CHAPTER 21

1.7K 48 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Nagulat ang dalaga ng binuhat siya ng lalaki pagkatapos kumain.

"Paul ibaba mo ako kaya ko naman maglakad eh." pag pupumiglas ng dalaga.

"Hindi pwede, diba sabi ko aalagaan kita." wika ng binata habang buhat ang dalaga.

"Ganun ba dapat yun?" tanung ng babae.

"Oo ganun na nga kaya wag ka ng pasaway at malikot babe ha." sabi ng lalaki.

"Hmmm.... oky sabi mo eh." masayang turan ng dalaga.

Dinala siya ni Paul pabalik sa kwarto at inilapag sa kama.

"Hayaan mag pahinga ka muna jan." ani ng binata.

"Higa na naman, magaling na kaya ako." reklamo ni Ellyn.

"Magaling ka jan my sinat kapa." sagot ni Paul.

"Oo na mag papahinga na pero wag kang umalis sa tabi ko ha." wika ng dalaga.

"Promise hindi ako aalis, babantayan kita." pangako ng binata.

Tinabihan ng binata ang dalaga sa pag tulog. Hinaplos-haplos pa niya ang buhok ng babae.

"Wag ka ng umalis ha." huling salita ng dalaga bago naka tulog.

Hindi na umalis ang binata, tinawagan nalang niya ang opisina na hindi siya makakapasok ngayon. Buong araw siyang nasa tabi ng babae at kahit saglit hindi niya ito iniwan.

"Hmmm......" pag iinat ng dalaga.

Hapon na ng magising ito ulit. Hinanap niya agad ang binata at nakita niya ito sa kusina na nagluluto.

"Ang bango naman niyan, parang ginutom ako ah....." wika ni Ellyn na naka ngiti.

"Maupo ka muna babe at malapit na ito." sagot naman na binata.

"Anu yang niluluto mo babe?" tanung ng dalaga.

"Tinolang manok babe." sagot na lalaki.

"Wow, parang mas ginutom ako ah...." turan ng babae.

"Hayan tapos na..." wika ni Paul.

Nag hain na ito, at inaasikaso niya ang dalaga.

"Susubuan na kita babe." wika ng binata.

"Kaya ko naman kumain babe." sagot ni Ellyn.

"Wag nang mag reklamo babe. Nganga ka nalang." ani ng binata.

Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ito. Sinubuan siya ng binata hanggang sa makatapos silang kumain.

"Babe busog na ako...." ani ng dalaga.

"Last na subo na ito babe." wika ng binata.

"Last na ito ha." sagot ng babae tsaka kinain.

"Good girl...." sabi ng binata ng matapos iyon.

Halos mabundat naman ang dalaga sa sobrang kabusogan, sa dami ba naman ng kinain niya..

"Maupo ka muna jan babe ililigpit ko lang ito." utos ni Paul sa dalaga.

"Tulongan na kita babe." prisinta ni Ellyn.

"Hindi, maupo ka nalang jan at kaya ko na ito." wika ng binata.

Naupo nalang ang dalaga at ng makatapos ay sabay silang pumasok ng kwarto para mag pahinga na.

"Babe......" tawag ni Paul kay Ellyn.

"Bakit?" sagot ng dalaga.

Nagulat nalang ang babae ng niyakap siya ng binata. At mas ikinagulat nalang niya ng bilang sinakop ng binata ang mga labi niya...

Nung una banayad lang ang halik ng binata hanggang sa naging mapag hanap ito. Mas naging mapusok pa ito ng tumugon ang dalaga. Kapwa habol hininga sila ng mag hiwalay ang mga labi.

"Paul...." sambit ng dalagA.

"Ilove you Ellyn...." sagot ni Paul at muling sinakop ang labi ng dalaga.

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon