28
Noong nagising ako ay tulog pa rin si Iñigo. Muli kong tiningnan kung mataas pa rin ba ang temperature niya bago ako tumayo at naghanda ng makakain namin para sa almusal. Habang nagluluto ako ng pancakes ay naramdaman ko ang pag ikot ng braso niya sa aking beywang.
"Goodmorning noob." Bati niya sa akin. Nabigatan ang balikat ko noong ipinatong niya ang baba niya roon kaya tinitigan ko siya ng masama.
"Iñigo, nagluluto ako."
"Alam ko." walang pakialam niyang sabi. Umikot ako at mabilis ang ginawa niyang pagkilos. Kinulong niya ako sa mga braso niya at idiniin ang katawan sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa aking mukha habang ako ay hindi na mapakali.
"Iñigo naman eh.."
"Why?"
"L-lumayo ka nga." naiirita ko ng sabi. Ngumisi lamang si Iñigo pero wala siyang ginawang kahit na anong galaw para lumayo sa amin. Kahit pa noong tumunog ang kanyang cellphone ay nakatingin pa rin siya sa akin.
"Iñigo Shaw!" impit ko ng sigaw dahil walang tigil ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at mabilis na sinagot, ang pwesto niya ay hindi pa rin nagbabago.
"Shaw." Anas niya sa kausap. Pinakinggan lamang niya ito habang ang isa niyang kamay ay pinaglalaruan na ang aking buhok. Iyong ilang hibla ay pinadaan niya sa labi niya habang nakikinig sa kanyang kausap.
"I can't. I'm sick. And I'm with my wife." Tuloy tuloy niyang sabi. Napasinghap na lamang ako at agad na namula.
"Sino pa bang iniisip mo Ria? Ofcourse I'm with Iris. Just tell the press that I have a fever. I don't care. I want to be with my noob today Leria, tell them to suck it." masungit niyang sabi bago pinatay ang tawag. Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya habang siya ay wala pa ring pakialam. Hindi ba niya naiisip na masyadong marahas iyong sinabi niya?
"Ang rude mo Shaw." Komento ko. Itinulak ko siya ng bahagya at tiningnan ang mga pancakes.
Yumakap ulit siya. "Sayo lang naman ako mabait." Aniya. Natawa ako bago ko kinuha ang mga pancakes at inilagay na sa pinggan ang mga iyon. Habang ginagawa ko iyon ay nakasunod pa rin si Iñigo sa akin.
"Sa akin ka lang malandi Shaw. Kahit kailan ay hindi ka naging mabait sa akin." sabi ko at inabot na ang kanyang pinggan. Umupo na ako sa lamesa habang siya ay nakatingin lamang sa akin, napapangiti.
"Tinulad mo naman ako kay Ethan na hari ng mga malalandi. Mabait pa ako sa lagay na ito Iris, dahil kung hindi, baka dati pa kita kinaladkad sa simbahan para makasal lang tayo ulit."
Natigilan ako sa pagkain noong marinig ko ang sinabi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinipirmahan ni Iñigo ang divorce papers na inasikaso ni Toryang. Minsan nga ay napapaisip na lang ako, baka seryoso nga talaga si Iñigo na magkabalikan kaming dalawa. Pero kapag naiisip ko ang kapatid ko ay kinakain ulit ako ng insekyuridad.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...