CHAPTER 25

1.6K 44 0
                                    

REALITY'S DESIRE

Written by: Sexy Lady

Ganito ang set up nila araw-araw. Minsan si Paul ang natutulog sa unit ng dalaga at minsan ang babae ang natutulog doon.

Halos grabe ang pagtitimpi na ginagawa ng binata sa tuwing mag kasama sila ng babae. Lumipas ang mga buwan.

"Hello babe kamusta kana jan?" tanung ng binata sa kabilang linya.

"Oky lang babe, bakit ka pala napatawag?" tanung ng dalaga.

"Yayain sana kita na lumabas mamaya babe." sagot ni Paul.

"Hmmmm sige babe." masayang sagot nito sa binata.

"Sige I'll pick you up at 8pm oky." masayang turan ng binata.

"Oky babe see you." pagtatapos ng babae.

Lingid sa kaalaman ng dalaga my plano ang binata sa kanya. Balak ni Paul na mag propose na sa kanya.

'Sana Ellyn magustohan mo ang gagawin ko mamaya at sana wag mong tanggihan ang proposal ko sayo.' sa isip ng binata na may mga ngiti sa labi.

Dumaan ito sa botique kung saan pinagawa niya ang engagedment ring na pinasadya niya. Isa itong diamond ring na may dalawang ruby sa gilid.

"Sir ito na po ang order ninyo at ready na po ang dinner na pina set ninyo sa Manila Floating Restaurant." wika ng babae na ka meeting niya.

"Sige Miss thank you!" wika ng binata.

Halos hindi maalis-alis ang ngiti nito at excited na siya para mamayang gabi.

Nag iisip naman ang dalaga, nag tataka siya kung bakit nagyaya ang binata ngayon.

'Bakit kaya nagyaya siya, kadalasan gusto lang niya na magkasama kami, kung hindi sa unit ko sa unit niya.' sa isipan ni Ellyn.

"Ma'am may meeting po kayo mamayang 3pm para sa buong department ng Hotel." paalala ni Joy.

"Oky Joy thank you." naka ngiting sagot niya.

"Ahmmm Joy maaga ako uuwi mamaya ha ikaw nalang bahala dito ha." dagdag pa ng dalaga.

"Oky po ma'am walang problema." sagot ng secretarya niya.

Kinahapunan natapos ang meeting nila at umuwi na siya. Pagdating ng bahay ay naligo siya at nagpahinga muna saglit.

'Ano kaya ang iniisip ng babe ko at nagyaya siya na lumabas.' di maalis-alis na katanungan sa isip ni Ellyn.

Nakaupo siya sa harap ng salamin At roba lang ang suot nito. May towel pa ito sa ulo.

'Hmmm dapat maganda ako mamaya para naman di masayang ang gabi na ito.' sa isip ng dalaga at may ngiti sa labi.

Kaya nag simula na siyang mag ayos ng sarili niya. Nagsuot ito nag casual dress na kulay pula at hapit na hapit ito kaya bakat na bakat ang magandang hubog ng kanyang katawan. Tinali lang niya ang buhok sa harapan papuntang likod at nilugay niya ang natira. Naglagay rin siya ng kaunting make up at lipbalm, di na niya kilangan ng lipstick dahil natural ng mapula ang labi niya. Tamang tama ng matapos siya may kumatok sa pintoan.

"Anjan na." sigaw ng dalaga.

Tumayo na siya at kinuha ang bag na dadalhin. Pag bukas niya ng pintoan nakita ng dalaga ang binata na naghihintay.

Samantalang ang binata pag bukas ng pintoan halos hindi na siya kumurap at para siyang na engkanto, ni hindi manlang ito gumalaw. Napaka ganda ng babae na nasa harapan niya para itong diyosa na bumaba mula sa langit.

"Aalis na ba tayo babe?" nakagiting wika ng dalaga.

Tsaka lamang siya nataohan ng marinig na nagsalita ang babae sa harap niya.

"Aahh.... oo babe, let's go." sagot niya tsaka nilahad ang palad.

Naglakad na sila papuntang elevator. Nang nasa loob na sila may binulong ang binata sa dalaga.

"You're so beautiful babe." bulong ng binata.

"You look so great." dagdag pa niya at sumungaw ang pilyong ngiti sa labi nito.

Pinamulahan naman ang dalaga at dumagongdong ang kaba sa dibdib ng makita ang kakaibang ngiti sa binata pero hindi siya nag patalo.

"You look handsome too babe." ganting bulong din niya at binalinggan ng napaka tamis na ngiti ang lalaki.

Halos magwala na ang damdamin ng binata ng makita ang ngiti na iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nung oras na iyon gusto niyang yapusin, halikan at angkinin ang dalaga pero todo timpi talaga ang ginawa niya.

Sumakay na sila ng kotse at tinahak ang daan papunta sa Restaurant. Pag dating nila doon sinalubong sila ng isang waiter..

"This way ma'am, sir......" wika ng waiter..

Sumunod naman ang dalawA at sa taas sila dinala. Halos lumaki ang mata ng dalaga sa nakita nito. Ang daming rose petals na nakakalat at may isang mesa sa gitna nito na may kandila.

'Ang romantic naman ng settings nila.' sa isip na dalaga na puno ng galak.

"Do you like it?" tanung ni Paul na nasa likod niya.

"Ye,,,,,,yes...... ang ganda babe sobra." sagot ng dalaga.

"Halika at nang makakain na tayo, gutom na ako eh." wika ng binata.

Lumapit na sila sa mesa at pinag hila siya ni Paul ng upuan. Pagkatapos ay tinawag na nila ang waiter..

Nang dumating ang pagkain ay kumain na sila.

"How's the food babe?" tanung ng binata sa kanya.

"Masarap siya babe." naka ngiting sagot ni Ellyn.

"Talaga babe?" paniniguro ng lalaki.

"Oo naman babe." maigsing sagot niya.

Nagulat siya ng sumipot ang binata. Maya-maya ay umakyat ang limang waiter kasabay noon ang fireworks sa kalangitan kaya napa tingala ang dalaga. Pagkatapos noon ay nagulat siya nga lumuhod ang binata kasabay ng pag bukas ng mga waiter ng dala nilang tarpulin.....

WILL YOU MARRY ME ELLYN??????

Ang naka sulat sa tarpulin. Halos pigil hiningga ang dalaga sa pangyayari na iyon.

'God nananaginip po ba ako?' sa isip ni Ellyn.

"Ellyn Mendoza will you marry me???" wika ni Paul habang naka luhod sa harapan niya...

REALITY'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon