naka tingin sa binata.
halos mabingi pa ito, sa lakas ng tibok ng puso niya.
'Naku ikaw talagang puso ka grabe ka maka react' saway ng kanyang isipan.
Pero gaya ng dati hanggang tingin lang siya sa lalaking pinaka mamahal sa malayo.
"Oi! baka maglaho na yang tao sa kakatitig mo." pukaw sa kanya ni Nice.
"Oo nga, tingnan mo tulala kana naman jan oh." sabi din ni Mary Rose.
"Kayo talagang dalawa oh." busangot na sagot ng babae.
Kasalukuyang nasa canteen sila noon at nananghalian. Nakita na naman kasi nito ang binata na kumakain sa kabilang table.
"Hay! Ang gwapo talaga niya. Di bale darating din ang tamang panahon para sa nararamdaman ko na ito, sa ngayon kailangan ko muna mag-aral ng mabuti." sa isip niya na araw na iyon.
Lagi siyang active sa mga school activities nila. Kasali ang dalaga sa isa sa mga team ng school. At nagulat pa ito ng isa araw.
"Guys, mula ngayon may itatala ako na isang mamumuno sa inyo." sabi ng trainer nila.
"Mula ngayon ikaw na ang mamumuno Ellyn, at kayong lahat kung anu man ang sasabihin niya ay sundin ninyo, may tumututol ba?" dugtong pa nito.
"Wala po." churos ng mga ito.
"Bukas pumunta ka ng office ko Ellyn at ibibigay ko ang scheduele ninyo." sabi ulit ng trainer nila.
"Opo sir." tanging naisagot niya.
Mula noon siya na ang namuno, sinunod naman ito ng lahat. Masaya narin siya kahit hanggang tinggin lang ang dalaga sa binata kahit malayo ito.
"Malapit ng matapos ang pangalawang taon natin mga Bhest, next year nasa pangatlong taon na tayo, it's time for JS PROM." sabi ni Nice na may excitement.
"Oo nga mga Bhest malapit na rin noh." dugtong rin ni Mary Rose.
"Sana isayaw tayo ng mga prince charming natin para masaya diba." wika ni Nice na kinikilig sabay tingin kay Ellyn.
Di na sumagot ang dalaga dahil mang-aasar lang ang mga ito.
"Sana kahit isang sayaw lang ma isayaw niya ako." sa isip ng dalaga nung mga oras na iyon.
Natapos na ang pangalawang taon nila. Excited ang lahat na dumating ang araw ng JS prom nila.
"Inday ako na mag-aayos sa pamangkin ko sa JS PROM nila ha, at wag kang mag-alala ako bahala pati sa damit niya." sabi ng Tita ni Ellyn na si Glen sa kanyang ina.
"Oh sige sasabihan ko siya par kayo na ang mag-usap na dalawa." sagot ni Aling NORA.
Nag kasalubong kasi ang dalawa noong pauwi na ang ina ng dalaga mula sa bukid. Pagdating nito sa bahay kinausap niya si Ellyn. Tuwang-tuwa naman ito at dali-dali na pumunta sa bahay ng kanyang Tita.
"Oh! Ellyn ikaw pala." turan ng kanyang Tita mula kusina.
"Nasabi na ba ng nanay mo sayo?" dugtong na tanong sa kanya.
"Opo Tita." magalang na sagot ng babae.
"Bueno, nandito ka nalang din, ikaw na ang pumili ng damit na susuotin mo bago ko iparenta sa iba para naman maka pili ka muna." utos ng Tita ni Ellyn sa kanya.
Nasa harapan na ng dalaga ang box kaya binuksan niya ang mga ito. Tumambad sa kanya ang iba't ibang klase at kulay ng gown.
"Ang dami naman nito at halos lahat ang gaganda." sa isip babae habang iniisa-isa ang mga gown.
"Mas bagay yata ito sayo Ellyn." pukaw nito sa dalaga habang hawak ang isang red na spagette gown.
"Isukat mo nga ng nakita ko." utos nito sa pamangkin.
"Sige Tita, sandali lang ha." sagot ni Ellyn tsaka pumunta ng banyo at isukat.
Nang maisuot na niya ito lumabas na ang dalaga. Tama naman ang sukat kung kaya't iyon na ang pinili ng babae.
"Bhest may maisusuot kana ba?" tanong ni Mary Rose kay Ellyn.
"Oo bhest meron na, si Tita ang nag asikaso." sagot ng dalaga.
"Ikaw bhest?" tanung ni Mary Rose kay Nice.
"Ready na rin bhest." sagot ni Nice.
Kasalukuyang nasa library ang tatlo ng araw na iyon, nag-aaral para sa kanilang quiz, dalawang linggo bago mag JS PROM.
BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
RomanceBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...