32
I just... I don't know what to say. I don't even know what to do. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ng Mama ni Iñigo sa akin. She doesn't like me. Iris, she despises you. Ilang beses kong inulit ulit sa sarili ko ang mga katagang yan para hindi ako tuluyang madurog sa nalaman. But it is not working.
"I'll talk to Iñigo. Maybe this is just a misunderstanding on our part—"
"I really don't like you for my son." Dagdag ng Mama niya sa akin. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan siya ng mariin. Sa ginawa ko ay nakita ko si Lily na palapit sa amin.
"Tita, kanina pa kita hinahanap. I've already talked to the wedding coordinator." Anas niya. Tumabi siya kay Mrs. Shaw at ngumiti ng magiliw.
"Oh, that's good. Dapat noon pa kayo ikinasal ni Yoseff."
Nagulat ako sa narinig. "Ano?"
Nilingon ako ng kapatid ko bago niya inayos ang buhok niya. May kung ano siyang sinabi kay Mrs. Shaw kaya tumayo na lamang ito at iniwan kaming dalawa.
"Iñigo and I are getting married." Sabi ng kapatid ko. Bigla akong natawa sa sagot niya.
"Huwag ka ngang tumawa. Hindi ako nagbibiro Iris." Mataray niyang sabi. Humilig ako sa aking upuan bago siya tiningnan. Ngayong kaming dalawa na lamang ang magkaharap ay lumabas na ang tunay niyang ugali.
"Papakasalan ako ni Iñigo. His Mom confirmed the wedding---"
"Why don't you marry his Mom instead? Tutal kayong dalawa naman ang magkasundo?" pangngutya ko. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Lily sa sinabi ko.
Humigpit ang hawak ko sa aking tasa bago huminga ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ganito sa akin ang kapatid ko. Wala naman akong ginagawang kahit na anong masama sa kanya. Noong nahanap ako nila Mommy, hindi man lang siya naging masaya. Eversince I became their family again, she seemed to detached. Madalang pa sa ulan sa disyerto kung mag usap kaming dalawa.
She hates me and I don't even know why.
"Iñigo will marry me. This wedding has been planned since we were children. Hindi magugustuhan ni Tita kung patuloy kang manggugulo sa aming dalawa. Stop it Iris. Mahiya ka naman." Aniya. Napailing na lamang ako bago uminom ng tsaa.
"Iñigo will not marry you. Hindi ka niya mahal."
"Iñigo loves me. Magmula noong bata pa lamang kami." Paglaban niya.
"Yes, but you threw his love away. Pinagsabay mo sila ni Ethan Lily. Kahit kailan ay hindi ka na niya babalikan. He will never look at a cheating whore again. I don't even see the reason why they both loved you at the first place!" sagot ko. Naramdaman ko ang panginginig ko sa ginawa ko. Lily just gaped at me.
"If I am a cheating whore, then you're nothing but an envious bitch. Mang aagaw ka. Kinukuha mo si Iñigo sa akin para ipamukha na kaya mong kunin lahat ng mayroon ako. Was it not enough for you that Daddy worships you?! You even have to snatch Iñigo away from me!" pagsigaw niya. Iyong mga tao sa café ay pinagtinginan na kami. It was as if Lily felt the stares, bigla na lamang siyang dumausdos at humagulgol ng iyak.
"Gusto ko lang naman ng may magmamahal sa akin. Pero lahat sila inaagaw mo." Pagpapatuloy niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo. Si Lily ay patuloy lamang sa pag iyak.
"You look like a trash Lily."
Sabay kaming napatingin kay Iñigo na nasa likuran ko. Mas lalong umiyak si Lily ng makita si I. I just rolled my eyes at her.
"She did this to me." Pagtuturo ng kapatid ko sa akin. Naramdaman ko ang paglapit ni Iñigo bago niya kinuha ang plastic ng pandesal sa lamesa.
"You did that to yourself. Never blame Iris because you are miserable. Ginawa mo yan sa sarili mo. Nagmumukha kang tanga ngayon dahil ginusto mong pagmukhain ang sarili mong tanga sa harap ng lahat ng tao." Malamig na sinabi ni Iñigo bago niya ako hinatak patalikod.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Fiksi UmumAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...