REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
Nabangga ng sasakyan ang dalaga. Tumilapon ito sa malayo. Habang nanlulumo naman ang binata sa mga nasaksihan nito. Ang babaeng mahal niya na accidenti. Kaya tumakbo ito sa dalaga tsaka niyugyug ito.
"Ellyn... Ellyn.... sumagot ka.." sigaw ng binata.
"Wag kang bumitaw ha dadalhin kita sa hospital...." dagdag pa niya.
Dali-dali naman niya na binuhat ang dalaga, pumara ng sasakyan at dinala sa pinaka malapit na hospital.
"Ellyn wag kang bumitaw please...." turan ng binata habang hawak ang mga kamay ng dalaga.
'Ang init naman ng mga kamay na humahawak sa akin..' sa isip ng dalaga.
"Sir hanggang dito nalang po kayo..." sabi ng nurse.
Di na naka pasok ang binata sa emergency room. Kaya naiwan siya sa labas.
"Paul nasaan na si Ellyn??" humahangos na tanung ni Mary Rose at halos magkasunod lang sila ni Nice na dumating.
"Paul nasaan na si Ellyn?" naiiyak na tanung rin ni Nice.
"Nasa loob na siya ng ER." malungkot na sagot na binata sa mga kaibigan ng dalaga.
"Bakit ba kasi siya tumakbo??" dagdag na tanung ng lalaki.
"Paano kasi nakita ka niya na may kasama na babae, tapos di namin namalayan na tumalikod na siya at tumakbo. Tinawag namin siya pero parang walang narinig." mahabang paliwanag ni Nice.
Halos nanlumo ang binata sa mga nalaman nito. Siya pala ang dahilan kung bakit nangyari iyon. Kaya napa sandal nalang siya sa pader ng hospital.
'Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.' malungkot na pag-iisip ng lalaki.
Tinawagan naman ni Mary Rose ang mga magulang ng dalaga. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagdating ng mga ito.
Si Paul na litong-lito ng mga oras na iyon ay dinala ng mga paa niya sa chapel ng hospital. Lumuhod ito tsaka nagdasal.
'Lord, sana po maging oky siya, wag po ninyong hayaan na may mangyaring masama sa babaeng mahal ko. Iligtas ninyo siya sa kapahamakan.' taimtim na dasal ng binata.
Lumabas na ang doctor mula sa ER.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doctor.
"Ako po doc! Ako ang nanay niya." mabilis na sagot ni aling Nora.
"Stayable na po ang kalagayan ng pasyente. Puro galos ang natamo niya at nabali ang kaliwang paa niya kaya nilagyan siya ng cast, huwag na kayong mag-alala." wika ng doctor.
"Salamat naman po kung ganun." turan ni aling Nora at naka hinga na rin ito ng maluwag.
Nang malamang oky na ang dalaga hinintay nalang nila ito na ilipat sa kwarto. Pagkatapos ng 4 na oras ay nakamalay na rin ito.
'Nasaan ako?' sa isip ng dalaga ng dumilat ito'y puro puti ang nakita.
"Mabuti naman at gising kana anak." boses ng kanyang ina na may halong pag-aalala.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong nito sa dalaga.
"Oky lang po ako inay." magalang na tugon nito.
Doon niya napagtanto na nasa hospital siya ng malibot ng paningin niya ang paligid.
"Gising kana pala bhest." wika ni Nice na noon ay papasok palang at kasunod niya si Mary Rose.
"Kamusta kana bhest?" sabad naman ni Mary Rose.
"Oky lang ako mga bhest." sagot niya na my pilit na ngiti.
Pero ang totoo masakit pa talaga ang buong katawan ng dalaga. Naupo ang dalawa sa tabi niya.
"Nagugutom kana ba anak?" tanung ng kanyang ina.
Tumango nalang ito bilang tugon. Kaya sinubuan siya ng kanyang ina.
Pagkatapos noon ang umuwi muna ito para tingnan ang mga kapatid niya.
"Oky kalang ba talaga bhest?" tanong sa kanya ni Nice.
"Oo nga." sagot ng dalaga.
"Sure kaba jan?" si Mary Rose ang nag salita.
Hindi na siya naka sagot pa dahil sa loob niya nasasaktan ito. Parang tinusok ng libo-libong patalim ang puso ng dalaga ng maalala ang nakita nito doon sa park.
"Sabi mo oky ka lang eh bakit tumutulo na yang mga luha mo." puna ni Nice sa kanya.
"Ang sakit kasi bhest eh.... sobrang sakit talaga...." emosyonal na sabi ng babae.
"Ssshhhhh..... tama na yan bhest." pag alo ni Mary Rose.
Niyakap nalang siya ng dalawa niyang kaibigan...
Samantalang na rinig naman ng binata sa labas ng pinto ang pag-iyak ng dalaga, para siyang sinaksak na mAraming ulit. Gusto niyang pumasok at kausapin ang dalaga pero natatakot siya, kaya kahit masakit mabilis na nilisan ng binata ang lugar at hindi na siya bumalik pa doon.
"Nice kamusta na siya?" tanung ni Paul sa kaibigan ng babae matapos ang isang linggo.
"Oky na siya at bukas tatanggalin na ang cast ng kanyang paa and next day pweds na siyang pumasok ulit." sagot ni Nice.
"Mabuti naman kung ganun, sige salamat, aalis na ako." wika ng binata tsaka tumalikod paalis.
Naka balik ng pag-aaral si Ellyn, lumipas ang mga buwan at naka graduate na ito.
"Paano mga bhest gagraduate na tayo ng high school, kahit magkalayo tayo ng College text-text parin ha." wika ni Nice na naluluha.
"Oo nga text-text parin ha at balitaan tayo ha." sabi rin ni Mary Rose.
"Oo naman mga bhest, diba nga bhestfriends forever." wika rin ng dalaga.
Kaya nag grouphug sila. Natapos ang graduation at masaya ang dalaga dahil isang kabanata na naman ang natapos sa buhay niya.
'Naka graduate na ako ng high school siguro panahon na para hanapin ko ang kapalaran na nakalaan para sa akin.' sa isip na dalaga.
'Si Paul hindi na rin nagparamdam pagkatapos nag mga nangyari. Siguro di talaga kami para sa isa't isa.' malungkot na dagdag niya.
Lumipas ang mga buwan at napag pasyahan ng babae na maki pagsapalaran sa Maynila.
BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
RomanceBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...