ñ2
Mahirap maging mahirap. Lalo na kung ikaw yung klase ng mahirap na mas mahirap pa sa mahirap?Naku, mas mahirap. Gets ba ninyo ako? O magulo ako? Magulo ba ako? Aish!
Sino ba namang hindi mababaliw? Hindi ako makalabas ng bahay dahil sa sobrang sakit ng balakang ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagpatingin dahil baka naroon sa ospital iyong Iñigo Shaw na iyon at biglaan na naman akong ipakulong. Aba mahirap na. Sa ganda kong ito? Hindi ako deserve ng presinto.
Naiirita na talaga ako. Ilang araw na rin akong hindi nakakauwi kina Sister. Sigurado akong makukurot niyan ako kapag nagkita kami. Bwisit naman kasi talaga eh. Pinutukan talaga ako ng kaboom. Bakit naman kasi itim din na Sedan ang sasakyan nung lalaking iyon?! Ayan tuloy. Mababaliw na ako dito at kasalanan iyon ni Iñigo Shaw.
Pinilit kong tumayo na at ipagluto ang sarili ko kahit na isang bowl lamang ng Ramyun. Sosyal ko diba, May nalalaman pa akong Korean food. Pero sikreto lang ha? Nakuha ko lang yan galing kay August. Nagendorse kasi ang AEGGIS ng isang Korean Food Company at binombard sila ng mga ito ng mga produkto nila. Kaya ayun, binigay sa akin ni Gusting lahat ng nakuha niya.
Ganyan naman talaga si August. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Siya na nga ang binibigyan, ipamimigay niya pa. Kahit noong mga bata kami ay ganyan na siya. Kapag may feeding program ay sa akin lang niya ibibigay ang pagkain na nakukuha niya. Katwiran niya ay gwapo na siya kaya hindi na niya kailangan pang kumain ng marami.
Mararahang katok ang narinig ko. Paika ika man ay binuksan ko pa rin iyon. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Ma'am Daphne sa pintuan ko.
"Buti na lang naabutan kita. Wala kang trabaho ngayon?" magiliw niyang tanong. Agad ko siyang pinapasok at pinaupo sa loob.
"Wala po akong raket eh." Natatawa kong sabi. Umupo na rin ako para hindi niya mahalata ang balakang ko. Nilingon ako ni Ma'am Daphne bago niya inabot ang kamay ko.
"Birthday ng kambal sa Sabado. Pwede mo ba akong gawan ng ilang portraits nilang dalawa? Gusto kasi ni Christian na yun ang iregalo." Aniya. Mabilis ang naging pagpayag ko. Malapit sa akin si Ma'am Daphne, siguro kasi ay isa siya sa mga nagpalaki sa akin at suporta sa Horizons, iyong orphanage na kinalakhan naming ni August.
Noong una nga ay gusto niya akong ampunin, pero ayaw kong malayo kina Sister at kay August kaya hindi ako sumangayon. Pero hindi natigil roon si Ma'am Daphne sa pagaaruga sa akin at sa buong Horizon. She became my guardian hanggang sa mag 18 ako at umalis na sa ampunan.
"Sige po Ma'am."
Ngumuso siya. "Anong Ma'am? How many times do I have to tell you to call me Tita." Sabi niya. Tumawa lang ako at tumango sa hiling niya. "Sana nga ay Mama na lang ang itawag mo sa akin." Dagdag niya pa. Napalabi ako at yumakap sa kanya.
Nagkwentuhan lang kami saglit noong nagpaalam na rin siya dahil kailangan na niyang umuwi at magluto ng kanilang tanghalian. Noong nakaalis na si Ma'am Daphne ay agad akong napabuntong hininga. Ang iniindang kirot sa gilid ko ay mas lalo lang lumalala sa bawat minutong lumilipas.
Noong hindi na ako makatiis sa sakit ay agad kong inabot ang cellphone ko. Nidial ko ang number ni Augustine at naghintay para sagutin niya.
"Pam? Bakit?" bungad niya sa kabilang linya.
"Gusting, puntahan mo ako." Sabi ko sabay buntong hininga noong kumirot ulit ang balakang ko. Narinig ko ang makina ng kotse niya. May lakad ba siya?
"May pupuntahan ka ba?"
"Sana.Babantayan ko yung anak ni Stan. Nagpapatulong lang." aniya. Napanguso na lang ako at nagisip. Kay Biboy na lang ako magpapasama. Bahala na.
"Nasan ka ba? Puntahan kita?" tanong pa niya. Ngumiti na lang ako at umiling kahit alam kong hindi naman niya iyon makikita.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...
