CHAPTER 29

3.5K 71 5
                                    

Chapter 29

"Bella, may trabaho ka ba ngayon? " napatingin ako kay Maricar nang itanong nya iyon. Wala akong trabaho ngayon dahil pa extra extra lang ako.

"Wala, mag hahanap palang ako. " sagot ko.

"May alam akong nag hahanap ng mga empleyado kaso sa maynila yun. Libreng bahay mula sa pag kompanya para sa mga empleyado. Ano?  Gusto mo  ba? " tanong nito.

Sa maynila?  "Hindi ka naman mag aalala sa mga anak mo dahil pwede naman kayong lahat sumama doon dahil may bahay naman kayo. " sagot nito.

"Sige, payag na ako. " sagot ko. Tumili ito. "Ano ba klaseng kompanya ang pag t-trabahuhan ko?" tanong ko.

"Uh,  nag nag hahanap sila ng secretary ng kompanya nila. Buntis kasi ang ate ko mula sa manila at mukhang matagal makakabalik kaya nag hahanap sila ng papalit. " sagot nito.

"Wag ka mag alala legal ito at hindi naman prostution. " napangiti ako dahil sa sinabi nito.

"Sige, sasabihan ko sina nanay " sagot ko. Nag lakad na ako pauwi para sabihan sina nanay tungkol sa sinabi ni Maricar nang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali akong pumasok sa loob para hindi mabasa ang damit ko.

Sinalubong agad ako ng tatlo na may hawak na towel. "Narinig ko sa balita sa may tindahan na may paparating daw na bagyo. " Sabi ni nanay. Napatingin ako sa bubong ng bahay namin.

Gawa lang sa kahoy ang mga dingding at narra lang ang bubong. Napatingin ako sa ibaba nang humawak sa laylayan ng damit ko si Zvezda.

"Mama, malatas po ba ang bagyo? " tanong nito saakin. Kinandong ko ito at hinalikan ang pisngi nya. "Siguro, anak" sagot ko. Nang magsimula na ang malalakas na hangin at naramdaman ko na gumalaw and tatlo. Mukhang naamlimpungatan sila sa malakas na hampas ng hangin.

"Bella, gumising kayo at sira na ang bubong natin." napatayo kaagad ako dahil sa sinabi ni nanay, maging ang tatlo din.

"Kunin nyo yung mga importanteng gamit dahil doon muna tayo sa bahay nina Maricar. Ang mga bata at isakay na sa tricycle anduon na sina Maricar sa labas. " sabi ni nanay. Hinatid muna ng tricycle any tatlo at si nanay. Hindi na kasi ako kasya dahil ang mga damit, babalikan nalang daw ako.

Pumasok muli ako sa kwarto namin at agad hinanap ang bagay na iyon. Hindi ko alam pero may parte saakin na nag sasabi na may mahalagang parte iyon saakin. Narinig ko ang busina ng tricycle mabuti Nalani at agad ko iyong nahanap.

Napangiti ako nang makita ko iyon. Agad ko itong nilagay sa bulsa ng short ko. Nang makarating kami sa bahay nina Maricar ay may handa silang mainit na tsokolate na iniinom na ng tatlo.

"Mama, sira na ba ang bahay natin? " tanong ni Ciel. Ngumiti ako sakanya at hinaplos ang buhok nito.

"Bukas natin malalaman, anak" nakangiting sagot ko. Nalatulog din kaagad and tatlo dahil hindi masyado rinig ang malakas na hangin at ulan sa labas dahil may kisame ang kwartong tinutuluyan namin.

Hindi naman sobrang laki ng bahay nina Maricar. Tama lang ito para saamin. Gawa din ito sa semento at yero kaya mukhang matibay. Pinamana pa daw kasi ito ng lolo nya sa papa nito.

"Tulog na? " napatingin ako sa pinto nang pumasok doon si nanay. Ngumiti ako sakanya bago tumingin sa tatlo na mag kakatabi ngayon.

"Nay, payag ba kayong lumuwas ng Maynila? " tanong ko. Kailangan ko pa din ng approval ni nanay. "Bakit mo naman natanong, Bella? " tanong nito.

"Kasi po may binigay saakin  na trabaho si Maricar kanina. Sabi nya nangangailangan daw po ng sekretarya ang isang kompanya. Buntis daw po ang ate ni Maricar at mukhang matatagalan makabalik." mahabang paliwanag ko.

"Paano ang tutuluyan natin doon? " tanong nito.

"Huwag kayong mag aalala, nay, sabi ni Maricar may kasama na daw pong bahay para sa mga empleyado. " sagot ko.

"Lumalaki na din po ang tatlo, baka sa susunod ay mag-aral na sila." sagot ko  pa.

"Sya sige, kung para ito sa kinabukasan ng mga apo ko. " napangiti ako dahil sa sinabi ni nanay.

Kinaumagahan ay wala na ang bagyo kaya pumunta kami ni nanay sa bahay para tingnan kung nakatayo pa ito.

"Dito lang po, manong " sabi ni nanay bago mag bayad ng tricycle. Nauna akong lumabas at nakaramdam ako ng lungkot nang makita kong bubong nalang ang tanging nakakita doon.

Niyakap ko si nanay. Nag hanap pa kami ng maayos na gamit na pwede pang magamit. Bumalik kami sa bahay nina Maricar.

"Iba talaga ang kalamidad ngayon. " sabi ni Aling Betty,nanay ni Maricar. Napangiti naman ako nang makita ko ang tatlo na masayang nag lalaro ng mga laruan nila. Mabuti nalang at nadala nila kagabi.

"Ginamit mo na ulit?" napatingin ako kay Maricar nang itanong nya iyon. Napatingin ako sa leeg ko. Kwintas iyon sa may pendant na parang prutas mansanas.

"Oo, hinanap ko kagabi, akala ko nawala ko  na. " sagot ko.

Napatango naman sya. "Ano pupunta ba kayo sa Maynila? " tanong nito.

"Oo, sayang din naman kasi iyon para din yun sa pag-aaral ng mga anak ko. Tsaka yung bahay namin sira na din. " sagot ko.

"Wag kang mag-alala sabi ng ate ko mabait naman daw ang boss nya kung minsan at masungit din. " sabi nito.

"Gwapo din daw kaso may asawa na "

"Napaka swerte naman ng asawa nya dahil napakayaman ng asawa nya." sagot ko.

***

Ito ang araw na aalis na kami papuntang maynila. May kanya-kanyang dala kaming gamit. Hinatid kami nina Maricar sa terminal ng bus papuntang Maynila.

"Mama, maganda ba sa maynila?" tanong ni Elio. Tulog kasi ang dalawa at tanging sya lang ang gising. Maging ang Lola nila.

"Oo naman anak, may malaking building doon at mall. " sabi ko. Hindi ko  alam pero pakiramdam ko ay nakapunta na ako doon.

Hinalikan ko ang noo nila bago ipikit ang mga mata para matulog. It's gonna be fine.

Nang makarating kami sa maynila ay hindi mapigilan ng tatlo na hindi mamangha dahil sa dami ng mga sasakyan. Turo din sila ng turo kung ano ang bago sa paningin nila.

"Ikaw ba si Bella? " napatingin kami sa isang babae. Medyo may kalakihan ang tiyan siguro at buntis.

"Ako nga po. " sagot ko.

Nakahawak sa magkabila kong kamay sina Zvezda at Ciel habang na kay nanay naman si Elio na mukhang antok pa.

"Mabuti naman at nakarating kayo ng ligtas. Ako nga pala si Maria, ate ako ni Maricar. Pinapasunod nya kayo saakin dahil baguhan palang daw kayo dito. "napangiti ako dahil hanggang dito at tinutulungan pa rin kami ni Maricar.

Sumakay kami sa jeep papunta sa bahay na tutuluyan namin. Pumasok kami sa isang building at todo tingin ang tatlo sa nag gagandahang ilaw.

"Condominium ang offer ng kompanya na pinag t-trabahuan ko dati. Wag kayong mag-alala dahil kompleto na ang mga gamit ng unit nyo.  Grocery nyo nalang ang kulang. " sabi ni nang makapasok kami sa loob.

Maganda ang buong unit. May sofa din doon at TV, habang may tatlong kwarto. Ang kusina naman ay malawak din at may ref.

"Bukas na bukas ay pupunta ka sa opisina. Hindi mo  na kailangan mag apply dahil ikaw lang naman ang nag apply dahil na recommend kita. "

"Maraming salamat po. " magalang na sabi ko.

"Uuwi na ako at baka mabaliw na yung asawa ko kakahanap saakin. " nakangiting sabi nito. Napangiti naman ako dahil doon.

"Mama,  may sarili na kami na kwarto. Mayaman na tayo. " masiglang sabi ni Elio. Napatawa naman kami ni nanay dahil sa sinabi ni Elio.

Una kong nilinisan ng katawan si Zvezda, sunod yung dalawang lalaki ko. Hinintay ko silang makatulog bago lumabas ng kwarto nila. Wala na si nanay sa sala, mukhang napagod dahil sa byahe.

Pumunta ako sa terrace ng unit namin. Kita doon ang maliwanag na city lights. Napangiti ako sa hindi ko maipaliwanag. Para bang pamilyar saakin ang lugar na ito.

Occupation Series #4: The EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon