CHAPTER 5

2.2K 54 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Dumating ang araw na inaabangan ng lahat. JS PROM na nila, maaga pa ay gumising na ang dalaga, naligo muna siya pagkatapos ay nag-ayos ng bahay dahil mamayang hapon pa ang PROM.

"Nagugutom na ako ah." sa isip ng dalaga ng makaramdam ito ng pagkalam ng sikmura.

"Maka kain na nga at maka pag pahinga ng saglit" isip nito.

Kumakain ang babae ng mag ring ang cellphone nito, si Nice tumatawag.

"Hello bhest." sagot niya.

"Bhest kailangan magandang-maganda ka mamaya ha dahil my ipapasayaw ako sayo." sabi ni Nice na kinikilig-kilig pa.

"Sino na naman yan bhest?" nagtatakang tanung ni Ellyn.

"Ah basta my ipapasayaw ako sayo kaya be ready ha." sagot ulit ni Nice.

"Ikaw bhest ang dami mo talagang alam na kalokohan." tanging nasabi ng dalaga sa kaibigan.

"Di naman bhest basta mag ready ka nalang ha." naka tawang sagot ng bestfriend niya.

"Ewan ko sayo bhest,sige na at kumakain pa ako." pagtatapos niya sa usapan nila ni Nice.

"Oky bhest, see you later, bye." paalam ng kanyang kaibigan.

"Sige bye din." huling sabi ni Ellyn at nag end button na ito tsaka pinag patuloy ang pag kain.

Linggid sa kaalaman ni Ellyn may pinaplano si Nice at Mary Rose para sa kanya. Kinausap nila si Paul.

"Oo Nice bakit gusto mo pala akung maka usap?" nag tatakang tanung ni Paul sa dating kaklase.

"Hmmm Paul pwede bang humingi kami ng favor sayo." tanung ni Nice sa kanya.

"Anung favor naman yan? Yung makakaya ko lang ha." pabirong sagot ng binata na naka tawa.

" May ipapasayaw sana ako sayo mamaya eh, pwede ba?" sagot ni Nice.

"Sayaw lang pala eh, walang problema. Mamaya pag nag simula yung sayawan ituro nalang ninyo sa akin, pwede ba iyon! " wika ni Paul.

Samantalang si Mary Rose ay nakikinig lang sa usapan ng dalawa at naka ngiti lang ito.

"Oky walang problema. Salamat at pinagbigyan mo ako Paul." tanging naisagot ni Nice.

"Sige aalis na ako at ng maka paghanda na rin ako para mamaya." pamamaalam ni Paul sa dalawang dalaga.

"Sige at aalis na din kami ng maka paghanda na rin." huling sabi ni Nice at umalis na rin sila.

Umalis na sila at nag sipag handa para sa gaganaping okasyon na iyon.

Si Ellyn ay pumunta na rin sa bahay ng kanyang Tita para maghanda.

"Maupo ka dito Lyn at ng maayosan na kita." utos sa dalaga.

Umupo na rin ito at sinimula na siyang lagyan ng poundation, tsaka nilagyan ng make-up at lipstick, inayos na rin ang buhok nito. Kinulot lang ito ng bahagya tsaka nilugay iyon.

"Lyn pwede mo ng isuot ang iyong gown." utos ng tita niya.

"Oky po." sagot ng dalaga.

Sinuot na ito ng babae at ng humarap siya sa salamin, di maka paniwala ang dalaga sa nakita doon, napaka ganda niya, halos di makilala na dalaga ang sarili.

"Ako ba talaga ito o nananaginip lang! Ang ganda-ganda mo naman." sa isipan niya habang kaharap ang salamin na naka ngiti.

"Lyn, anu pa ang ginagawa mo jan? Ayaw mo pa bang umalis? Sige ka at malalate ka niyan." pukaw ng kanyang tita.

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon