WAKAS
"Huwag kang makikipag usap sa hindi mo kilala ha, Iris?" bilin ni Ate sa akin. Tumango lang ako at agad ng lumabas sa kwarto namin. Nasa malaking barko kami nila Papa ngayon pero naiinip na ako. Gusto kong maglaro!
Sabi ni Ate ko, maglakad lang daw ako ng maglakad. Hindi naman daw magagalit sina Mama kapag lumayo ako. Sandali lang naman eh. Maglalaro lang ako. Ayaw akong pahiramin ni Ate ng piano eh. Tapos wala akong dalang pandrawing. Naiinip na ako. Tapos wala akong mabili sa tindahan kasi piso lang yung pera ko.
Lakad lang ako ng lakad noong nakarinig ako ng musika sa loob ng isang kwarto. Pumunta ako doon. Ang saya saya ko noong makakita ako ng piano na kasing laki ng kay Ate. Tumakbo ako papasok pero napatigil din ako noong makita kong may bata na nakaupo at naglalaro sa piano.
"Pwedeng hiramin?" nagbabakasakali kong tanong. Tiningnan lang ako noong bata bago umiling.
"Ayaw."
"Sige na." pangungulit ko. Hindi na ako pinansin nung bata. Nagpatuloy siyang tumugtog tapos titigil siya tapos may isusulat siya dun sa papel tapos uulitin na naman niya tapos... haay, ako yung napapagod sa ginagawa niya.
Gusto ko na talagang hiramin yung piano. Gusto kong gayahin si Ate. Pero ang sama ng ugali nung bata, ayaw niya akong pahiramin.
"Bata, pahiram na kasi."
Hindi niya ako pinansin. Ngumuso lang ako at pinilit kong tumabi sa kanya. Nahihirapan pa ako kasi ang taas ng upuan ng piano. Muntik pa akong mahulog, buti na lang ay nakahawak ako doon sa piano.
"May piso ako, ibibigay ko sayo ha?" tuwang tuwa kong sabi. Nilabas ko yung piso ko bago ko tinago iyon sa palad ko. Hinipan ko ang kamay ko at nawala iyon. Kitang kita ko kung paano nagulat yung bata sa ginawa ko. Maya maya ay kinuha ko na iyong piso sa gilid ng tenga niya bago ngumiti.
"Magic!" tuwang tuwa kong sabi. Kumurap kurap lamang siya at halos hindi makapaniwala sa aking ginawa.
"Pahiram na ako ha?" sabi ko sa kanya. Tumango na yung bata habang nakatingin sa akin.
"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko na siya masyadong napansin dahil abala na ako sa paglalaro nung piano. Nagsimula ulit iyong bata sa pagtugtog at tiningnan ko lang ang daliri niya. Ang saya saya ng heart ko ngayon kasi ang ganda ganda ng tinutugtog niya. Mas magaling pa siya kay Ate Lily.
"Akong nagsulat nitong tinutugtog ko." Aniya. Napatango ako at patuloy lang na nanuod noong bigla siyang tumigil.
"Bakit huminto ka na?"
"Hindi ko pa kasi tapos." Sagot niya sa akin. Napanguso ako. Gusto ko pang makinig. Umusog ako palapit sa piano at ginaya yung mga pinipindot niya sa piano. Napangiti ako. Sabi ni Papa magaling daw ako magmemorize. Isang beses ko lang tiningnan yung daliri niya, alam ko na kung paano tugtugin yun. Noong naabot ko na yung punto kung saan siya tumigil ay hinarap ko na siya.
"Tapusin mo ha?" utos ko sa kanya. Mabilis siyang tumango.
"Magkikita tayo ulit diba? Pag nagkita tayo, ibang magic na naman gagawin ko. Magic sa tissue naman." Tuwang tuwa kong sabi bago ako bumaba sa upuan. Bigla niya akong sinigawan kaya tiningnan ko siya.
"Anong pangalan mo nga?" tanong na naman niya. Tinitigan ko lang siya. Ang sabi nina Mama sa akin hindi ko dpaat ibinibigay yung pangalan ko sa strangers eh. Stranger naman yung bata hindi ba? Hindi ko nga alam pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...