Why You Gotta Be So Rude?

126K 2.6K 89
                                        

1

Yung hindi ka dapat magUUD pero dahil nabipolar ako, ayan na.

Pamela Ocampo! Nisistress mo ako!

-------------------------

"Sandali! Sandali! Excited lang ha?" angal ko habang kinakaladkad niya ako papasok sa istasyon ng pulis. Pilit akong pumapalag pero mahigpit ang hawak niya sa akin kaya hindi ko mahila ang braso ko.

"Ano ba! Tulong! May kidnapper!" sigaw ko ulit. Napahinto siya sa tapat ng desk at hinarap ko.

"Nakalunok ka ba ng microphone? Ang liit ng bunganga mo, ang laki naman ng boses mo." Bwisit niyang sabi. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago napailing na lamang.

"Ang ikli pa ng suot mo. May shortage ba ng tela sa inyo?" dagdag niya sa mahabang listahan ng insulto na sinabi niya sa akin. Magsasalita pa sana ako ng tinaas niya ang daliri niya at pinahinto ako.

"Tahimik." Sabi niya at naglakad para malapitan ang isang pulis. Nagpapanic na ang kaluluwa ko ng marealize na seryoso siya sa pagpapakulong sa akin. Agad akong lumingon sa likuran ko pero wala akong nakitang makakatulong na sa akin.

"Maghuhubad ako." Biglaan kong sabi. Napatingin siya sa akin at tumigil sa paglalakad.

"Ano?"

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad."Maghuhubad ako kapag pinakulong mo ako." Seryoso kong sabi. Nanatili lang ang blanko niyang ekspresyon bago ako tinalikurang muli. Kumalabog na ng matindi ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ako pwedeng makulong. Nakakadiri kaya yung selda nila. Maraming ipis kaya. Dagdag mo pang mabaho at.. shucks, pang mahirap . Hindi ko deserve itong ganitong treatment!

"Maghuhubad talaga ako." Pag-uulit ko. Hindi siya sumasagot.

"Seryoso ako."

"Then strip. Wala akong pakialam." Harsh niyang sabi. Napasinghap ako sa sobrang lutong ng mga sinasabi niya. Nagwarning bells na talaga ang utak ko lalo pa't lumilingon ang ilang mga lalaking isinusuplong din doon. Hala! Paano na lang! Paano na lang ang puri ko. Jusko naman. Ano na lang maipagmamalaki ko sa mapapangasawa kong mayaman kung wala na akong puri!

"O-oy..sorry na kasi. Hindi ko naman sinasadya--" paghingi ko ng paumanhin. Hindi niya ako pinapansin habang umuupo siya sa isang mga stool doon. Noong sumalampak siya ay napasama ako sa kanya. Hawak pa rin niya ng mahigpit ang isa kong braso habang may kinakausap sa kanyang cellphone. Nanlaki ang mata ko ng makitang iPhone ang kanyang phone. Ang mahal siguro niyan kapag sinangla.

"No. Just some stupidity..wala namang masamang nangyari. Susunod din ako." Sagot niya sa kabilang linya. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin na para bang isa akong preso na kailangang bantayan ng maigi.

"Wag kang tanga August. Wag mong pakialaman yang piano ko."

Dahan dahan at pasimple kong hinihila ang braso ko habang busy siya sa pakikipag-away sa kabilang linya. Umayos siya ng upo at tiningnan ulit ako ng masama bago humigpit ang hawak sa akin. Binaba niya ang tawag at tiningnan ako.

"You can't run away from me." masungit niyang sabi. Napanguso na lamang ako sa sinabi niya.

"Hindi ba natin pwedeng pag-usapan ha? Nag-crack lang naman yung salamin ng kotse mo." Katwiran ko. Hinarap niya ako at tinitigan.

"Dumb." Sabi niya sa akin. Tinukod niya ang siko niya sa may pader habang mahigpit pa rin ang hawak sa akin.

"May ideya ka ba kung magkano yung binasag mo Miss?" matalim ang boses niyang tanong. Napalunok ako ng marinig ko ang salitang magkano sa kanya. Geez. Si Iñigo Shaw ang nasa harap ko. Sikat yan eh. Mapera. He's like the othery spoiled, rich guy and what's worst? He is pissed. And what is even more worst? He is pissed with me.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon