REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
Sobrang saya ng dalaga ng malaman na buntis siya. Pero may halo itong kalungkutang dahil wala sa tabi niya ang lalaking mahalaga sa kanya at ama ng dinadala.
"Wag ka ng malungkot bhest nandito naman kami eh, tutulunggan ka namin." wika ni Mary Rose sabay yakap na dalaga.
"Oo nga bhest diba walang iwanan." sabad ni Nice at sumali na rin.
"Salamat mga bhest ha." sagot ng dalaga na napapaluha.
"Sus, wag kana umiyak at baka maging iyakin din iyang inaanak namin." turan ni Nice na pabiro.
"Oo nga bhest masama yan sa nagbubuntis." katwiran ni Mary Rose.
Magkayakap ang tatlo ng pumasok ang doctor.
"Good afternoon doc." bati ni Nice na may kasamang pag papa cute.
Kaya siniko siya ni Mary Rose dahil nakita nito ang ginawa niya.
"Good afternoon din ladies." wika ng doctor na may ngiti.
"Ang landi mo talaga bhest." bulong ni Mary Rose kay Nice.
"Minsan lang naman bhest eh tsaka ang gwapo kaya niya." sagot ni Nice na kinikilig pa.
Natawa naman si Ellyn sa dalawang kaibigan at lihim itong napa ngiti.
"Kamusta na ang pakiramdam mo Misis?" tanung ng doctor sa kanya.
"Oky na po doc." saad ni Ellyn.
Kinunan siya ng blood pressure at heartbeat ng doctor.
"Since oky kana pwede ka ng lumabas mamaya at ito ang reseta ng mga vitamins na dapat mong inumin. Inggatan mo ang sarili mo at dadalawa na kayo." wika ng doctor sabay abot ng papel.
"Oky doc, salamat." naka ngiting sagot ni Ellyn.
"Walang anu man, sige aalis na ako." pamamaalam ng doctor.
"Thank you doc, mag inggat ka rin." sabad ni Nice sabay kindat.
Umalis na ang doctor at si Nice kinikilig naman ito ng gantihan rin siya ng doctor sa pag kindat.
"Ikaw bhest kahit kailan ang landi-landi mo talaga." nangagalaiti na wika ni Mary Rose.
"Atleast sa mga gwapo na boylet naman bhest." pag mamalaking turan ni Nice.
"Gwapo nga eh mga playboy naman." saad ni Mary Rose.
"Hoy kayong dalawa tumigil na at kung anu pa kahahantunggan niyan." pag aawat ni Ellyn sa dalawa.
Tumigil naman ang dalawa at inasikaso na nila lahat para maka labas na ang dalaga. Inihatid nila ito sa unit ng babae.
Samantalang si Paul ay nag aalala sa kalagayan ng dalaga. Batid niya na ito ay nag dadalang tao na at gusto niya na nandoon siya sa tabi ng dalaga kaya gumawa ito ng decision.
'Hintayin mo ako babe, uuwi ako para sa inyo ng magiging anak natin at hinding-hindi ko na kayo iiwanan.' sa isip ng binata.
Nahirapan ang dalaga sa pag dadalang-tao niya. Matindi kasi ang morning sickness niya. Tuwing umaga suka ito ng suka, may mga pagkain din ito na ayaw kainin tulad ng noodless, ayaw rin niya sa amoy ng kumukulong sinaing.
"Ang hirap pala ang mag buntis lalo pa't nag-iisa ka." maluha-luhang wika ng dalaga.
Kakatapos lang kasi nito sumuka sa kanyang banyo. At minsan nahihirapan rin ang babae pag ma kecrave siya, gusto niya ng makain pero wala siyang mautusan.
"Congrads Mr. Escobar your request is granted, you my now turn back in the Philippines anytime you want." wika ng manager.
"Yessss! thank you so much Mr. Duncan...." sambit ng binata tsaka naki pagkamay.
"Makakauwi na ako yahoooooo..... Makakasama ko na ang mag ina koooooo...." sigaw ng binata pag labas ng office nila.
Kaya pinagtingginan siya ng mga nandoon. Pero wala siyang pakialam ang mahalaga ay makaka uwi na siya ngayon.
'Kaunting hintay nalang babe at magkakasama na tayo ulit kasama si baby.' sa isip ni Paul habang nakasakay sa elevator.
Sa mga oras na iyon walang mapag sidlan ang tuwa na nadarama ng binata. Excited siya sa muling pagkikita nila ng dalaga.
'Isosorpresa ko siya sa pag-uwi ko, hindi ko sasabihin na pinayagan na akong uuwi ng pilipinas.' sa isip pa ng binata at bakas ang pagkasabik.
Samantala malungkot naman ang dalaga habang naka titig sa larawan nila ni Paul.
"Miss na miss na kita babe." wika ng dalaga sabay yakap sa litrato.

BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
RomanceBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...