10
"Kahit na nililigawan kita, wag mo pa ring kalimutan na may utang ka sa akin Iris." Kaswal na sabi ni Iñigo noong minsang kumakain kami ng tanghalian. Napatigil ako sa pagsasandok at nganga siyang tiningnan.
"Waaah!! Bakit?!!" Sigaw ko. Tumaas lamang ang kilay niya sa ginawa kong pagsigaw.
"Anong bakit?"
Napaupo ako. "Bakit may utang pa rin ako sayo Iñigo Shaw!!" Naiiyak ko ng sabi. Iyong utak ko ay mabilis na nagbibilang sa bayarang mangyayari.
"Nililigawan mo ako diba?! Ganyan ka ba manligaw?" Patuloy kong daldal. Si Iñigo ay kumuha ng sandok at nilagyan ng kanin ang aking pinggan.
"Ano naman kung nililigawan kita? A debt is still a debt Iris." Aniya. Pinili niya ang mga gulay mula sa ulam at inalis iyon. Tinira lamang niya ang sayote na nakasanayan ko ng kainin.
Mabilis kong kinain iyong sayote habang patuloy na nagpoprotesta.
"Ano ba namang klaseng panliligaw yang ginagawa mo Iñigo? Gigipitin mo ako dahil sa utang ko? Asan naman yung hustisya doon?" Sabi ko kahit hindi ko pa tuluyang nangunguya ang pagkain.
"Stop talking with food in your mouth Iris."pagsusungit niya. Napanguso na lamang ako sa asta niya. Kahit kailan talaga ang suplado nitong si Iñigo.
Tatlong buwan na mula ng maging katulong ako nitong masungit na ito. Isang buwan na rin magmula noong sinabi niyang gusto niya ako at balak niya akong ligawan. Sa loob ng mga panahon na magkasama kami ay unti unti ko na rin siyang nakilala. At ni minsan, walang panahon na hindi niya ako nilait o inisnob man lang.
"Then stop feeding me Shaw." Sagot ko. Iyong sulok ng labi niya ay tumaas sa sinabi ko. Nahigt ko ang hininga ko sa ginawa niya. Damn, hindi pa ngiti yan Iris. Ngisi pa lang yan pero napapatanga ka na? Ano pa kung talagang ngitian ka na ni Shaw?
"Nga nga." Utos niya habang pinapakita sa akin ang broccoli. Mabilis ang ginawa kong pagngiti bago umiling.
"Ayaw ko."
"Bilis na. Tikim lang."
"Ayaw ko nga! Bakit ako kakain ng kulay green na mukhang utak aber?!" daldal ko. Tinitigan ako ni Iñigo bago siya umayos ng upo. Ibinaba niya ang tinidor bago natawa na lamang.
"Ang weird mo." Usal niya. Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Aba't, napakamapanlait talaga nitong—
"But I like weird girls." Walang pakialam niyang sabi. Nagkibit balikat pa siya bago nagpatuloy sa kanyang pagkain.
Habang ako? Wala. Natanga na naman ako sa kanya at ang kadaldalan ko ay hindi ko na naman mahanap. Grabe ang epekto ni Iñigo.
————————————-
"Kinakabahan ako." Anas ko kay I habang nagmamaneho siya papunta sa bahay nila Greg. Ang sabi niya ay imbitado daw ako para sa birthday noong girlfriend ni Greg na si Lana. Kasama raw doon ang buong AEGGIS at ang kanikanilang mga nobya.
"Bakit ka naman kakabahan?" tanong niya sa akin. Lalo ko lamang pinalubog ang sarili ko sa upuan habang napapanguso na lamang.
Nakita ko na dati ang asawa ni Stanley noong minsan kong dinalhan ng pagkain si Augustine sa studio. She was pretty, iyong ganda na walang kahit na anong kolorete na kinailangan pa. At isa siyang abogada. Balita ko ay matalino talaga iyon, medyo may pagkaadik nga lang daw minsan sabi ni Gusting. Pero bukod doon, marami na siyang maipagmamalaki sa iba. She's not jus a mere beauty. Accomplished na siya.
Tumingin na lamang ako sa daan habang si Iñigo ay tahimik lamang na nagmamaneho. Gusto kong magkolehiyo. Gusto kong maging arkitekto pero hindi pa sapat ang ipon ko. Sana ay maging katulad ako ng asawa ni Stanley na successful na.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Ficção GeralAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...
