14
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Iñigo noong malapit na siyang lumabas sa kaniyang van. Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako. Hinanap ko ang kaniyang kamay pero mabilis niya iyong binulsa.
Kinuyom ko na lamang ang palad ko at nagkunwaring hindi ko napansin ang pag-ayaw niyang hawakan ko siya. Nilingon ko ang mga fans nila na naghihintay sa pagpasok nila sa airport.
Hinarap lamang ako ni Iñigo at inayos ang aking bangs na nagulo. Tinanguan niya ako bago siya naglakad palayo. Nakagat ko ang labi ko noong nakita ko ang pag-alis niya.
"Iñigo!" tawag ko sa kanya. Hindi siya humarap dahil sa dagat ng mga taong nagsimulang lamunin siya. Iyong isa nilang guard ay lumapit na sa akin at sinabihan akong bumalik na sa van.
"Sino yung girl? Kasama ni I bumaba sa van niya eh." Narinig kong sabi ng isa nilang fan. Tiningnan ako ng kanilang grupo mula ulo hanggang paa. Agad kong kinuha ang aking backpack at tinakpan ang tiyan kong nakikita dahil sa suot kong midriff. Ramdam ko ang kanilang mata na dahan dahang tinitingnan ang itsura ko.
"Baka naman PA. Tingnan mo nga, ni hindi man lang pinansin ni I kanina." Sabi noong isa niyang kasama. Hindi na lamang ako nagsalita, iyong udyok ng mga gwardya na pumasok ako sa van ay pinagbigyan ko na.
Dalawang linggong mawawala ang AEGGIS dahil tutungo sila sa Cebu. Gagawa sila ng isang short movie para maging trailer sa kanilang bagong album na ilalaunch sa isang buwan. Gusto ko sanang sumama, katulad na lamang nina Victoria at Leria, pero nahihiya naman akong magsabi kay Iñigo.
Noong nasa loob na ako ng van ay tiningnan ko ang sarili ko. Basta lamang nakapusod ang buhok ko at ang shorts ko ay punit punit ang disenyo. Ang puti kong midriff ay hindi rin naman ganon kaelegante. Naka suot lang ako ng sneakers at back pack.
Kung itatabi nga ako kay Iñigo ay magmumukha lamang akong PA. Hindi katulad nina Toryang na talagang elegante at mahinhin. Alam ko namang bungangera ako at walang poise.
Pero asawa na ako ni Iñigo ngayon. Hindi na ako iyong palengkera na si Iris. Dala dala ko na ang pangalan niya kaya dapat ay maging maingat na ako. Siguro ay ayos lang kung magbabago ako ng kaunti.
——————————————-
Ilang araw na mula noong makarating sina Iñigo sa Cebu pero puros text lamang niya ang natatanggap ko. Kapag sumusubok akong tawagan siya ay dial tone lamang o kaya ay voice message ang sumasalubong sa akin.
Noong pang-apat na araw ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay may masamang nangyari na sa kaniya kaya si Toryang na agad ang tinawagan ko. Mabuti na lamang at agad niya akong sinagot.
"Hello, Iris? Napatawag ka." Sagot niya sa kabilang linya. Naririnig ko sa background ang boses ni Stanley.
"Naistorbo yata kita? Hala, sorry." Hingi ko ng tawad. Tumawa lamang si Toryang at pinatahimik ang kaniyang asawa.
"Ito naman, kung magsalita ka parang ibang tao ang kausap mo. Nasaan ka na ba ha? Malapit ng magsimula itong birthday party ni Iñigo." Anas niya. Natigilan ako sa narinig.
"Birthday?" paninigurado ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga panahon na iyon. Para bang may kamay na sumakal sa aking leeg at unti unti iyong pinupunit.
"Oo, birthday niya ngayon. Hindi mo alam? Nasa Pittsburgh Hotel kami ngayon, iyong malapit sa Resorts World—"
"Nasa Manila kayo?" pag-uulit ko. Kinagat ko na ang labi ko at napadausdos ako ng upo.
Nasa Manila siya? All this time na parang tanga akong nag-iisp kung napaano na siya sa Cebu ay nasa Manila na pala siya?
"Kahapon pa Iris. Dalawang araw lang ang taping nila sa Cebu. Teka, wala ka talagang alam?" nagtataka niyang sabi. Tumango ako na para bang nakikita niya ako. Sinabi ko sa kaniya ang akala kong dalawang linggong taping nila.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...