CHAPTER 16

1.6K 49 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Walang nang nagawa ang dalaga dahil nahiya naman itong tanggihan ang binata sa kadahilanang ang mga niyaya niya ay nag kanya-kanyang talikod at sila na ang naiwan na dalawa.

"Sige ako nalang sasama sayo Paul." sagot ng dalaga.

Bumili nalang sila ng makain sa perya at sumakay sila ng sasakyan ni Paul at doon pumunta ng park para kahit paaano ay hindi crowded.

"Salamat Ellyn ha at pina unlakan mo ako." wika ni Paul.

"Walang anu man Paul." tipid na sagot ng dalaga.

Makatabi sila na naka upo sa isang mahaba na bench.

"Kamusta kana Ellyn?" tanung ni Paul sa dalaga,

"Ito oky naman kahit papaano." sagot naman ni Ellyn.

"Ang ganda ng langit noh maraming stars." dagdag pa nito habang naka tingala.

"Oo nga." sagot naman ng binata.

Titig na titig ang binata sa mukha ng dalaga at tinatandaan bawat ang gulo nito.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanung ng dalaga ng mapansin na kanina pa naka titig ang binata.

"Ahh, wala naman." sagot ng binata sabay bawi ng tingin.

"Tara uwi na tayo Paul gumagabi na rin." yaya ng dalaga tsaka tumayo.

Tumayo rin ang binata pero bigla nalang niyang hinila ang dalaga tsaka niyakap ito.

'Sana lagi kitang mayakap Ellyn, sana dito ka lagi sa tabi ko .' sa isip ni Paul.

Nagulat naman ang dalaga sa ginawa na binata pero imbis na kumalas sa yakap ng binata napayakap nalang din siya at napapikit. Ang totoo kasi sobrang miss narin niya ito.

"Tara hatid na kita." wika ni Paul at hinila siya papunta sa sasakyan.

Walang ni isang nag salita sa kanila hanggang makarating sila sa bahay ng dalaga.

"Salamat." tipid na wika ng dalaga

"Walang anu man, libre ka ba bukas Lyn?" tanung ni Paul.

"Bakit?" tanung rin ng dalaga.

"Yayain sana kitang mag ikot-ikot bukas kasi wala akong kasama eh." sagot ng binata.

"Oo sige sasama ako." derechong sagot ng dalaga.

"Talaga? sige susunduin nalang kita dito bukas." masayang turan ng binata.

"Sige, Goodnight....." wika ng dalaga.

"Sige, goodnight din..." sagot ng binata.

Umalis na si Paul at pumasok na rin si Ellyn sa loob para maka pag pahinga na.

'Pangako Ellyn hinding-hindi na kita pakakawalan.' sa isip ni Paul nung oras na iyon.

Nakahiga na ang dalaga pero di parin siya dinadalaw ng antok. Masaya siya dahil nakasama nito kanina ang pinaka mamahal..

'Buti at hindi ka parin nagbabago hanggang ngayon Paul sana ganyan ka lagi.' sa isip ng dalaga.

Nakarating na rin si Paul sa bahay nila at nag pahinga na rin ito. Bukas balak niya na mag picnic sila ng dalaga sa tabing dagat.

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon