21
Muntik akong mapatalon noong may yumakap sa aking likuran. Naramdaman ko ang paghalik ni Iñigo sa aking buhok.
"Nagulat ka? Sorry." Malambing niyang sabi bago humigpit ang yakap sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita. Pinabayaan ko siya sa ginagawa niya at nagpatuloy lamang sa panunuod ng mga alon.
"Iris." Tawag niya. Bahagya ko siyang tiningnan.
"Ano?"
"Do you have any idea how much you mean to me?" bulong niya sa akin. Nanigas lamang ako at hindi na lamang nagsalita.
"What should I do to make you stay Iris?" malungkot niyang sabi. Yumuko lamang ako pero inawat ni Iñigo ang aking baba.
"Wala." Malamig kong sabi. Pinilit kong makalayo sa kanya pero humigpit lamang ang hawak niya sa akin. Napapikit na lamang ako at hindi gumalaw.
Ano bang dapat kong sabihin sa ganitong pagkakataon? I hate Iñigo Shaw. I hate him so much pero ito ako ngayon, narito sa tabi niya. Kahit na galit ako ay hindi ko pa rin naiwasan ang pagkagustong makasama siya. I know this is outrageous. Para akong baliw na sumisiksik pa rin kay Iñigo.
"Nasaan si Lily?" tanong ko. Tumiim ang bagang niya at bahagya akong binitawan.
"I don't know—"
"Kaya ka ba nandito kasi hindi mo alam kung nasaan siya?" I asked. Lalong nawala ang ngiti sa mukha ni Iñigo sa sinabi ko. Napailing na lamang siya at tuluyan ng humakbang palayo sa akin.
"Bakit mo sinasabi yan?" gulat niyang tanong. Nag iwas ako ng tingin bago siya tinalikuran.
"Kasi ito yung totoo. Iñigo, umamin ka na. Kaya nandito lang naman ako ngayon sa tabi mo kasi wala si Lily. Why will you even bother looking for her eh nandito naman si Iris hindi ba? Kasi si Iris, gaga yan. Kahit anong sabihin mo, gagawin ko hindi ba? Diba?" sumbat ko sa kanya. Napailing na lamang ako at huminga ng malalim.
"Kahit kailan hindi naging ganiyan Iris. I never used you." Katwiran niya. Hindi na lamang ako nagsalita. Pinanood ko na lamang ang dagat at hinayaan siya sa aking likod.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko para maniwala kang hindi na kita papakawalan." Aniya. Tumaas lamang ang kilay ko ay nagkibit balikat.
"You don't have to do anything Iñigo."
"You will stay?" umaasa niyang sabi. Natawa na lamang ako at inayos ang aking buhok. Hinarap ko si Iñigo, bakas sa kanyang mukha na masaya siya sa sinabi ko.
"No. Iñigo we're done. Noong umalis na ako ay tapos na tayo." Desidido kong sabi. Narinig ko ang pagmumura niya kaya hinarap ko siya.
"Saan nakalugar ang desisyon ko Iris? Tinapos mo na lang lahat ng wala man lang kahit na anong sinasabi sa akin? What was that?" hindi niya makapaniwalang sabi. Kinagat ko ang labi ko at umiling sa kanya.
"You never gave me the chance to explain. Basta ka na lang umalis." Sumbat niya. Natawa na lamang ako. Kung makapagsalita si Iñigo ay parang siya ang nasaktan sa aming dalawa.
"Give up Iñigo. Tapos na tayo." Anas ko. Papasok na sana ako sa yate noong hinawakan niya ang braso ko.
"No. Kung gusto ko ay ipaglalaban ko. Hinding hindi ko bibitawan kapag mahal ko." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at ngumiti lamang siya ng malungkot. Agad kong hinila ang aking braso at pinilit na lumayo sa kanya.
"Shut up." Bulong ko. Tumaas lamang ang sulok ng labi niya at humakbang na palayo sa akin.
"Bumalik na tayo." Huli kong sinabi bago ako pumasok.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at napapikit na lamang ng mariin. Ugh, I am getting crazy. Hindi ko na maintindihan si Iñigo. This is crazy.
I don't want to go back there. Ayaw ko ng bumalik sa mga panahon nakikisiksik lang ako sa buhay niya. He never let me in. He never held my hand. He never told everyone that I am his wife. Itinago niya ako sa dilim at ayaw ko ng mangyari iyon.
Hanggang sa makabalik kami sa Manila ay hindi ko na siya muling kinausap. Hinatid lamang niya ako sa pad na binili ni Ivan sa akin, matapos niyon ay umalis na rin siya. Noong makarating ako sa aking bahay ay agad akong sinalubong ni Ivan.
"Where have you been Babe?" wika niya. Agad akong tumakbo sa kanyang balikat at niyakap siya ng mahigpit.
"Hey, what is the problem?" pag-aalala niya. Umiling lamang ako at yumakap pa lalo sa kanya.
"Nothing." I said. Tumango lamang siya at niyakap pa ako lalo. Pinabayaan lamang niya ako sa balikat niya hanggang sa makalma na ako.
I am scared. Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako titigilan ni Iñigo. Natatakot ako sa maaaring gawin niya. Desidido siya na makuha ang gusto niya at alam kong gagamitin lang niya ako ulit.
Kailan kaya niya maiintindihan na hindi niya makukuha si Lily sa paggamit sa akin? I thought Iñigo is rude, I never thought that he is heartless. He robbed me of everything but then, hindi pa rin siya nakuntento.
—————————————-
Nagising ako sa ilang beses na pagring ng aking telepono. Noong sinagot ko iyon ay nalaman kong may package raw ako sa may reception. Nagbihis na lamang ako at agad na bumaba.
Bumagal ang hakbang ko noong mapansin na maraming tao sa may lounge. Bahagya pa akong tumingkayad at doon ay nakita ko si Iñigo na prenteng nakaupo sa may sofa, suot suot ang isang headphones at may hawak na bulaklak. Sa paligid niya ay mga fans na hindi magkamayaw sa pagkuha ng litrato niya. Kahit isa ay wala man siyang pinansin. Ang suplado talaga.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Pagkakita niya sa akin ay tinanggal niya ang kanyang headphones. Tumayo siya at ibinagay sa akin ang bulaklak,
"Pakihawak." Mayabang niyang sabi. Iniabot niya sa akin ang bungkos ng tulips at rosas. Tumaas naman ang kilay ko bago iyon kinuha.
"Anong gagawin ko dito?" naiirita ko ng tanong. Namulsa lamang siya at inakbayan ako. Narinig ko ang mabilis na tilian at sigawan noong mga fans niya sa ginawa ni Iñigo. Hindi ko na tuloy napigilan ang pamumula at bahagya ko siyang tinulak.
"Nakakahiya Iñigo." Sabi ko. Tumawa lamang siya at inakay ako papasok sa elevator. Noong magsara iyon ay lumayo na ako pero hindi niya ako binitawan.
"Iñigo." Banta ko. Tumaas lamang ang sulok ng labi niya at ngumisi bago hinalikan ang aking buhok.
"Namiss kita." Aniya. Natigilan ako at tiningnan siya.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko. Nag iwas ako ng tingin at lumingon na lang sa kung saan saan pwera sa kanya. Hindi ako mapakali habang nasa tabi ko siya pero kapag sinusubukan ko namang lumayo ay dumidikit lamang siya sa akin.
"Nanliligaw." Aniya. Doon ay napatingin na talaga ako sa kanya. Nanlalaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.
Ngumiti siya. "Told you, I will win you back."
——————————
*pen<310
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Fiksi UmumAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...