EPILOGUE
Joe Jonas po pala. Mian :)
------------------------
"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Athan sa akin. Hinilot ko ang aking batok at agad na tumayo mula sa pagkakaupo ko sa tapat ng aking piano.
"I'm tired." Anas ko. Pinatunog ko ang aking mga daliri. My fingers are aching from playing my piano the whole day. Masakit na rin ang pang upo ko at gusto ko ng magpahinga sa bahay.
"Let's go." Si Stan naman ang nagsalita. Ipinasok na niya ang drumsticks niya sa lalagyan nito at tumabi sa akin. Sabay kaming anim na lumabas ng studio bago kami naghiwa hiwalay sa parking lot. Papasok pa lamang ako sa aking kotse noong makatanggap ako ng text galing kay Mama. Pinapapunta niya ako sa isang hotel para magdinner. I replied yes and went inside my car para mapuntahan ko ang aking ina.
When I parked at Alokozay, iyong hotel kung nasaan si Mama, ay agad ko siyang tinext. I was focused on my phone when I bumped into an old lady accidentally. Muntik na siyang matumba kung hindi ko lamang siya nahawakan.
"Pasensya ka na iho. Malabo na kasi ang mata ko." Hingi noong matanda ng patawad sa akin. I just nodded. Lalampasan ko na sana siya noong hinawakan niya ang aking braso.
"Makikita mo na siya." Aniya. Kumunot ang noo ko at pilit na hinila ang braso ko pero ngumiti lamang iyong matanda.
"Magmamahal ka ng babaeng kulang. At siya ang magiging lahat para sayo." Dagdag niya bago ako tuluyang binitiwan. Noong makalayo siya ay agad ko ng pinuntahan si Mama. The old woman is really creepy.
"Damn it Augustine! Ayusin mo!" sigaw ko sa abnormal kong kaibigan. Sobrang dami ng wax na inilagay niya sa aking buhok at nagmumukha akong tanga sa itsura ko sa salamin dahil sa ginawa niya.
"Ang cute kaya." Nakanguso pa nitong sabi. Kinuha ko ang pabango at pinukpok iyon sa kanyang ulo.
"Umayos ka. Papatayin talaga kita." Masungit kong sabi. Tumawa lamang si August at pinagpatuloy ang pag aayos sa buhok ko.
I breathed hard. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at halos hindi ako makapaniwala. This is it. I am going to marry her. pakiramdam ko ay masusuka ako sa pinaghalong kaba at kaligayahan. This happiness is too much to bear.
She is too loud. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakilala ng babaeng ganito kaingay. Magmula yata noong nabangga ko na siya ay hindi pa siya tumitigil magsalita.
Maybe I should have hit her harder? Siguro kung mas malaki ang pinsala ay tahimik na siya.
"Sandali! Sandali! Excited lang ha?" patuloy niyang daldal. Napabuntong hininga na lamang ako at kinaladkad siya lalo. Mukhang hindi naman talaga siya napilayan at nag iinarte lang siya.
Tinakot niya akong maghuhubad siya sa presinto kung hindi ko iuurong ang demanda. I find that funny. Damn, akala mo naman ay may maipapagmalaki ang katawan niya. Hindi naman siya ganun kasexy. I have seen better. Mas sopistikada pa ang mga babaeng nakakasalamuha ko kaysa sa kanya. All she did was talk and talk and talk and talk. Nakakairita.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...