15
They said that if you put color to your hair too much, it will get dry. Pero sa kaso ng buhok ko ay kaibahan ang nangyari. I have gone from blue to red and blonde. Ngayon naman ay purple na ang buhok ko at kulot na ang mga dulo pero wala naman akong makitang pangit roon. Maybe I should try ombre the next time.
"We will be late for our flight babe." Tawag ni Ivan sa akin. Inilabas ko lamang ang dila ko at tiningnan siya ng masama.
"I'm just checking my hair." Sagot ko. Iyong isang kulot na hibla ay inipit ko lamang sa likod ng aking tainga bago ko kinuha ang aking shades. Si Ivan naman ay sumandal lamang sa pader habang pinapanood akong maglakad papunta sa kaniya.
"What?"
"Nothing."
"You're staring at me. Quit it." Anas ko. Tumaas lamang ang kilay ni Ivan at napangiti sa kasungitan ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan matapos akong akbayan. Sabay kaming lumabas dalawa sa pad.
Noong paglabas namin ng building ay agad hinawakan ni Ivan ang aking kamay. Though I am wearing gloves, I can still feel the heat from his palms. Napangiti ako habang siya ay pilyo akong nginisian.
I stared at our hands intertwined at hindi ko napigilan ang pagbuntong hininga. There was once a time in my life, two years back then, when I have given everything that I have to feel his hands around me. Iyong kasiguraduhan na hindi niya ako ikahihiya at itatago na lang.
But that was back then. Marami na ring nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon. Sa ngayon ay nagtatrabaho na ako bilang director ng mga commercials, music video at kung ano ano pang short films. Iyong pangarap kong maging arkitekto ay pinagpaliban ko muna. Someday I will have my fill on that profession. Kapag ibinigay na sa akin ni Daddy ang opisina niya ay magiging arkitekto na ako hanggang sa mag-sawa ako.
Iris Lavender Racini. Nakakatawang noong gabing iyon na inakala kong naiwala ko na ang sarili ko ay doon pa pala ako nabuo. At mas nakakatawang malaman na kapatid ko pa pala ang babaeng iyon.
Habang nasa may kalsada pa kami at papalapit pa lamang sa pad ni Iñigo ay biglang may humarang na pulang kotse sa amin. Napilitan akong bumaba at ganun din ang ginawa ng mga nakasakay sa pulang kotse.
Alam kong luhaan ako, ang buhok kong inipon ko para mapusod ay nakabuhaghag na. Wala akong suot na sapatos at putikan na rin ako. Kaya laking gulat ko noong lumapit sa akin ang babaeng may ari noong sasakyan at bigla na lamang akong niyakap.
"Iris ko." Nanginginig niyang sabi. Iyong kasama niyang lalaki ay lumapit rin at hinaplos ang aking buhok. May mga luhang nangilid sa kaniyang mata habang tinitingnan ako.
Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Hinayaan ko lamang ang dalawang yakapin ako kahit na wala naman akong ideya kung sino sila.
"I thought you were dead. I saw you drown. I thought you were dead." Umiiyak na sabi noong babae. Humiwalay ako sa kaniya habang iyong lalaki ay parang ayaw na akong bitawan.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...