CHAPTER 33

1.9K 47 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Inihatid ng dalawa si Ellyn sa airport dahil ito ang araw ng pag uwi niya.

"Bhest ingat ka doon wag mung pabayaan ang sarili mo ha." bilin ni Nice.

"Oo nga bhest dapat mag ingat ka doon, bawal ang stress lalo pa't dalawa na kayo ngayon." sabad ni Mary Rose.

"Oo na mga bhest mag iingat ako doon tsaka uuwi po ako sa amin para mag pahinga hindi para mag trabaho remember on leave ako." katwiran ng dalaga.

"Ang amin lang ay mag ingat ka bhest kasi hindi kana mag isa ngayon. Tsaka ayaw namin na mapahamak kayo ng inaanak ko noh." sagot ni Nice.

"Oo nga bhest, ingatan mo yang inaanak namin ha." sabad ni Mary Rose.

" Oo na mga bhest mag iingat ako para sa inaanak ninyo at hindi lang ingat kundi triple ingat talaga.." turan ng dalaga.

"Wag ka mag alala bhest bago ka manganak uuwi kami doon para makita agad namin ang baby mo." saad ni Nice.

"Wag mung pababayaan sarili mo bhest ha alalahanin mo dalawa na kayo." bilin naman ni Mary Rose.

"Oo na tatandaan ko ang mga bilin ninyo sa akin kayo dito mag ingat din ha." sagot ni Ellyn sa mga kaibigan.

Nagyakapan at nag paalaman na ang tatlo. Pagkatapos ay pumasok na siya sa bording area.

'Baby behave ka muna ha at uuwi tayo sa lola oky.' sa isip ng dalaga sabay sapo sa tiyan niya.

Sumakay ng eroplano ang dalaga at lumapag na ito. Sinalubong siya ng kanyang ama't ina.

"Oh anak kamusta kana? Pumayat ka yata ngayon ah." wika ng kanyang ina pagkatapos niyang yakapin.

"Oo nga anak oh nanlalim ang mga mata mo at pisngi." sabad ng kanyang ama.

"Tara mahal uwi na tayo at nang maka pag pahinga naman ang anak natin tiyak na pagod siya." yaya ni aling Nora sa asawa.

"Mabuti pa nga mahal..." sagot nito at umalis na sila.

Nakarating na sila ng bahay at sinalubong sila ni Philip.

"Ate kamusta kana? Namiss kita ah..." salubong ng kanyang kapatid.

"Papasukin mo muna ang ate mo anak para maka pag pahinga dahil pagod siya." turan ng kanilang ina.

Pumasok na sila ng maka amoy si Ellyn ng kumukulong sinaing. Dali-dali itong pumanhik sa taas at dere-derecho sa banyo at doon nag suka. Hindi niya namalayan na nakasunod ang kanyang ina.

"Sige anak ilabas mo lang yan...." wika ng kanyang ina habang hinahagod ang kanyang likod.

Pagkatapos niya sumuka inalalayan siya ng kanyang ina na umupo papunta sa kama.

"Oky na ba ang pakiramdam mo anak." tanung ng kanyang ina na nag aalala.

"Oky na po inay, salamat po...." magalang niyang sagot at pilit ngumiti.

"Inay sorry po ha...." dagdag pa niya.

"Sorry para saan nak?" tanung ng kanyang ina.

"Sa nangyari po ngayon inay." magalang niyang sagot at nagbabadya na tumulo ang mga luha.

"Wala na tayong magagawa anak nariyan na yan kaya kailangan nating tanggapin ito. Magalit man kami pero wala ring maitutulong ito, sa ngayon ang kailangan lang naming gawin ay alalayan ka lalo na sa pinag dadaanan mo ngayon. At isa pa biyaya iyan mula sa taas anak mabuti nga at nalaman namin na buntis ka at pinanindigan mo hindi tulad na iba na ipinapalaglag nila." wika ng kanyang ina.

"Samalat po inay....." tanging nasambit ng binata sabay yakap sa sa ina.

Napaiyak na ang dalaga. Sobrang pasasalamat ang nararamdaman niya. Una sa anak na dinadala niya, pangalawa sa pamilya na todo supporta sa kanya lalo na ngayon sa kalagayan niya at pangatlo sa kaibigan na meron siya.

Lubos sana ang kaligayan niya kung nandito ang lalaking mahal niya at ama ng kanyang dinadala.

"Anung drama iyan pwede ba kami maki sali?" boseS ng kanyang ama na kakapasok lang kasama ang dalawa niyang kapatid.

"Oo nga sali kami jan." sabay na wika ng dalawa.

Nagyakapan ang buong angkan. At ito ay tanda para sa dalaga na hindi siya nag iisa at kasama niya ang buong pamilya.

"Parang pinapahirapan ka yata ng apo ko anak ah..." saad ng kanyang ama pagkatapos nilang magyakap.

"Oo nga po itay eh ang daming ayaw...." sagot niya na naka ngiti.

"Ay itay, inay, ate, bunso handa na ang mesa para mag hapunan." wika ni Grace.

"Tara na kain na tayo." yaya ng ina nila.

Masayang nag hapunan ang buong mag-anak ng dalaga. Kwentohan, tawanan at biroan ang nangyari habang kumakain sila.

Samantalang pabalik na si Paul sa Pilipinas, sinadya niya na wag mag paramdam sa dalaga para ma sorpresa niya ito. Pag dating niya sa unit agad ito ng dalaga dumirecho.

"Babe...... babe..... i'm home....." sigaw niya ng maka pasok sa loob.

Tiningnan niya ang sala hanggang kusina, pati kwarto at banyo pero wala ang dalaga kaya nag taka ito at nag alala.. Kaya naisipan niya na tawagan ang dalawang kaibigan nito para itanung kung saan ang minamahal niya.....

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon