CHAPTER 17

1.6K 44 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Kinabukasan maagang sinundo ni Paul si Ellyn sa bahay nila. Nagbibihis pa ang dalaga ng mga oras na iyon.

"Magandang umaga po." bati ni Paul sa ina ng dalaga.

"Magandang umaga rin iho." sagot ng matanda.

"Nanjan po ba si Ellyn?" tanong ng lalaki.

"Nasa taas iho nagbibihis pa, teka at tatawagin ko, maupo ka muna jan." wika ng matanda.

Pumanhik ito sa taas at tinawag ang anak.

"Anak my bisita ka." tawag ni Aling Nora sa anak.

"Opo nay anjan na po." sagot ng dalaga.

Bumaba na ang dalaga, naka shorts lang ito at naka blouse ng beige kaya lutang ang kaputian nito at kitang kaita rin ang makikinis na legs niya.

Natulala naman ang binata ng makita ang dalaga.

"Nay aalis po muna kami ni Paul ha." paalam ng dalaga sabay halik sa pisngi ng ina.

"Sige anak mag iingat kayo ha. Ikaw Paul ingatan mo ang anak ko ha." bilin ng matanda.

"Opo." tanging naisagot ni Paul.

Umalis na silang dalawa, nag byahe sila papunta sa tabing dagat....

"Ang ganda naman dito." wika ni Ellyn.

"Nagustohan mo ba?" tanung ni Paul sa dalaga.

"Oo, paano mo pala nalaman yan dito Paul?" tanung ng dalaga.

"Na search ko lang sa internet, nagandahan ako kaya ito pinuntahan natin ngayon." naka ngiting sabi ng lalaki.

Para silang nasa paraiso, ang daming punong kahoy sa paligid, tahimik at di masyadong crowd.

"Ang ganda talaga dito." wika ng dalaga.

Kinuha naman ng binata ang dala sa likod ng sasakyan at inilapag niya ito, ang dalaga naman ay nag lakad-lakad muna.

'Nasaan na kaya siya.' sa isip ni Paul nilinga-linga niya ang paningin at nakita niya ang dalaga sa tabing dagat na naka paa.

'Ang sarap sa pakiramdam na miss ko rin ang ganito.' sa isip na dalaga habang humahalik ang mga alon sa paa niya.

"Ay kabayo...." bulalas ng dalaga ng may humawak sa bewang niya.

"Saan ang kabayo?" naka ngiting tanung ni Paul tsaka hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Ikaw kasi nang gugulat ka eh." sagot ni Ellyn.

"Nagulat ba kita, sorry ha." paumanhin ng binata.

"Tara kain na tayo." dagdag pa niya.

"Mamaya na, masarap pa maglakad dito sa tabing dagat eh." sagot ng dalaga.

"Oh sige ikaw bahala." wika rin ng binata.

Naglakad lakad pa sila sa tabi ng dagat habang hawak ng binata ang kamay niya at ng mapagod sila ay bumalik ang mga ito.

"Ito oh kain kana." wika ni Paul sabay lahad ng isang sandwich.

"Salamat ha." sagot ni Ellyn sabay kuha.

Habang kumakain pasulyap-sulyap ang binata sa dalaga. Napansin naman ito ng dalaga.

"Bakit Paul?" tanung niya sa binata.

Di na nagsalita ang binata, kumuha ito ng tissue at pinahid ang sandwich spread na kumalat sa gilid ng labi ng dalaga. Pinamulahan namn ng dalaga sa ginawa ng lalaki. Napangiti naman si Paul sa nakita niya dahil para na itong kamatis

"Sa....salamat." nakayukong wika ng babae.

"Ito oh." abot ni Paul sa dalaga ng inumin.

Tinanggap naman ito ng dalaga. Masaya ang araw nila dahil ang dami nilang ginawa. Hapon na sila umuwi at habang sa daan..

"Ellyn my sasabihin sana ako sayo." simula ng binata.

"Anu naman yun?" tanung ng dalaga.

"Pwede ba kitang ligawan?" derechahang tanung niya sa dalaga.

Di naka pag salita ang dalaga....

Nabigla siya sa sinabi nito.

"Anu ulit yung sinabi mo?" tanung ng dalaga.

"Sabi ko pwede ba kitang ligawan?" sabi ni Paul at pinahinto muna ang sasakyan..

"Seryoso ka Paul?" tanung ng dalaga.

"Oo Ellyn." seryosong sagot ng binata.

"Paul nag babakasyon lang ako dito pag katapos ng fiesta babalik din ako ng Manila. Kung manliligaw ka pag alis ko paano na?" sabi ng dalaga sa binata.

"Ang tanung ko ang sagotin mo, pwede ba kitang ligawan, oo o hindi lang ang sagot." walang emosyon na wika ni Paul.

"Oo pwede." derechonga sagot rin ng dalaga.

Simula na araw na iyon niligawn na binata ang dalaga at bago bumalik sa Manila sinagot niya ito.

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon