28
Nagising ako sa ibabaw ni Iñigo. Yakap yakap niya ako, iyong kamay niya ay nasa may likuran ko. Bahagya akong gumalaw para umalis sa pagkakadagan sa kanya noong nagdilat siya at tinitigan ako.
"Ang aga mong nagising." Reklamo niya. Idiniin niya ang ulo ko sa kanyang dibdib bago huminga ng malalim. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Wala siyang suot na kahit na ano at nakadikit ng direkta ang pisngi ko sa dibdib niya.
Napapikit ako noong maalala ko ang nangyari kagabi. Yes, Iñigo really made me feel special last night. Iba ang paraan niya sa akin kagabi kumpara noong una naming ginawa iyon. He made me feel as if I am the mist precious girl for him last night. He made love to me so slow that I begged for countless of times.
Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko dahil sa naisip. Lahat ng halik niya, mga yakap, mga salita, lahat ng iyon ay bumalik sa isipan ko. Hindi ko napigilan ang paggalaw sa ibabaw niya dahil nararamdaman ko pa rin ang pagkailang. Gosh.
Umungol si Iñigo kaya natigilan ako sa paggalaw. Humigpit ang hawak niya sa akin bago siya nagmura ng malutong. "I swear, if you wiggle like that one more time, I will take you again." Aniya. Natigilan ako at tinitigan lamang siya ng masama.
Magsasalita pa sana ako noong biglaang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Napatili ako habang si Iñigo ay mabilis kaming tinakpan ng kumot.
"Goodmorning Igoy!"
"Damn it Augustine! Hindi ka ba marunong kumatok?" sigaw ni Iñigo. Lalo akong nanigas sa pwesto ko ng marinig ko ang kababata kong natatawa na lamang.
"Hindi ka ba marunong mag lock ng pintuan? Simple lang yun dude, pipindutin mo lang yung---" sagot ni Gusting. Tiningnan ko siya bago pinandilatan.
"Get out!" bulyaw ko. Tinaas lamang ni August ang kanyang kamay bago tumawa ulit.
"Anong nangyayari?" boses naman ni Greg ang narinig ko. Mabilis na gumalaw si Iñigo at binato ang dalawa ng unan. Agad sinara ni Greg ang pintuan bago pa siya matamaan ng mga binabato ni Iñigo.
Noong mawala silang dalawa ay mabilis akong inalalayan ni Iñigo. Nagbihis kaming dalawa. Habang ginagawa ko iyon ay nakatingin lamang sa akin si Iñigo. Siya na mismo ang nag ayos ng butones ng aking blouse bago kami sabay na lumabas. Hinawakan niya ang aking kamay at inakbayan ako bago niya binuksan ang pintuan.
"Kapag kayo na ni Shana ang kasal, siguraduhin mong sarado ang pintuan ninyo." Natatawang sabi ni Ethan kay August. Kinain niya iyong isang piraso ng Peppero bago kami tiningnan. Muli akong pinamulahan ng mukha noong lahat sila ay nakangisi sa akin.
"Bati na kayo?" tanong ni Stanley. Siniko lamang siya ni Toryang.
"Ang daldal mo Tan."
"Nagtatanong lang." nakangusong sabi ni Stanley. Ngumiti na lamang ako kay Toryang at umupo sa sofa. Mabilis na nakasunod si Iñigo sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.
"Bakit nandito kayong lahat? Sagutin ninyo ako ng maayos." Masungit na sabi ng katabi ko sa kanila.
"Nabitin ka ba? Ang sungit mo." Panunukso ni Ethan. Mabilis ang naging pagpula ng pisngi ko habang si Iñigo ay tumayo na. Tumakbo si Ethan at nagtago sa likuran ni Greg.
"Lumapit ka dito, papatayin talaga kita." Iritado ng sabi ni Iñigo. Tumawa lamang si Ethan habang si Greg ay napapailing na lamang.
"Para kayong mga bata." Komento ni Athan, pero iyong ngisi niya kay Iñigo ay hindi pa rin maalis.
"Ikaw kaya yung lumapit. Bitawan mo kasi si Iris. Clingy nito."
Napailing na lamang ako sa huling sinabi ni Stanley. Bakit ba pinagtutulungan nila si Iñigo. Ano bang trip nila? Kapag itong isa napikon sa kanila, bahala sila.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Narrativa generaleAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...