CHAPTER 32

1.9K 41 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Inasikaso na ni Paul ang mga dapat gawin pAra sa lalong madaling panahon maka balik na siya ng Pilipinas. Hindi rin niya sinabi sa dalaga na uuwi siya.

'Tiyak magugulat siya nito pag nakita niyang na nasa harap na niya ako.' naka ngiting iniisip na binata ang mga mangyayari.

Samantalang laging masama ang pakiramdam ng dalaga bawat umaga ng paggising niya at mas pahirap ito sa bawat araw na dumadaan..

"Bhest oky kana ba?" tanung ni Nice na may halong pag aalala habang hinahagod ang likod niya.

Nadatnan kasi siya ng kaibigan na suka na nAman ng suka. Three months na rin kasi ang pinagbubuntis niya.

"Oo bhest oky na ako." pilit na ngiting sumagot ang dalaga.

"Bhest oky ka lang?" tanung ni Nice na may pag aalala at kadarating lang.

"Kaya pala wala kayo sa sala dito pala kayo. Grabe naman yang inaanak ko pinapahirapan ka."dagdag ni Nice sabay yakap sa dalaga.

"Sinabi mo pa bhest, hayan nga at kakatapos niya lang dumuwal oh." sabat ni Mary Rose saby nguso sa banyo.

"Wag ka mag alala bhest nandito kami, aalalayan ka namin." sagot ni Nice.

"Salamat mga bhest ha..." turan ng dalaga na napapa iyak na.

"Ay! teka bhest alam na ba ito nina tito at tita?" tanung ni Mary Rose.

"Tsaka nasabi mo na ba kay fafa Paul na juntis ka?" dagdag pa niya.

"Hindi pa bhest eh, natatakot ako kina mama at papa baka pagalitan nila ako o di kaya itakwil dahil sa nagawa ko." sagot ni Ellyn na may pag aalinlangan.

"Bhest si Paul alam na niya na buntis ka. Naalala mo nung hinimatay ka sa office ninyo at dinala ka namin sa hospital. Tumawag siya noon at iyon nga nasabi ko sa kanya. Sorry if hindi ko nasabi sayo ha, nakalimutan ko eh." paliwanag ni Nice.

"Naalala mo iyon bhest? Diba ikaw pa pinasasagot ko noon." dagdag niya sabay sulyap kay Mary Rose.

"Ay! oo bhest naalala ko iyon. Iyan kasi nakikipag landian ka doon eh kaya nakalimutan mo kasi puro yung doctor na iyon ang laman ng utak mo." pang aasar ni Mary Rose.

Biglang nalungkot ang dalaga sa narinig at nakita naman ito ni Nice.

"Bakit bhest may problema ba?" tanung sa kanya ng kaibigan.

"Kasi hanggang ngayon hindi parin siya tumatawag bhest eh. Iyong tawag na sinasabi mo iyon na ata ang huli." sagot ng babae at nag unahan na ang mga luha na bumagsak.

"Hala! paano yan bhest?" bulalas ni Mary Rose.

"Oky lang kung ayaw na niya ito panagutan bhest masaya na rin ako at may iniwan siya tsaka mahigit isang taon pa naman ang bubunuin niya doon bago siya maka uwi dito. Naka labas na ang anak ko sa pag kakataon na iyon." saad ng dalaga na may himig na kalungkotan.

"Teka bhest kung ganun ay kailangang malaman nina tita ang kalagayan mo na iyan." katwiran ni Nice.

"Oo nga bhest dapat malaman nina tita yan lalo pa't hindi na pala nag paramdam si Paul sayo." sabad ni Mary Rose.

"Wag ka mag alala bhest kami ang bahala, kami ang mag papaliwanag kina tita." turan ni Nice.

"Salamat mga bhest ha, buti at nandiyan kayo, kung wala ewan lang kung saan ako pupulutin ngayon." lahaang sambit ni Ellyn.

Muling nagyakapan ang tatlo.

"Grouphug......" wika ni Mary Rose.

Lumipas pa ang isang buwan at napag decisionan ng dalaga na mag file muna ng maternity leave.

"Sir, pwedeng mag leave po muna ako kasi nahihirapan na rin ako sa kalagayan ko." wika ng dalaga kay Mr. Sy

"Oky Miss Mendoza, pero ikaw balik tapos ikaw anak ha, ikaw kase galing empleyado, sipag pa." sagot ni Mr. Sy sa kanya.

"Opo Mr. Sy makakaasa po kayo. Salamat po." sagot ng dalaga.

"Sige kung ganun, pwede na ikaw leave, ingat ikaw ha, tsaka pag ikaw anak, kuha mo ako ninong pagbinyag." pahayag ng intsik sa kanya.

"Walang problema sir makakaasa po kayo. Sige at aalis na po ako." paalam ng dalaga.

Masaya siya at naka pag leave na ito. Nasabi na rin ng mga kaibigan niya ang kalagayan nito sa kanyang mga magulang.

"Bhest sabi ni tita umuwi ka daw muna ng maalalayan ka nila." wika ni Nice ng bumisita ito.

"Oo nga bhest tsaka nag aalala sila sa kalagayan mo ngayon." sabad naman ni Mary Rose.

"Sige bhest salamat sa inyo ha." turan ng dalaga.

Lagi siyang binibisita ng dalawang kaibigan. Kahit papaano naging kaagapay niya ang mga ito.

'Naka pag leave na ako at lumalaki na rin ang tiyan ko. Siguro kailangan ko ng umuwi muna sa amin para matulungan nila ako, maiintindihan naman nila siguro ang ginawa ko.' sa isip ng dalaga habang naka higa ito.

Kaya nag book siya ng ticket para umuwi muna sa kanila.

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon