CHAPTER 32

3.4K 74 2
                                    

Chapter 32

Maaga akong nagising ngayon dahil gusto kong ako ang mag luto ng almusal ng tatlo. Nang mag karoon kasi ako ng trabhao ay madalas na si nanay ang nag luluto ng mg pag kain nila. Nag luto ako ng sinangag, hotdog at itlog. Hindi naman mapili sa pag kain ang tatlo.

"Ang agad mo namang magising!" napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni nanay. Ngumiti ako sakanya. "Good morning po! Gusto ko po kasing lutuan ng almusal ang triplets." sagot ko sa tanong nito. nanag matapos ako sa pag luto ay tinulungan ako ni nanay sa pag hain nito sa lamesa. Pumasok ako sa kwarto ng tatalo. Mahimbing pa din ang tulog nila.

Umupo ako sa edge ng kama at para mahaplos ang mga mukha nila. Napangiti ako nang makita ko ang pag kunot ng noo ni Elio.

"Babies, gising na" mahinang bulong ko sa mga tenga nila. Narinig ko ang munting mga ingay nila na parang magigising na. Unang nag mulat ng mata si Ciel. Nagtama ang mga mata namin, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng mga mata nito.

Noong bata pa si Ciel ay kinailangan pa naming mag patingin sa Doctor dahil akala namin ay may sakit ito sa mata, pero mabuti nalang at sabi ng doctor may ibang bata daw talaga na mayroong heterocromia.

"Mama" tawag nito saakin. Dumukwang ako para mahalikan ang pisngi nito.

"Good morning, Ciel" bati ko dito. "Mama" napatingin naman ako kay Elio na ngayon ay gising na din pala. Si Elio naman ay ang laging nang-aasar kay  Zvezda pero ito naman ang laging nang-aaway sa mga nagiging kaaway ni Zvezda, medyo may pag kamaldita kasi ito.

"Good morning, Elio" bati ko din dito at hinalikan ang noo nito.

"Mama, ba't ako walang kiss?" napatingin kami kay Zvezda na ngayon ay nakanguso na habang nakatingin saakin. I giggled. Napaka matampuhin kasi nito pero madali namang masuyo.

 Lumapit ako sakanya at kinadong ito, hinalikan ko ang pinsgi nito.

"Good morning, Zvezda" masayang bati ko sabay halik sa leeg nito dahilan nang pagtawa nito. Napatingin naman ako sa dalawa nang yumakap din ito sa bewang ko. 

Nang makababa na kami ay tapos na si nanay mag handa. "Mama, ikaw ba nag luto nito?" tanong ni Elio. Ngumiti ako sakanya at tumango. "Mama, ang sarap po ng luto nyo." malambing na sabi ni Zvezda. Narinig ko ang pag tawa ni Elio. "Batit ka tumatawa, tuya?" tanong ni Zvezda habang nakatingin sa kuya nito. (Bakit ka tumatawa, kuya?)

"Pare-pareho lang kasi ang lasa ng itlog at hotdog, baka may gusto ka lang ipabili kay mama kaya ka nanglalambing." sabi ni Elio bago sumubo ulit.

Zvezda rolled her eyes before crossing her arms against her chest. "Wala naman akong gusto ipabili kay mama gusto ko lang naman mamasyal kasi simula nanag dumating tayo dito hindi pa tayo nakakalabas." nakangusong sabi ni Zvezda na ngayon ay naiiyak na.

"Hala ka! Ikaw kasi!" pang-aasar ni Ciel kay Elio. Huminga ako ng malalim bago ko lapitan si Zvezda na ngayon ay umiiyak na. Baka lumakas pa ang iyak kapag hindi ko pa pinansin. Hinaplos ko ang buhok nito.

"Sige, mamamasyal tayo kapag day off ko na, okay?" nakita ko ang pag silay ng ngiti ni Zvezda dahil sa sinabi ko. Hindi ko din maiwasang hindi mapangiti.

Pag katapos naming mag almusal ay agad naman akong umalis na dahil baka mahuli ulit ako. Pumasok na ako sa loob. Nakasalubong ko si Sir Felix kaya huminto ako para bumati.

"Good morning, sir Felix " magalang na sabi ko sakanya. Nakita ko ang pag tigil nito sa pag hinga. He looked at me with confused eyes.

"Hindi nyo na po ako kailangan tawagin na sir, miss" nakangiting sabi nito.

Occupation Series #4: The EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon