All CAPS, No Space

97.3K 2.5K 205
                                        

26


Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin kay Iñigo. Ngayon ay nakatayo na naman siya sa tapat ng studio kung saan ginaganap ang pag eedit ng kanilang music video. Hindi ko siya pinapasok sa loob ng studio dahil makulit siya. Pilit niyang pinapalayo sa akin ang sound engineer at ang producer kaya wala kaming matapos na matino.


Humilig ng bahagya sa akin iyong sound engineer para iabot ang headphones noong biglang kumatok sa salamin si Iñigo. Matalim ang tingin niya sa katabi ko kaya ang pobre ay lumayo na lamang sa akin.


"Ang possessive ha?" biro sa akin noong producer. Napangiwi na lamang ako. Lumapit ulit ako sa producer para tingnan ang raw copy noong may nagtext sa akin. Kinuha ko iyon at agad na binuksan.


'Papasok talaga ako kapag hindi lumayo si Rap sayo.'


I just rolled my eyes and looked at Iñigo. Hindi siya nakangiti at halatang seryoso sa sinabi. Napailing na lamang ako at nagbigay ng kaunting distansya sa producer.


Tumunog muli ang aking cellphone.


'Layo pa.'


Ibinagsak ko na ang aking cellphone at tiningnan ito. Itinaas ko ang aking middle finger sa kanya bago siya pinanlisikan ng mata. Napangisi lamang siya bago humilig sa pader. Ako naman ay tuluyan ng lumayo sa producer at hiniling na i-project na lamang ang raw imbes na panuorin namin sa screen ng laptop.


Ilang beses pa akong nagpa-edit noong gumawi ang tingin ko kay Iñigo. Tutok na siya sa kanyang cellphone habang nakapaskil ang malaking ngiti sa kanyang labi. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko at lalong pagkasira ng mood ko.


Sino namang katext niya? Walanghiya talaga.


"May babae yan." Bulong ni Cesar sa akin. Hindi ko siya pinansin at sumalampak lalo ng upo.


"Ayusin na ninyo yan." Utos ko habang nakatingin pa rin kay Iñigo na halos maluha na sa kakatawa. Hindi ko na napigilan ang kuryosidad ko. Sinong kalandian ng demonyo na yan at halos mamatay na siya sa kakatawa?


Hindi ko na natapos ang pag aayos ng video. Agad na akong lumabas ng studio at mabilis namang nakasunod si Iñigo sa akin. Hinawakan niya ang aking siko at sumabay sa aking paglalakad.


"Lunch na tayo." Aniya. Hindi ko siya sinagot, hinila ko pa ang aking braso habang hindi ko mapigilang magngitngit sa kanya.


"Sinong kausap mo kanina? Bakit tawa ka ng tawa?" tanong ko. Hindi ko na talaga mapigilan. Pakiramdam ko ay sinusunog ang aking ulo sa sobrang inis.


Namulsa siya. "Your sister. Sinabihan ko lang—"


Nakagat ko na ang labi ko at mabilis siyang tinalikuran. Nagmartsa ako papunta sa elevator habang si Iñigo ay tinatawag ako. Mabilis kong pinindot ang groundfloor kaya hindi na niya ako naabutan.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon