REALITY'S DESIRE
Written by: Sexy Lady
Nag ring ang mobile ni Nice, hindi naka register ang number pero sinagot niya ito.
"Hello..." wika ng dalaga.
"Hello Nice..... kamusta kana?" bati ni Paul.
"Paul......" bulalas ng dalaga.
Kahit papaano pamilyar siya sa boses ng binata kaya nakilala niya ito agad.
"Oo ako nga.... ahmm, pwede ba tayo magkita ngayon Nice?" saad ng lalaki.
"Teka nasaan ka ba?" nag tatakang tanung ni Nice.
"Umuwi na ako dito ngayon lang, pinuntahan ko si Ellyn dito pero wala siya, so pwede ba tayong magkita." turan ng binata.
"Sige, anung oras at saan?" tanung ni Nice.
"Mamayang 3pm sa Manila Opera Hotel at isama mo na rin si Mary Rose." sagot ng lalaki.
"Sige Paul darating kami." paniniguro ng dalaga at binaba na ang tawag.
Nahiga muna si Paul sa silid ng dalaga at sinariwa ang mga ginawa nila. Napapikit ito at napabulong..
"I missed you so much babe..." sambit ng binata.
Naidlip ito sa kinahihigaan niya dala ng pagod sa byahe.
"Hello bhest may lakad tayo mamayang 3pm sa Manila Opera, urgent to." derechong wika ni Nice sa kabilang linya.
"What??? as in mamaya na? at bakit urgent?" gulat na sagot ni Mary Rose.
"Narito na sa pinas si Paul bhest kakatawag lang, gusto niya tayo makausap." saad ni Nice.
"What???" bulalas ni Mary Rose.
"As in si Paul?? yung boylet ni bhest Lyn??" dugtong ng dalaga.
"Oo bhest at ng tumawag siya tingin ko alam na niya na wala si Ellyn dito." sagot ni Nice...
"Oky bhest cancel ko muna iyong date ko." saad ni Mary Rose.
"Oky bhest see you." turan ng dalaga tsaka pinindot ang end button.
Paggising ng binata ay past 1pm na kaya nag ayos ito para maki pag kita sa kaibigan ng kasintahan.
"Kamusta kayong dalawa?" wika ni Paul sa dalawang dalaga na kaharap.
"Oky lang kami Paul." si Mary Rose ang sumagot.
"Bakit pala gusto mo kaming maka usap Paul?" segunda ni Nice.
"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa sa inyo. Pag dating ko kanina doon ako dumirecho sa unit ni Ellyn at wala siya doon, pwede bang malaman kung saan pumunta ang mahal ko?" wika ng binata na bakas ang pag aalala.
Nagkatinginan ang dalawa at tsaka tumingin sa binata.
"Umuwi siya ng probinsya Paul nung isang araw lang, masyado kasi siyang nahihirapan sa kalagayan niya lalo pa't nag iisa siya, dinadalaw-dalaw naman namin siya pero hindi sapat iyon dahil kailangan talaga niya ng kasama kaya nag file siya ng leave at umuwi.." paliwanag ni Nice.
"Tsaka kailangan nito ng alalay dahil ang selan niya sa paglilihi Paul." dugtong ni Mary Rose.
Nalungkot ang binata sa narinig dahil alam niya na wala siya sa tabi ng dalaga lalo na sa mga oras na ito.
"Ganun ba... salamat sa inyo ha at hindi ninyo siya pinabayaan." wika ng binata.
"May hihingiin sana ako na pabor sa inyo." dugtong pa niya.
"Kung kaya namin Paul handa kaming tumulong." sagot ni Mary Rose.
"Gusto ko sana siyang pakasalan at plano kong mag propose ulit at kasunod na ang kasal kahit sa huwes muna." lahad ng binata sa dalawa.
Nagkatitigan at napangiti ang dalawa sa narinig nila...
"Sige paano natin gagawin iyon? saan at kailan?" sunod-sunod na tanung ni Nice.
Inilahad ng binata ang plano sa dalawa at naka isip na rin sila ng paraan kung anu ang gagawin nila.
"Salamat sa inyo ha, maaasahan talaga kayo." wika ng binata na napangiti na rin.
"Basta para sa inyo ng kaibigan namin walang problema Paul." sagot ni Mary Rose.
Kumain muna sila bago nag paalam sa isa't isa.
"Sige ladies kita nalang tayo bukas sa airport ha at salamat ulit..." masayang wika ng binata sa dalawa.
"Sige Paul at walang anu man iyon." sagot ni Nice.
Kinabukasan nagkita-kita sila doon, mababakas ang tuwa at excitement sa mukha nilang lahat. Naka handa na ang mga gagawin nila at pati ang judge na magkakasal ay kasama na rin sa pag uwi ng tatlo.
"Ladies kayo na ang bahala ha at ingat niyo ang mag ina ko." bilin ni Paul sa dalawa.
"Makakaasa ka." chorus ng dalawa at nag tawanan pa sila.
Nagkanya-kanya na ang mga ito para sa kanilang balak...
BINABASA MO ANG
REALITY'S DESIRE
RomanceBata palang sila may gusto na si,Ellyn kay Paul. Mula noong unang araw nila sa Kinder,nag simula ang lahat. Tinago niya ito ng napakahabang panahon,hanggang sa paglayuin sila ng tadhana.At ganun na lamang galak ng dalaga ng isang araw nag kita silan...