CHAPTER 19

1.6K 42 0
                                        

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Iyak ng iyak ang dalaga habang nasa taxi ito.

"Ang kapal ng mukha niya, mahal daw ako may iba naman... Bakit Paul anu ang pagkukulang ko? Saan ako nag kulang.." tanging sambit ng dalaga.

Sobrang nasaktan ang dalaga, pag dating niya ng bahay iyak siya ng iyak at nakatulugan nalang iyon ng babae.

Kinabukasan pumasok parin siya ng trabaho kahit namamaga ang mga mata niya, nag suot nalang ang dalaga ng glasses para di makita.

"Joy ayaw ko muna ng bisita ngayon ha. Ayaw ko rin ng istorbo pag tinawag kita tsaka ka nalang pumasok." bilin ng babae sa secretarya.

"Opo ma'am." sagot ni Joy.

Pumasok sa loob ang dalaga. Di na naman niya namalayan ang pag tulo ng mga luha niya.

'Kailangan ko siyang puntahan ngayon at kailangan kong mag paliwanag.' sa isip ng binata.

Tinahak ng binata ang daan papuntang opisina ng dalaga. Pag baba niya pumunta siya sa office ng dalaga.

"Sorry sir pero nag bilin si ma'am na ayaw po muna niyang mag paistorbo." wika ni Joy.

"Bakit daw ayaw niya?" nag tatakang tanung ng binata.

"Di ko alam sir eh basta yan ang bilin niya." sagot ng secretarya sa kanya.

Kaya na upo ang binata at hinintay na lumabas. Pero natapos ang lunch at hindi pa lumalabas ang dalaga kaya nag alala na ang binata.

'Bakit kaya hindi parin siya lumalabas hanggang ngayon?' nag aalala na ang binata.

Kaya nag pasya siya na puntahan na ito at wala siyang paki alam kahit bawal. Pag pasok niya sa loob nakita ng binata ang babae na naka handusay sa mesa nito.

"Oh my God! babe,,,, babe......" tawag ni Paul sa dalaga.

Pero di ito sumasagot at tangina ungol lang ang maririnig niya.

"Ang taas ng lagnat mo." sambit ni Paul ng sinapo ang noo ng dalaga. "Joy.....Joy..... halika dito..." tawag ni Paul.

"Bakit sir?" hamahangos na tanung nito. "Anu nangyari kay ma'am?" dagdag pa nito.

"Inaapoy siya ng lagnat..." maikling sagot ng binata.

Binitbit niya ang bag ng dalaga tsaka ito binuhat papuntang sasakyan. Inuwi niya ito sa unit niya.

"Hello doc pwede po ba na pumunta muna kayo sa unit ko A.S.A.P.." tawag niya sa kilala nito na doctor.

"Oh sige antayin mo ako jan." sagot naman nito.

Dumating na ang doctor at sinuri nito ang dalaga.

"Kamusta siya doc?" tanung ng binata.

"Oky naman siya kilangan lang niyang mag pahinga, over fatigue siya sa trabaho at stressed. Itong mga reseta bilhin mo at ipainom para bumaba ang lagnat niya. Punasan mo rin siya para guminhawa siya.." bilin ng doctor.

"Sige doc.....salamat ha.." wika ng binata

Ginawa niya ang bilin ng doctor. Bumili siya ang gamot at pinainom ito. Pero nahirapan siya sa pag punas sa dalaga lalo pa't wala itong gamit kaya napilitan siya na ipasuot ang damit at shorts niya sa dalaga.

"Ito nalang muna ang suotin mo babe ha." bulong niya sa dalaga. "Pagaling kana dahil ang dami kung dapat sabihin sayo." dagdag pa niya.

Nakita niya na nanginginig ang dalaga kaya tinabihan ito at niyakap. Nakatulog ang binata na yakap ang dalaga...

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon