27
Keep safe guys!
---------------------------
I want to bully A and E. Ang lakas ng ulan dahil sa bagyong Falcon at gusto ko silang sisihin kahit wala naman silang kasalanan. Naiinis pa rin ako dahil hindi kami makapagtaping ng dahil sa ulan.
"We should reschedule." Naiirita kong sabi. Napanguso na lamang ako habang nakatingin sa kambal. I know I am being unreasonable. Pero nakakainis kasi ang panahon. Malapit na ang concert ng banda at kailangan ng matapos ang CF nila.
Pumunta ako sa upuan ko at niligpit na ang mga gamit noong mapatingin ako kai Iñigo. Nakaupo lamang siya sa gilid, ang mga braso ay nakakrus, habang nakapikit. Tinitigan ko siya, mapula ang balat niya at sobra ang kapit niya sa manggas ng jacket niya.
"Nilalagnat." Bulong ni Leria sa akin bago niya ako inabutan ng kape. Napataas na lamang ang kilay ko at nilapitan siya.
HInawakan ko ang noo niyang natatakpan ng kanyang buhok. Napangiwi na lamang ako noong maramdaman ko ang init noon.
"You're sick." Anas ko. Natawa siya ng bahagya bago ako tiningnan.
"Mukha nga." Mayabang pa rin niyang sabi. Ewan ko sayo Shaw. Nilalagnat ka na nga at lahat, ang suplado mo pa rin.
Alam naman pala niyang may sakit siya pero nagpumilit pa rin siya na pumunta dito. Kung hindi ba naman siya baliw.
Napangiwi ako noong lalong lumakas ang ulan at malayo ang distansya ng van at sa tent na kinaroroonan namin. Hinubad ko na ang aking sapatos at tatakbuhin na sana ang ulan noong maramdaman ko ang pagdampi ng jacket sa balikat ko. Noong tumingala ako ay nakita ko si Iñigo sa gilid habang may hawak na payong sa isa niyang kamay.
' Stand there like a ghost
Shaking from the rain, rain
She'll open up the door
And say, are you insane?'
Hindi na ako nakapagsalita. Sabay kaming tumakbo dalawa sa ulan papunta sa direksyon ng kanyang sasakyan. Noong makapasok ako ay walang kahit na isang butil ng ulan sa aking katawan. Pagkatingin ko kay Iñigo ay basang basa naman ang kaliwa niyang parte kung saan hindi siya masyadong napayungan.
Napabuga ako ng hangin at agad na kumuha ng tissue. Umupo si Iñigo sa driver's seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Iyong tissue na hawak ko ay pinunas ko sa kanya habang siya ay nagmamaneho paalis sa set.
'Say it's been a long six months
And you were too afraid to tell her what you want
And that's how it works
It's how you get the girl
And then you say'
Hinubad ko ang jacket niya at iniabot sa kanya iyon. Tumaas lamang ang kilay niya bago umiling.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...
