30
I woke up at the middle of the night. Hindi ako sigurado kung anong oras na iyon. Noong gumalaw ako ay agad ding dumilat si Iñigo. Sinindi niya ang ilaw bago ako tiningnan. Bahagya akong napalunok. Iyong singkit niyang mata ay mas lalong nagmukhang isang linya dahil sa antok. And damn, but it made him look more gorgeous than before.
"Iris?" inaantok niyang tawag sa akin. Iyong kamay niyang nakapulupot sa aking beywang ay lalong humigpit.
Umusog ako palapit sa kanya at mas lalong nagsumiksik sa dibdib niya.
"I'm hungry." Anas ko. Bahagya siyang lumayo sa akin at muntik na akong magprotesta sa ginawa niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Why do I sound so clingy?
Umangat ang ulo ni Iñigo at tiningnan ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang oras bago napangiwi na lamang.
"Alas dos na ng madaling araw Iris. Hindi ko alam kung may tao pa ba sa kusina." Aniya. Umupo ako sa kama at niyakap ang aking mga binti.
"But I want to eat." Reklamo ko. Sumunod si Iñigo at umupo na rin. Napabuntong hiningan na lamang siya at nagsuot ng kanyang shirt. Bumalik siya sa kama at tumabi sa akin.
"What do you want to eat?" tanong niya. napangiti ako bigla at halos magtatalon na sa tuwa dala ng sagot niya. Mabilis akong kumandong kay Iñigo at hinalikan ang kanyang ilong. Siya naman ay nagulat sa aking ginawa. Namula pa ang kanyang pisngi bago napangiti na lamang.
He sighed. "Palagi na kitang papakainin para makita kitang ganyan kasaya." Natatawang sabi niya. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg.
"Igoy ko." Tawag ko sa kanya. Pumulupot ang kamay niya sa aking beywang.
"Hmmn? What do you want to eat Noob?"
"Gusto ko ng ice cream Igoy ko." Parang bata kong sabi. Tinapik ni Iñigo ang binti ko kaya tumayo ako. Si Iñigo naman ay kinuha ang kanyang jacket at nagsuot ng pantalon.
"Bibili ka na ng ice cream? Sama ako." Sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya bago umiling. Tiningnan niya ako ng matalim, his eyes screamed protectiveness. Napanguso na lamang ako.
"Sasama ako. Bili tayo ng ice cream ha?" pangungulit ko. Napakamot na lamang siya ng ulo at kinuha ang aking kamay.
"I will like it better if you will stay here Iris." Sabi niya sa akin. Natigilan ako sa sagot niya. I felt my eyes stinging. Uminit iyon at naramdaman ko ang pagtutubig. Pinagtaasan ko siya ng kilay bago ako nameywang sa harapan niya.
I want to shout at him. Gusto kong magalit pero parang roller coaster ang aking emosyon. Ngumuso ako, iyong mata ko ay uminit na ng tuluyan dahil sa luhang bigla ko na lamang naramdaman. Noong makita ni Iñigo na malapit na akong umiyak ay napanganga siya.
"Shit, don't cry." Aniya. Pinunasan niya ang isang takas na luha bago ako niyakap.
"Ayaw mo akong kasama." Atungal ko. Noong mayakap niya ako ay sininghot ko ang amoy ng kanyang shirt. Ang bango bango talaga ni Shaw!
"It's not like that Noob. Gabi na kasi at malamig—"
"Nagsasawa ka na siguro sa akin kaya mas gusto mong makulong ako dito. Ganun ba yun Iñigo? Ayaw mo na akong kasama diba?" dagdag ko. Huminga ng malalim si Iñigo bago napangisi. Hinaplos niya ang aking pisngi bago napangisi na lamang. I don't know why he is smiling, but I ended up laughing too. Ang gwapo kasi talaga nitong masungit na ito lalo na kapag ngumingiti siya.
"Ang daldal mo pa rin pala." Natatawa niyang sabi. Lumayo siya sa akin at pinitik ng bahagya ang aking noo.
"Sumama ka na lang bukas. But for now, you will stay here. Baka sipunin ka at lagnatin na naman." Utos niya sa akin. Magsasalita pa sana ako noong hinawakan niya ang aking braso.
"End of discussion wife." Aniya. Hindi na ako nagsalita at tumango na lamang sa kanya. Hinatid ko na lamang siya palabas ng aming kwarto. Naudlot ang pagbalik ko noong makita ko si Greg na naninigarilyo sa may garden.
"Greg!" tawag ko sa kanya. Mabilis niya akong nilingon bago niya pinatay ang kanyang sigarilyo.
"Iris! Bakit gising ka pa? Alam ba ni Iñigo na nasa labas ka?" tuloy tuloy niyang tanong. Magiliw lamang akong tumango at sinabi sa kanya na bumili si Iñigo ng ice cream. Bahagyang natawa si Greg noong matapos ako.
"Damn, buong buhay ko ay hindi ko pa nautusan si Shaw. Pero ikaw, isang sabi mo lang, agad na siyang sumugod para mabilhan ka." Natatawa niyang sabi. Ngumiti lamang ako.
"Well.." natatawa kong sabi. Tiningnan ko si Greg na nakatingin lamang sa akin, nakakunot ang noo.
"You said you were hungry kaya ka nagpabili kay Iñigo?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, bakit?"
Napasandal si Greg sa pader bago napangiti na lamang bigla.
"I just remembered Allara. Ganyan na ganyan din kasi ang ginawa niya sa akin noon." Aniya. Napanguso na lamang ako dahil hindi ko siya maintindihan. Wala naman akong ginagawa kay Iñigo hindi ba?
"I don't get you Greg."
Tumayo na siya. Kinuha niya ang hood ng aking jacket at isinuot sa akin iyon.
"Bumalik ka na sa kwarto ninyo, baka malamigan ka. Mahirap na." sabi niya. Inalalayan niya ako patayo habang nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Ang weird mo Greg." Reklamo ko. Tumawa lamang siya at naglakad na kami pabalik sa aming kwarto. Binuksan ko ang pintuan at humarap sa kanya para magpaalam pero napatigil ako noong makita ko ang paninitig niya.
"Ano?" nagtataka kong tanong.
Umiling siya. "Akala ko talaga bakla si Shaw. Matatalo pa yata ako sa pustahan." Bulong niya. I cocked my head on the side and glared at him.
"Either way I am happy. Congrats dude. Una na ako, miss ko na asawa ko eh." Anas niya bago ako iniwan sa kwarto. Hindi ko na magawang sumagot dahil agad na siyang umalis.
-------------------------
Tinapik bahagya ni Iñigo ang pisngi ko. Noong nagdilat ako ay nasa tapat na kami ng building ng unit namin. Humikab lamang ako habang si Iñigo ay abala sa pagkakalas ng aking seatbelt.
"Goodmorning Noob." Sabi niya. Napatakip ako sa bibig ko at marahan na tinampal ang bibig niya.
"Bastos ka. Do not kiss me while I am yawning." Masungit kong sabi. Tumaas lamang ang sulok ng labi niya.
"I prefer to kiss you when your mouth is open babe." Parang wala lang na sabi niya. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Kinuha ko na lamang ang bag ko at tinitigan siya ng masama.
"Pervert." Anas ko. Tumawa siya ng malakas.
"Only for you."
Noong lumabas kami ng kanyang sasakyan ay hindi pa rin niya ako tinigilan sa panunukso. Nasa loob na kami ng elevator ay niloloko pa rin niya ako. Kaya noong pinagtitinginan na kami ay mas pinili ko na lamang na manahimik.
Pagkarating namin sa pad ay ganun na lang ang gulat ko. May nakahain na pagkain sa lamesa at may mga bags na nakakalat sa sofa.
"I think yellow will be great Tita." Biglaang sabi noong boses. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Iñigo. Sabay kaming naglakad papasok. Bumungad sa amin ang kapatid kong may hawak hawak na dilaw na kurtina.
"Ate, what are you doing here?" gulat kong tanong. Nilingon lamang ako ng kapatid ko bago ngumiti kay Iñigo.
"I'm glad you are back son." Bati ng isang may edad na babae na lumabas mula sa gilid. Nakilala ko agad siya. She is Iñigo's mom. Iyong babae noong birthday party ni Iñigo at nag anunsyo tungkol sa engagement ni Iñigo at Lily.
Lumapit siya kay Iñigo at hinalikan ang pisngi nito. Umiwas ako at bibitaw na sana noong humigpit ang hawak ni Iñigo sa akin. Dinikit ni Iñigo ang katawan niya sa akin at iniharap ako sa kanyang Mama.
"Ma, I want you to meet Iris, my wife." Pakilala ni Iñigo. Napalunok ako noong tinitigan ako ng Mama niya mula ulo hanggang paa. Tumaas ang isang kilay niya at napaismid habang nakatingin sa akin.
"So it's you." Diskumpiyado niyang sabi. Umiling lamang siya at humarap na ulit kay Lily.
---------------------------
*pen<310
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Художественная прозаAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...
