CHAPTER 30

3.5K 75 0
                                    

Chapter 30

"Mama, aalis ka na ba? " napatingin ako kay Ciel nang itanong nya iyon. Napangiti ako sakanila. Naka upo sila sa dining table habang nag hihintay ng almusal na niluluto ni nanay.

Lumapit ako sakanila at hinalikan ang mga noo. My babies are my treasure. "Oo, baby ko, mag t-trabaho na kasi si mama. " malambing na sabi ko.

"Hindi ka na ba kakain muna, Bella? " tanong ni nanay. Ngumiti ako sakanya at umiling. "Hindi na po, baka mahuli din ako dahil traffic." hinalikan ko ang tatlo bago mag paalam na aalis na.

Nakasakay ako ng taxi paints sa sinabi na lugar ni Maria. Nakatingin lang ako sa bintana habang nasa byahe. Napakunot ang noo ko nang may imahe na pumasok sa utak ko.

Ako na nag d-drive ng isang kotse, pareho ang daan na tinatahak namin ngayon. Sunod na imahe ay may dala akong paper bag galing sa Ilang restaurant. Napapikit ako nang makaramdam ako ng sakit ng ulo.

Huminga ako ng malalim. Nang makarating na at agad akong nag bayad sa driver. Napatingin ako sa mataas ng building sa harap ko.

"EAS Corporation. " basa ko sa pangalan ng kompanya. Pumasok agad ako sa loob. Binati ako ng guard pag pasok ko. Pumunta ako sa front desk para mag tanong.

"Good morning! " nakangiting bati ko. The girl on the front desk smiled at me. " Good morning, ma'am, may I help you? " magalang na tanong nito.

"Uhm, ako yung ni recommend ni Maria for secretary. " sagot ko.

Nanlaki naman ang mga mata nito. Agad itong tumawag gamit ang telephone nya. Nang ibaba nya ang tawag nya ngumiti ulit ito saakin.

"You may sit there ma'am, may mag a-assist po sainyo papunta sa office ng CEO" napangiti naman ako sa sinabi nito at umupo sa tintiro nito.

Hindi naman nag tagal ah dumating na din ang isang lalaki. Naka black suit ito habang nakasuot ng glasses na sa tingin ko ay may grado na. Bakas sa mukha nito ang gulat nang makita ako.

Tumayo ako mula sa pag kakaupo para bumati. "Good morning p-"

"Miss Eritrea" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Nag kakamali po kayo, ako po si Bella Guiterez, ako po yung papalit muna kay Maria. ".magalang na sabi ko. Naka awang pa din ang labi nito na parang nakikita ng multo.

"I-im Felix, I'm the assistant of the CEO. "napangiti ako dahil sa sinabi nito. Sabay kami papunta sa CEO office. Nang tumunog ang elevator ay nauna itong lumabas. Nasa pinaka tuktok ang office ang opisina NG CEO.

Kumatok muna si Felix doon  bago ko narinig ang malamig na boses ng isang lalaki. May sinabi si Felix dito bago ako pinapasok. Nang makapasok ako ay namangha ako dahil sa laki ng opisina at sobrang linis.

Maganda din ang interior. Napatingin ako sa isang lalaking nakaupo sa swivel chair habang nakatalikod. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya.

"Magandang umaga po, ako po si Bella-" napahinto ako sa pag papakilala nang magtama ang mga mata namin. He looked shocked while looking at me but I remain smiling at him.

He looked familiar to me but I don't know where I saw him. Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko nang may mga imaheng pumasok sa isip ko.

Napatayo ito mula sa pag kakaupo at lumapit sa pwesto ko. Agad ako nitong hinila para yakapin.

"You're alive!  I know you're alive! " Bakas sa boses nito ang saya.

Mahina ko syang tinulak. "Pasensiya na po kayo pero hindi ko  po kayo kilala. " magalang na sabi ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nito dahil sa sinabi ko. He looked at my back where Felix is standing.

"You're Eritrea, you have a family  we are your family!" Naramdaman ko ang pananakit nga ulit ko dahil sa mga sinasabi nito. Hindi ko na naintindihan ang mga iba pa nitong sinasabi dahil sa pananakit ng ulit ko at patuloy na pag flash ng mga imahe.

"Eritrea, this is you Tito Lucho, he's going to be your father now." blurry ang mukha ng isang babae.

Sunod na imahe ay lalaking may itim na mata na nakangiti saakin. Napahawak ako sa ulo ko. Sunod ay isang lalaking may gray na mata  nakatingin ito saakin, at naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. He has gray eyes too. Juts like that guy. Naramdaman ko ang pag ikot ng buong paligid hanggang sa nawalan na ako ng malay.

"Eritrea! "

Nagising ako na ang unang bumungad saakin  ay ang maliwanag na paligid. Napahawak ako sa ulo ko. Huli kong natandaan ay nasa opisina ako. Napatingin ako sa paligid.

"Miss Eri, tatawagin ko lang po  si sir Permian. " napatingin ako kay Felix nang sabihin nya iyon. Lumabas ito ng kwarto ko. Ilang minuto ang nakalipas dahil nang bumalik ito kasama ang may gray MA mata na lalaki.

Agad itong lumapit sa pwesto ko ay hinawakan ang kamay ko. "How are you? " malambing na tanong nito.

Hindi ko maintindihan pero parang sanay na sanay ako sa mga haplos nya. "O-okay lang po ako." magalang na sagot ko.

"The doctor said that you have an amnesia that's why you don't remember us. " sabi nito.

Napatango naman ako. Matagal ko nang alam na may amnesia ako. "Opo!" sagot ko.

"Can you tell me what happened when you wake up after you lost your memory? " tanong nito.

I looked at him and he looked eager to know my anger. "Uhm, sabi ko ni nanay ay nakita nya ako sa dalampasigan noon na walang malay kaya dinala nya ako sa hospital ng bayan namin. Nang magising po ako ay wala akong maalala kaya kinupkop ako ni nanay. " magalang na sabi ko.

Nakita ko ang pamumula ng mga mata nito dahil sa sinabi ko. Hinawakan ko ang mukha nito. Parang alam na alam nito ang texture ng mukha nito.

"Do you remember anything? " tanong nito.

"Wala po, pero may mga imahe na pumapasok sa isip ko." sagot ko.

Muli ako nitong niyakap at naramdaman ko ang pag halik nito sa noo ko. "S-sino po pala kayo? " tanong ko.

He bit his lower lip. "I'm Permian Trias Salvador. " sagot nito. Ngumiti ako sakanya.

"Ako po si Bella Guit-" napahinto ako sa Pag papakilala nang mag salita ito.

"You're Eritrea. " sagot nito. "May alam po ba kayo tungkol sa past ko? " tanong ko dito. He smiled at me before nodding. "I know you well. " nakangiting sagot nito habang hinahaplos ang mukha ko

Parang nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong kills nya ako. Maybe he knows about the father of my children.

"I will help you to gain your memories again. " malambing na sabi nito.

Occupation Series #4: The EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon