11
I love you daw.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi nga ni Iñigo sa akin iyon. At mas lalo akong hindi makapaniwala na tumagal na kami ng limang buwan. Heto ako ngayon at naghahanda para sa lakad naming dalawa. Ang sabi niya ay ililibre niya ako para sa date namin. At dahil nga sa libre ay madali akong pumayag.
Akalain mo iyon. Natiis ko siya ng limang buwan. Ang bait ko kasi talaga eh.
Matapos niyang sabihin sa akin na mahal niya ako ay hindi na ako nagpakaipokrita. Gusto ko rin naman si Iñigo. Isa pa, ako ang pinili niya at hindi si Lily. Ibig lamang sabihin niyon ay nakapag move on na siya sa babaeng iyon at ako na talaga ang gusto niya. Ano mang pagdududa na naramdaman ko ay nawala noong sinabi niya na mahal niya ako.
Kaya heto na kami ngayon. Limang buwan na kaming mag nobyo. Hindi ko na ikekwento ang limang buwan na iyon. Baka maumay lamang kayo sa kasweetan namin. Ayaw ko namang mabitter kayo.
"Oy!"
Napaharap ako sa kanya noong tinawag niya ako. Hawak hawak niya sa kanyang kaliwang kamay ang leather jacket habang inaayos niya ang dogtag niyang nasabit sa kanyang vneck na puting tshirt.
"Problema mo?" anas ko. Ngumuso lamang siya at nilapitan ako. Inipon niya ang nakalugay kong buhok bago iyon nilagyan ng tali.
"Ang bagal mo talagang kumilos kahit kailan." inis niyang sabi sa akin. Nakakunot na naman ang noo niya at masama ang tingin sa akin. Napangiti na lamang ako at agad na yumakap sa kanyang beywang.
"Ang sungit po ng boyfriend ko. Hiwalayan kita niyan eh." natatawa kong sabi. Lalong nawala ang ngiti niya sa sinabi ko. Mabilis ang naging pagkilos niya kaya hindi na ako nakaiwas noong iumpog niya ang noo niya sa may noo ko. Napasigaw ako sa sakit at agad na bumitaw sa yakap niya.
"Aray! Iñigo naman eh!" galit kong sabi. Hinimas himas ko pa ang aking noo na mukhang nagkabukol na dahil sa ginawa niya. Habang si Iñigo naman ay walang emosyon na nakatingin sa akin bago napapanguso na lamang.
"Subukan mo lang akong hiwalayan." banta niya. Inirapan lamang niya ako at parang bata na bumulong bulong.
Sus. Pinanood ko lamang siyang tumitingin sa akin ng masama habang inililigpit ang mga gamit ko at inilalagay iyon sa maleta.
"Hindi naman kita hihiwalayan eh. Joke lang yun. Ang sensitive mo." natatawa kong sabi. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Talent na yata ni Iñigo Shaw ang maging suplado. Kahit kailan ay hindi ko makakaya ang ginagawa niyang pananahimik.
"Igoy.." tawag ko sa kanya. Napangiwi na naman siya at mas lalo lamang akong sinamaan ng tingin. Tawa na talaga ako ng tawa habang siya ay halos mapamura na sa ginagawa kong pagtawag sa kanya sa palayaw na ako mismo ang gumawa.
"Baliw ka talaga." napapailing na lamang niyang sabi. Tumawa lamang ako at tumalon para akyatin ang leeg niya. Lumabitin ako sa kanyang katawan at binigyan siya ng mabilis na halik.
Umungol si Iñigo bago napangiti na lamang. At katulad ng dati, nawawala ako sa huwisyo kapag nakikita ko na ang ngiti niya. Sa sobra kasing dalang ng mga pagngiti ni Iñigo ay magugulat ka na lamang kapag ginawa niya iyon.
Yung totoo? Ang bait ko siguro noong past life ko! Mahal siguro talaga ako ni Lord kaya ibinigay niya sa akin si Iñigo. Ang gwapo na nga, ang clingy pa. Ang sarap kiligin palagi.
Napailing na lamang siya bago ako pinitik sa aking noo.
Bumuntong hininga siya. "What should I do with you Iris?"
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Fiction généraleAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...