Ang Ritwal

84.7K 2.2K 59
                                        

13

"Masaya ka ba?" tanong sa akin ni Augustine. Kimi akong ngumiti sa kanya, ang kamay ko ay nakabalot pa rin sa tasa ng kape. Natatakot akong baka makita niya ang panginginig ko. Natatakot akong malaman niya ang sagot sa tanong niya sa akin.

Masaya ba ako? Ilang beses ko na ring tinanong sa sarili ko iyan. Masaya ba akong kasal na ako sa lalaking mahal ko? Na sa wakas ay may taong tumanggap sa akin kahit na kulang ako? Masaya ba ako?

"Oo naman." Sagot ko kay Augustine. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin, hindi nagsasalita. Alam kong hinahanapan niya ng katotohanan ang sinabi ko. Alam kong wala siyang tiwala sa naging desisyon ko na pakasalan si Iñigo.

Iñigo is perfect. Katulad ng sinabi niya ay dinala nga niya ako sa Paris. He spoiled me there, pampered me, cared for me. Doon ko naranasan kung paano nga ba mahalin. Sa mga ganoong panahon ay naiisip kong tama ang naging desisyon ko sa madaliang kasal na ito.

Pero kapag kaming dalawa na lamang sa kwarto, kapag hindi na kami naglalakad sa daan ng Paris, ramdam ko ang paghiwalay ni Iñigo sa akin. Madalas lang siya sa terrace at pinapanood ang gabi. At hanggang ngayon na makauwi na kami ay ganoon pa rin siya.

Akala ko ngayong kasal na kami ay magagawa ko ng pasukin ang mundo ni Iñigo Shaw. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako hinahayaan. Patunay na lamang ang patuloy niyang pagbabawal sa akin sa paglapit sa kaniyang piano.

"Pamela!" tawag sa akin ni August. Nilingon ko siya. Kunot ang noo niya sa akin habang pinapanood akong nag-iisip ng malalim.

"Kung hindi ka sigurado sa desisyon mo, bakit sumige ka pa rin? Pamela naman." Inis niyang sabi. Kung sa ibang pagkakataon lamang ay baka natawa pa ako sa reaksyon ni August. Bihira lang kasing mainis ang taong iyan. Pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Mabigat ang dibdib ko at kahit ayaw ko mang aminin, may parte sa akin na nagsisisi sa ginawa ko.

Masyadong mabilis ang pangyayari. I still couldn't wrap my head on this marriage thing. Pero isa lamang ang alam ko. Mahal ko si Iñigo at gagawin ko ang lahat para magawa na niya akong papasukin sa buhay niya. Maybe marriage is the first step for my ever after.

Noong makauwi ako ay wala si Iñigo sa kaniyang pad. Minabuti ko na lamang maghanda ng hapunan at linisin ang bahay. Habang pinapakuluan ko ang karne ay pumasok muna ako sa kwarto at kinuha ang mga maruruming damit niya.

Tatlong linggo rin kaming nanatili sa Paris. Noong bumalik kami ay hindi ko pa alam kung paano ako aasta. Ako na si Iris Shaw hindi ba? Pero alam kong pinagbawalan niya akong pumasok sa kaniyang kwarto noong katulong pa lamang niya ako.

Pero nagalit si Iñigo noong sa kwarto ko ako tumuloy. Hinila niya ako sa kaniyang kwarto at pinagsabihan na doon dapat ako manatili dahil asawa na niya ako.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko ng maalala ko iyon. Kinikilig kasi si heart kapag naiisip ko iyon. Ang landi ko lang talaga. Napahagikhik na lamang ako.

"Anong nakakatawa?" biglaang sabi ni Iñigo sa akin. Napatalon ako at nahulog ko iyong mga damit niya.

"Ginulat mo ako!" inis kong sabi. Ngumisi lamang siya at nilapitan ako. Hinawi niya ang bangs ko bago hinalikan ang aking noo. Matapos niyon ay pinadaan niya ang kaniyang hinlalaki sa aking buhok.

"I missed you." Aniya. Napangiti na lamang ako sa kaniya.

"Talaga?" paninigurado ko. Ngumiti lamang si Iñigo sa akin. Magsasalita pa sana ako ng makaamoy ako ng parang nasusunog. Noong maalala ko ang niluluto ko ay napatakbo ako sa kusina. Umaapaw na ang tubig mula sa kaserola. Noong binuksan ko iyon ay kitang kita ko ang itim nang karne.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon