Impatient

91.1K 2.3K 58
                                        

9



"H-ha?" tanong kong muli noong humiwalay na siya sa akin. Tinitigan niya ako ng mariin bago napailing.


Kinagat ko ang labi ko at hindi ko na alam kung anong gagawin. He kissed me. Oh my gosh! Iñigo Shaw just kissed me! Napahawak ako sa dibdib ko na halos rumagasa na sa pagtibok.


"Anong ha?" masungit niyang tanong sa akin. Mabilis akong napanguso habang siya ay nagpasya ng tumayo. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at inabot ko naman iyon. Hinila niya ako patayo bago pinagpagan ang pantalon niya na bahagyang nadumihan.


"A-ang sabi mo.. sabi mo kasi, g-gusto mo ako?" parang adik kong sabi. Adik naman talaga yata ako eh? Akalain mo yun, nabubulol ako dahil lang sa hinalikan ako. Pero bakit ko ba nilalang lang ang paghalik na iyon sa akin?


Si Iñigo "Devil" Shaw ang humalik sa akin! Gusto kong maghyperventilate pero hindi ko alam kung paano gawin iyon kaya naloloka na ako.


Naramdaman ko ang paghawak niya sa palad ko bago iyon ipinulupot sa kanyang beywang. Nakayakap na ang isa akong braso sa kanyang katawan. Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko at napatingin sa kanya na wala namang pakialam sa ginagawa.


"Breathe Iris." Bulong niya sa aking tenga. Mas lalo akong hindi makahinga sa kanyang ginagawa. Ang hininga ko ay paputol putol na habang si Iñigo ay wala man lang kahit na anong pinapakitang emosyon. It is as if he is used to having a girl swooning beside him.


'Honey, I can't spell it out for you

This is far beyond

A miss-match of our personalities

You insist that life should always be

About saving and simplicity

But what a bore that sounds to me'


Hinila niya ako papunta sa bench kung saan may mga nagpeperform ng firedance at magic show.


"Let's watch first." Aniya bago hinubad ang kanyang jacket at iniabot iyon sa akin.


Napanganga ako habang kinukuha iyon mula sa kanya.


"Anong gagawin ko dito?" tanong ko. Pero deep inside ay alam ko na ang balak niya. Ilang beses ko ng napanood ang ganitong eksena sa mga Korean drama na napanood ko. Siyempre gabi na at malamig kaya ipapasuot niya sa akin ang jacket niya, magpapanggap na gentleman.


Inayos ko na ang jacket at susuotin na sana noong bigla iyong hinila ni Iñigo mula sa akin. Napanganga naman ako habang siya ay tinitingnan lamang ako ng masama.

"Ang bobo. Hindi ko pinapasuot sayo." Bwisit niyang sabi. Humakbang siya palapit sa akin bago hinila ang jacket at inilagay iyon sa may beywang ko.


'I should know by now this is bound to get messy

But I don't care, no I don't care'


Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon