Bonfire

95.4K 2.2K 101
                                    

29



Hindi maalis sa labi ni Iñigo ang ngiti niya. Wala na sina Toryang at ang AEGGIS pero itong katabi ko ay masaya pa rin. Ngumuso ako at hinarap siya bago nameywang.

"Stop smiling." Utos ko sa kanya. Ngumisi lamang si Iñigo at naglakad palapit sa akin.

Mabilis niyang hinubad ang kanyang shirt at napapikit ako. "Iñigo!" sigaw ko. Tumalikod ako at humarap sa lababo. Hinawakan ko ang aking dibdib at hindi na mapakali. Lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko noong maramdaman ko na siya sa aking likuran. Dinikit niya ang bibig niya sa aking tenga bago bumulong.

"Open your eyes Noob." Aniya. Pinilit niya akong humarap sa kanya. Noong nagdilat ako ay nakasuot na siya ng pulang apron.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi bago ako binitawan. Nagsimula na siyang gumalaw sa kusina niya habang ako ay nakatingin lamang sa kanya. He was humming a tune while cooking. Halatang masaya siya dahil sa sinabi ni Toryang kanina.

Inabot niya ang harina sa itaas na cabinet. Napatitig ako sa likod niyang hindi natatakpan ng apron. Damn, his muscles are flexing.

"B-bakit hindi ka magshirt?" nauutal kong tanong. Nakagat ko ang labi ko. Iris naman eh. Kailangan mo ba talagang mabulol?

"Because I am seducing you." Aniya. Nagsimula siyang magprito na para bang wala lamang ang sinabi niya sa akin.

"Ano?"

Humarap siya. "Ang sabi ko, inaakit kita. Is it so bad for me to seduce my wife?" Mayabang niyang sabi. Tumaas ang kilay niya at sumandal sa lababo habang ako ay pulang pula na ang pisngi sa mga sinasabi niya.

"I am not your wife—"

"Deny all you want Noob. Pero asawa pa rin kita kahit na anong gawin mo." Madiin niyang sabi. Pinagkrus ko ang braso ko sa aking dibdib at tinitigan siya.

"I am not. Pumirma na ako sa divorce papers natin." Sabi ko. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang sa pagluluto. Ngumuso na lamang ako at hinintay na magsalita siyang muli.

"Bakit mo ba pinipilit na pumirma ako kung kanina lang ay sinabi mo kay Toryang na mahal mo ako?" iritado niyang sabi. ibinagsak niya ang bowl at mabilis na lumapit sa akin, ikinulong niya ako sa pagitan ng katawan niya at ng lamesa.

Hindi ko alam. Hindi ko nagawang sumagot kay Iñigo. I love him. Ngayon ay sigurado na akong hindi nabura kahit na katiting ng pagmamahal ko sa kanya. But I am still scared. Natatakot pa rin ako sa maaring kahitnan naming dalawa. Ayoko ng maranasan ulit ang naranasan ko noon.

"You love me." Pag uulit niya. Yumuko ako pero ang kamay niya ay nasa may baba ko na.

"Iñigo Shaw, hindi iyon ang ibig kong sabihin—"

Hinalikan niya ang aking noo bago ako niyakap ng mahigpit.

"Never take it back Iris. Sinabi mong mahal mo ako kaya wag mo ng bawiin iyon. Please." Pagmamakaawa niya. Hindi na ako nagsalita at tumango na lamang.

--------------------------

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko noong huminto ang kotse niya sa isang resort. Tinanggal ko ang aking seatbelt habang si Iñigo ay kinuha na ang aming mga gamit sa likuran. Sumunod ako sa kanya sa labas.

"Iris!"

Humarap ako sa tumawag sa akin. Sinalubong ako ni Toryang na tumatakbo papunta sa aming direksyon. Kinuha niya ang aking kamay at napapatalon sa harapan ko.

"I'm glad you came!" excited niyang sabi. kinuha niya ang aking purse at hinila na ako. Nilingon ko si Iñigo na binibigay ang aming gamit sa isang bellboy.

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Toryang pero ang tingin ko ay na kay Iñigo pa rin na abala sa aming gamit.

"You didn't know? Bakasyon ito. A couple's retreat." Natatawa niyang sabi. Binuksan niya ang pintuan at doon ay nakita ko ang ibang AEGGIS kasama ang mga asawa nila.

"Iris!" Avvi called me. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sumunod ang iba pang mga babae sa pagbati sa akin bago nila ako hinayaang makaupo.

"Okay, pahinga muna tayo today. Mamayang gabi ay may bonfire tayo kaya pumunta kayo ha?" bossy na sabi ni Leria. Mabilis kaming tumango. Napansin ko ang malaki na niyang tiyan. Sasabihin ko sana kay Toryang na gumanda lalo si Ria habang nagbubuntis noong hinalikan ni Iñigo ang aking buhok.

"Missed you Noob." Reklamo niya. Napaismid si Shana sa tabi ko bago niyakap ang kanyang sarili.

"Kuya Iñigo, magkasama lang kayo kanina ni Iris diba?" reklamo nito. Ngumuso lamang siya habang ako ay namumula na. Tumabi si Iñigo sa akin at umakbay,

"But she was taken away from me. By you." Masungit na sagot ni Iñigo sabay turo kay Toryang sa tabi ko. Tumawa lamang ito at umiling.

"Baliw ka na I." puna ni Toryang habang nakatingin lamang kay Iñigo. Nagkibit balikat lamang ito at hinila ako palapit sa kanya, Siniko ko siya at binulungan.

"Iñigo, nakakahiya." Anas ko. Tumaas ang kilay niya.

"Anong nakakahiya?"

"This." Turo ko sa distansya sa pagitan naming dalawa. Napanguso lamang si Iñigo bago pilyong hinila ako palapit sa kanya. Tiningnan ko na lamang siya ng masama habang siya ay binalewala ako.

Pacute pa si Shaw. Pinipilit niyang itago ang ngiti niya pero kapag nakikita niya ang iritado kong pagtingin sa kanya ay napapangiti lamang siyang lalo.

Sabay sabay kaming kumain ng hapunan. Leria wanted to eat outside. Athan was fussing over his wife dahil nga sa malaki na ang tiyan nito at baka mahamugan siya. Athan brought a hoodie jacket at ilang blanket para lamang kay Leria.

Noong nasa may tapat na kami ng bonfire ay nagsimula na sila sa pagluluto noong marshmallow. Umupo ako sa tabi ni Shana par asana makitulong noong biglang nangasim ang aking tiyan. Tinakpan ko ang aking bibig at lumunok na lamang para mawala ang nararamdaman ko.

"Are you cold?"Iñigo asked me. Umusog si Shana at umupo si Iñigo sa espasyong naiwan. Inilagay niya sa akin ang isang piraso ng blanket at kinuha ang aking kamay.

"No." sagot ko. Iyong marshmallow sa stick ni Greg ay nagsimula ng magbrown. Natutunaw na iyon at malapit ng mahulog mula sa lalagyan. Nanginig ako at sumandal na lamang kay Iñigo.

"I'm tired." Reklamo ko. Nilingon niya ako bago biglang tumayo.

"Saan ka pupunta Igoy?" biglaang tanong ni Ethan dito. Hindi sumagot si Iñigo. Kinuha lamang niya ang braso ko at bigla na lamang akong binuhat. Napasinghap na lamang ako sa gulat noong naramdaman ko ang paglutang ko sa ere.

"Iñigo—"

"Magpapahinga na kami. My wife is tired." Simple niyang sabi. Naglakad na kami papasok habang ako ay buhat buhat niya.

------------------------

Maikli. Peace dudes.

*pen<310

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon