CHAPTER 5

4.9K 85 2
                                    

Chapter 5

Ilang linggo na ang nakalipas simula ng gabing iyon ay hindi na muling nag pakita saakin si Permian. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil doon, pero mas matimbang pa din saakin ang kagustuhang wag syang makita ngayon. Seeing him around the house only makes me remember how stupid I am that night.

"Eritrea, me and your Tito LUcho plan to take our summer at Maldives." napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni mama. "That's great po, para makapag relax din po kayo." magalang na sabi ko habang kumakain. It's been stressful for them this days because of the company. 

Wala kasi sa kambal ang gustong mag mana ng kompanya nya, Permion wants to focus on his Architecture work while Permian wants only to be Engineer and not businessman. "We plan to leave next month when everything is settle down." sabi naman ni Tito Lucho.

After eating our breakfast ay agad akong pumunta sa kwarto ko para maligo dahil may pupuntahan kami ngayon ni Lyons. Hindi ko alam kung saan pero sabi nya mag kita lang daw kami.

I am wearing a white linen jumpsuit and black high heel. Naka high pony din ang buhok ko para maayos tingnan. Agad akong nag paalam na aalis na ako. Taxi ang sinakyan ko dahil hindi naman ako marunong mag drive. Pag karating ko sa meeting place namin ay agad akong bumaba.

It's a cafe, it's interior decoration are great, with hanging bookshelves on the wall and bookshelves on the side, may couch din na pwedeng upuan and it was made of bricks. Sa kabilang part ng cafe ay may mga nakadikit na pages ng libro. It looks good.

"Eri!" agad akong napatingin sa tumawag saakin. It's Lyons obviously she's with his puppy named Permion. Agad akong lumapit sa pwesto nila. "Hi!" masayang bati ko bago bumeso sakanya. "Hello!" nakangiting bati nya din saakin. "Oh! you're with your puppy" sabi ko habang nakatingin kay Permion. "Yeah, ayaw mag paiwan e." natatawang sagot naman ni Lyons na mukhang nakuha ang biro ko.

Napatingin naman kami kay Permion na nakabusangot na ang mukha. Nag order na kami ng kakinin namin. I only ordered a glace, it's a a chocolate with ice cream and espresso. "It's a new cafe around this city kaya gusto kong subukan kasama ka pero sumama 'tong isa." sagot ni Lyons nang tinanong ko sya.

"He's here" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Permion habang nakatingin sa phone nya. " May dadating pa pala?" takang tanong ko kay Lyons na ngayon ay nakakunot din ang noo kay Permion. "Sino ang sinama mo?" tanong nito kay Lyons."Hintayin nyo nalang" natatawang sabi ni Permion.

Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Permian, he removed his sunglasses while looking at the whole cafe, nang makita kami nito ay agad itong pumunta sa pwesto namin. "Permian!" tawag ni Lyons dito. 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Napatingin ako sa upuan na katabi ko na walang nakaupo agad kong nilagay doon ang clutch bag ko at huminga ng malalim. Dapat hindi ka naapektuhan sakanya!

"OH! Kasama mo pala ang aso mo, Eritrea" nang-aasar na sabi ni Permion saakin. I rolled my eyes at him. "Tumabi ka na kay Eritrea dahil wala naman syang katabi." napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi ni Lyons. Wala akong nagawa kundi ang alisin doon ang bag ko at ilagay sa lap ko. Natuod ako nang mag tama ang mga balikat namin nang umupo sya.

Tahimik lang ako buong oras na kasama namin sa cafe si Permian minsan may tinatanong sila ay doon lang ako mag sasalita. "Let's go shopping nalang." sabi ni Lyons nang matapos kami sa cafe. "Kaka shopping mo lang kahapon tapos nagyon gagawin mo ulit." sagot ni Permion sakanya. Tinampal ni Lyons ang braso nito.

Napatingin ako kay Permian na ngayon ay nakatingin na din pala saakin. Agad akong umiwas ng tingin sakanya. Nanghihina ang dalawang paa ko sa paraan ng pag tingin nya saakin. Walang nagawa si Permion kundi sundin ang gusto ni Lyons. 

Nakahawak sa braso ko si Lyons habang yung dalawang lalaki naman ay nasa likod namin at sumusunod lang saamin. Hinila ako ni LYons papasok sa bilihan ng mga pang-babae. Humiwalay ito saakin dahil hinila din sya ni Permion kung saan kaya naiwan ako doon habang tumitingin ng pwede kong mabili.

Napunta ako sa mga undergarments na section. "This one is good for you." napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Permian na may hawak na bra habang nakatingin saakin. Agad akong lumapit sakanya at hinablot ang bra mula sa pag kakahawak nya. Nararamdaman ko na ang pang-iinit ng pisngi ko dahil sa ginawa nya.

"Hindi yan bagay saakin." sabi bago ilagay muli ang bra sa kinlalagyan nya. Napahawak naman ito sa labi nya na parang may iniisip."I thought you like color black." hindi ko na ito pinansin at nag patuloy sa pag hahanap ng pwedeng mabili.

Napahinto ako nang maramdaman kong sumusunod sya saakin, humarap ako. "Bakit ka ba sunod ng sunod saakin?" naiinis na tanong ko sakanya. "Sina Lyons at Permion mag kasama, so I thought you're lonely here kaya sasama nalang ako sayo." sagot nito habang nakangisi.

"Huwag kang sumunod saakin, wag kang gumaya kay Permion na parang asong sunod ng sunod kay Lyons." sabi ko dito, tatalikod na sana ako nang marinig ko ulit ang boses nito. "I don't mind being your dog or pet as long as I'm with you." napatigil ako dahil sa sinabi nito. Nang hihina ang buong kalamnan ko dahil sa sinabi nya.

"Stay away from me, Permian" matigas na sabi ko sakanya. I tried hiding my true emotion because when he saw his effect to me he would never stop. He only smirked at me. "You're forbidden, Permian. This...This is forbidden. So stay away from me, and please...lte's just avoid each other. It's for our own good." sagot ko bago iwan sya doon at nag lakad na paalis ng mall na iyon.

Nawalan na ako ng gana na mag libot dahil sa mga sinabi ko kay Permian. Am I too harsh to him? No, Eritrea you're just saying the truth, there's nothing wrong with that an dit's for your own good naman.

Huminga ako ng malalim bago sumakay ng taxi. Too much Permian for this day.

Occupation Series #4: The EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon