11
Defense ko na sa Tuesday!
Pray me please XD
Chos, nakakamatay ang grammar ko.
——————————————-
Hindi na ako nag-atubili pang umalis sa pad ni Iñigo. Mabilis pa sa alas kwatro na bumaba ako at agad na sumakay sa pinakamalapit na taxi na naabutan ko.
Siya pala si Lily. Siya iyong hinihintay ni Iñigo na bumalik ganun ba? Hanggang ngayon ba ay naghihintay pa rin si Iñigo sa kanya?
That is something I can't understand. Bakit kailngan mong hintayin ang isang tao na iniwanan ka? what good would you have if you will wait for something that is not guaranteed? Kitang kita ko kanina kung paano natigilan at nanginig si Iñigo pagkakita kay Lily. Ramdam ko iyon.
Buong buhay ko ay alam ko na kung paano bam aging tagalabas. Nasanay na ako na palagi na lamang magmasid at hindi na makialam sa kahit na ano. At alam ko kung kailan ako hindi dapat manghihimasok. Tama ang naging desisyon ko na umalis na lamang roon at hayaan silang dalawa.
Naramdaman ko ang isang patak ng luha na umagos mula sa pisngi ko. Alam kong tama ang ginawa kong pag alis. Iyon ang tamang gawin. But why do I feel miserable? Pakiramdam ko ay nasugatan ako ng malalim. Gusto kong bumalik roon at paalisin si Lily.
Hanggang sa makauwi ako sa dati kong apartment ay iyon ang nasa isip ko. Noong makapagbayad ako sa taxi ay agad kong binuksan ang aking gate. Mabuti na lamang at hindi ko pa binitiwan itong bahay. Kung hindi ay wala na pala akong mapupuntahan ngayong kailangan ko ng umalis sa poder ni Iñigo.
Pumasok ako sa banyo at tinitigan ko ang sarili ko. Memoryado ko na ang itsura ni Lily. Sa mga ganitong pagkakataon ay nagsisisi ako na matalas ang alaala ko. I hate my photographic memory because I can clearly remember her face. Magkamukha kaming dalawa.
Iyon ba ang rason kaya sinasabi ni Iñigo na gusto niya ako? Dahil ba kay Lily? Dahil ba sumuko na siya sa paghihintay dito? Ginawa lang ba niya akong panakip butas?
Sa naisip ay tuluyan na akong napahagulgol. Ang saya na naramdaman ko kanina noong makilala ko ang mga kaibigan ni Iñigo ay biglaang nawala. Pakiramdam ko ay isa akong bata na pinatikim lamang ng lollipop at bigla na lamang inagaw noong masanay na siya sa sarap.
KInabukasan noong magising ako ay maga ang aking mata. Muntikan ko pang makumbinsi ang sarili kong hindi na lamang tatayo noong may narinig akong mga pares ng katok sa aking pintuan. Mabilis akong naghilamos at nagbihis bago hinarap ang aking bisita.
"Iris!" bati sa akin ni Biboy, iyong kasamahan kong kumukuha ng mga indecent pictures ng mga celebrities para ibenta. Siya iyong photographer namin habang ako ang gumagawa ng kanilang mapa at nagpapanggap na decoy para maaliw ang aming kukuhanan.
Napanguso ako sa kanya. Noong makita niya ang aking itsura ay biglang nawala ang kanyang ngiti.
"Nag drugs ka ba?" aniya. Awtomatiko ang pagtaas ng kamay ko at mabilis siyang sinapak.
"Adik." anas ko. Niluwagan ko ang pintuan at pinapasok siya sa bahay. Prente siyang umupo sa may sofa at tiningnan lamang ako.
"Akala ko hindi ka na babalik dito sa apartment mo. Papahakot na sana sa amin ni Aling Marta iyong mga gamit mo." pagkekwento niya. Kumuha ako ng dalawang tasa at nag-ayos ng kanyang kape.
"Babalik na ako dito."
"Paano iyong trabaho mo?" tanong ni Biboy sa akin. Hinarap ko siya at iniabot sa kanya ang kanyang kape.
"Tapos na." malungkot kong sabi. Napahigpit ang hawak ko sa aking tasa. Hanggang ngayon ay nasasakal pa rin ako kapag naiisip ko ang nangyari kagabi. Lahat yata ng bubuyog sa aking tiyan ay tinutusok ang aking dibdib hanggang sa mahirapan na akong makahinga.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
BeletrieAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...