Finally...

93.8K 2K 138
                                        

33


Umiyak lamang siya ng umiyak habang yakap pa rin ang binti ko. Sinubukan kong kumilos para patayuin siya pero humigpit lamang ang hawak niya sa akin.

"No.."

"Iñigo.." tawag ko sa kanya. Hinila niya pa ako lalo. Nanikip na ang dibdib ko at napapikit. Shit Iris, what are you doing? Iñigo Shaw is kneeling infront of you. The Iñigo Shaw is begging you to stay.

Binigay ko ang buong lakas ko para bitawan niya ako. Noong maalis ang pagkakahawak niya sa akin ay agad akong yumuko para magkapantay kami. Pulang pula ang mata niya maging ang pisngi niya dahil sa pag iyak. Hinaplos ko ang bawat luha niya bago ngumiti sa kanya.

"Please don't leave." Mahina niyang sabi. Kinuha niya ang kamay kong nasa pisngi niya bago ito dinala sa kanyang labi at hinalikan ng mariin. Muling tumulo ang isang luha sa kanyang mata. Para akong sinakal noon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na iiyakan ako ng isang tulad niya.

Iñigo is never the type of person who will cry, least of all to beg. But here he is, begging me to stay. Pero napakaraming nakaharang sa aming dalawa. I don't even know where to start. Ayaw sa akin ng Mama niya. And then there's Lily. Higit sa lahat ay nagsinungaling siya sa akin tungkol sa kasal naming dalawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang tanggapin na naglihim siya sa akin.

"Iris please." Pumiyok ang boses niya. "Tell me, ano bang dapat kong gawin para hindi mo ako iwan? Tell me now." Utos niya. Nag iwas ako ng tingin bago yumuko.

"You lied to me." Akusa ko. Napasinghap siya bago ako hinila palapit sa kanya. Iyong ulo ko ay pinatong niya sa kanyang balikat at niyakap ako ng mahigpit.

"Because you will leave me if you will learn the truth. You're leaving now that you know everything. At kahit kailan, hinding hindi ako papayag na iiwanan mo ako." Buong puso niyang sabi. Iyong kamay niya ay pabalik balik lamang na humahaplos sa aking buhok.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakaluhod lamang kami sa tapat ng pinto. Siya ay mabilis pa rin ang paghinga, ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya na para bang hinahabol siya.

"Marry me now." Biglaan niyang sabi. Napahiwalay ako ng wala sa oras sa kanya. Tinitigan ko siya dahil iniisip kong nagbibiro lamang siya, pero nakita kong seryoso ang bawat guhit sa mukha niya.

"Iñigo.."

"I don't care if our marriage is not recognized. Kahit kailan ay wala akong pakialam sa kapirasong papel na iyon Iris. You are my wife as I am your husband. And nothing will ever change that. Pero para sa ikakapanatag ng loob mo, magpapakasal tayo, ngayon mismo. Basta wag mo lang akong iwan." Mahaba niyang paliwanag. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya, hindi talaga ako makapaniwala sa naririnig.

"Your Mom hates me." Anas ko. Tumigas ang mukha niya. Nagkibit balikat lamang siya.

"Wala akong pakialam."

Napasinghap ako. "Iñigo, she's your Mom."

"And you mean everything to me. Walang magagawa si Mama." Desidido na niyang sabi.

Tumayo siya at agad niyang kinuha ang kanyang phone. Inilagay niya iyon sa kanyang tainga habang nananatili ang titig sa akin.

"Stan..yes. Everyone. Huwag ka ng magtanong. Basta, gawin na lang ninyo." Paputol putol niyang sabi. inilahad niya sa akin ang kanyang kamay at hinila rin ako patayo.

"Iñigo?" nagtataka kong tanong. Hinila niya ako palabas sa unit. Nagmamadali siyang bumaba at agad na sumakay sa kanyang kotse.

"Saan tayo pupunta?" kinakahaban kong tanong. Hindi siya nagsalita. Iyong kamay niya ay halos mamuti na sa sobrang higpit ng hawak niya sa manibela. I reached out and touched his hand.

"Iñigo..."

Sandali niya akong tinignan. His eyes soften at the sight of me before he smiled.

"I won't lose you Iris." Matatag niyang sabi. Bumilis ang kanyang pagmamaneho. Tumigil kami sa isang subdivision. Noong bumaba kami ay sinalubong kami ng buong AEGGIS. Nagtataka kong hinarap si Iñigo na blanko ang mukha.

"Ang aga aga pa eh." Reklamo ni August na naka sando pa. Si Ethan naman ay nakasandal sa pader at nakapikit.

"Bakit biglaan naman yata?" tanong ni Greg. Siya lamang ang mukhang matino sa kanilang anim. Kahit papaano ay nakashirt siya at pantalon. Hindi katulad ng iba na naka sando lamang at shorts. Idagdag pang ang kambal ay naka tsinelas pa.

"Anong nangyayari?" bulong ko kay Iñigo. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"We will get married today." Desidido niyang sabi. Inakay na ako ni Iñigo habang nakasunod sa amin ang iba. Hindi naman ako makapagsalita sa sobrang gulat. What the hell? Totoo ba ito?

Mahigpit ang hawak niya sa akin. Sa sobrang kapit niya ay halos masaktan na ang aking kamay pero hindi ko iyon inalintana. I will be married to him for real now. Wala na akong dapat na ikatakot kapag naikasal na kami.

Pumasok kami sa isang opisina. Doon ay nakita ko si Mayor na nakapambahay pa. Napangiwi na lamang ako habang si Mayor ay ngiting ngiti sa amin.

"Sorry for the short notice Sir." Sabi ni Stanley bago nakipag kamay dito. Tumango lamang si Mayor bago tiningnan kaming dalawa. Matapos niyon ay kumuha siya ng ilang papel mula sa kanyang mesa.

"My daughters are huge fans." Aniya.

"We'll take note of that. Pwede mo na ba kaming ikasal?" nagmamadaling sabi ni Iñigo. Inayos na ni Mayor ang mga kailangan at sinimulan na niya ang aming kasal.

I am not wearing a gown. Iñigo's wearing a sweat shirt. Ang nagkakasal sa amin ay nakapambahay lamang at ang pinakasikat na banda na kilala ko ang nagsisilbing witness namin.

Hindi ako makapaniwala na totoo na nga ito. Hindi ko maisip na andito na kaming dalawa, ikinakasal na talaga. I could not even wrap my head around the fact that we are standing infront of everyone, declaring our love. Pero noong maramdaman ko ang pagsusuot ni Iñigo sa akin ng singsing, doon ko narealize na totoo na nga ito. Wala ng halong biro.

Mag asawa na nga kaming dalawa.

Kinuha niya ang aking kamay bago niya ako hinila palapit sa kanya. His answering grin is enough indication that he is happy. Masayang masaya siya hanggang sa puntong namula muli ang mata niya at mukhang maiiyak na naman siya.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Don't cry." Bulong ko sa kanya. Hinalikan ni Iñigo ang palad kong nasa pisngi niya bago ngumisi.

"Palagi mo akong pinapaiyak."

"Palagi? Kanina mo lang akong iniyakan oy. Kumpara naman sa iniyak ko sayo noon." Natatawa kong sabi. Nakangiti lamang siya kaya napagtanto kong seryoso ang sinasabi niya.

"Iniyakan mo na ako noon?" gulat kong sabi. Ngumisi lamang siya at niyakap ako.

"Kung alam mo lang Pamela." Natatawang sabi ni Augustine bago tinulak ang iba palabas. Naiwan kaming dalawa ni Iñigo sa loob.

"We're married." Anas ko habang nakatingin sa daliri kong suot suot na ang singsing niya. Naramdaman ko ang pagtango niya sa aking balikat.

"Yeah."

"I'm Mrs. Shaw." Namamangha ko pa ring sabi. Humiwalay sa akin si Iñigo at bigla na lamang akong binuhat.

"I love you." Aniya. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko bago tumango sa kanya.

"I love you too—"

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon si Stanley. Ibinaba ako ni Iñigo at sabay naming nilapitan si Stan.

"Bakit?"

Tinignan ako ni Stanley.

"Nasa ospital si Lily."

-------------------------

Song Used for the last chapter XD (nakalimutan ko)

Last Time – Taylor Swift and Gary Lightbody

*pen<310

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon