18
"You will be directing their music video." Sabi ni Leria sa akin. Napatingin ako sa kanya at ngumiwi.
"Ria, nagbabakasyon lang ako dito. Isa pa, hindi ba awkward na ako ang hahawak ng music video nila?" sagot ko. Tinitigan ko ang gunting na gumugupit sa mahaba ko ng bangs. Si Ria naman ay nilingon ako mula sa kanyang binabasang magazine.
"Please? Iris, wala na kaming mahanap na director na pamilyar sa storyline na naisip namin. Afterall, iyong kanta naman na sinulat ni I ang gagawin natin ng video." Pangungumibinsi niya. Tiningnan ko siya at napanganga.
"Iñigo wrote the song?" gulat kong sabi. Iyong kanta na pinag uusapan namin ay iyong kinanta ni Greg noong bumisita ako sa Galleria.
"Yes. He wrote that two years ago. I think he made that for you." Kaswal niyang sabi. Natigilan ako bago natawa na lamang. I looked at my hair, ombre na ito at hindi na purple. The top is black, sa gitna ay bahagyang nagiging dark blue hanggang sa dulo ay naging powder blue.
"He wrote that for Lily." Sagot ko. Sa salamin ay tinitingnan lamang ako ni Leria bago siya nagkibit balikat. Tiningnan rin niya ang buhok ko bago niya binalingan muli ang magazine niya.
"Ang bitter mo."natatawa niyang sabi. Napasinghap ako at biglaan ang naging pagtingin sa kanya. Ako? Bitter? Nakapag move on na ako. Wala na akong lisensya para maging bitter. I am just stating the obvious. Bakit ako ang gagawan niya ng kanta? I am not my sister.
"Hindi kaya." Sagot ko. Ngumisi lamang si Leria bago niya tinuro ang isang parte ng buhok niya na hindi naayos ang pagkakagupit.
"Kung hindi ka bitter, then do the music video." Patuloy niyang pangungulit. Umismid lamang ako at hindi na alam ang sasabihin.
"According to the storyline, lahat ng AEGGIS ay kakanta Leria."
"And?" tanong niya, halatang hindi makuha ang ibig kong sabihin.
"Iñigo Shaw doesn't sing. Kung ako sa inyo ay palitan na lang ninyo ang naisip ninyong plot. If iba na ang storyline ninyo ay pwede ng hindi ako ang kunin ninyong director." Sagot ko. Matapos iblow dry ang buhok ko ay tumayo na ako. Natigilan lamang ako noong natawa si Leria. Humarap ako sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Why?" I asked. She just smiled. Bahagya akong naalarma sa ngiti niya. Para bang may alam siyang hindi ko alam at nais niyang itago sa akin iyon. Umiling lamang si Leria bago tumayo na rin.
"Nothing. Akala ko kasi si Iñigo na lang ang hindi nakakamove on. Mali pala ako." Aniya bago ako nilampasan para kunin ang kaniyang purse.
Magkasabay kaming dumiretsyo ni Leria sa Lighthouse, iyong bagong building ng Wave kung saan nagpeperform ang bawat talent roon. May performance daw ang AEGGIS at inimbita ako ni Ria para manuod.
Naupo kami sa pinakagitnang lamesa. Iyong stage ay inaayos na para sa mga talent. Pareho lamang kaming tahimik ni Ria. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sinabi niya. Hindi pa rin nakakapag move on si Iñigo kay Lily, iyon ba? Sabagay, he actually wrote a song for her.
Nakagat ko ang labi ko sa naisip. Lily is really lucky. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang galit niya sa akin. Magmula ng nalaman niya na ako ang nawawala niyang kapatid ay hindi na siya umuwi kina Daddy. Hindi ba niya nakikita? She has everything. A family, a career, a man who loves her so dearly. Makikipagpatayan ako para lamang magkaroon rin ng ganyang regalo.
Namatay ang ilaw at tanging spotlight lamang ang natira sa stage. Doon ay nakafocus ang isang piano. Noong bumukas ang mga kurtina ay pumasok si Iñigo at umupo sa kanyang piano.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Fiksi UmumAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...
