8
"Saan mo naman ako ililibre?" pangungulit ko habang naghahanda ng chips at crackers na kakainin namin para sa movie marathon. Si Iñigo ay prente at parang hari na nakaupo sa kanyang bean bag. Inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya inilapag ko ang bowl ng chips sa kanyang palad.
"Ang takaw mo sa libre." Aniya. Ngumuso lamang ako at umupo sa sahig. Kumuha ako ng chips sa bowl na nasa may kanyang hita bago nagsalita.
"Ang sabi mo ililibre mo ako." Maktol ko. Sayang naman kasi yun. Minsan lang maging mabait itong si Iñigo sa akin, dapat ay lubos lubusin ko na.
"Hindi ko sinabi na ngayon agad. Kakarating ko lang galing sa jogging, pagpahingahin mo naman ako." Reklamo niya. Ngumuso lang ako at magsasalita pa sana noong yumuko si Iñigo sa akin at nilagyan ng chips ang bibig ko.
"Nguya. Para mapagod yang bibig mo at hindi ka na mag ingay." Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain ng Piattos na galing sa kanya.
Isinalang ni Iñigo ang The Vow sa player. Habang nanonood ay hindi ko mapigilang mailto. Bakit ang tatag ni Leo? Ang daming hardships na siyang pinagdadaanan dahil kay Paige pero bakit patuloy pa rin siya sa paghihintay na sana ay maalala siya? Ganyan ba talaga ang love? Ang OA. Kung ako kay Channing, ibebenta ko na lang ang abs ko sa mga babaeng mas kaya siyang panindigan.
That is why I hate chickflicks. Kung action lang yan ay mas nagsaya pa ako. Sana ay terminator na lang o di kaya ay Avengers ang pinanood namin. Hindi itong nakakalokang pelikula na kahit na anong gawin kong isip ay hindi ko talaga gets.
Nilingon ko si Iñigo na seryoso sa panonood. Ang kamay niya ay nakapatong lang sa mga chips pero hindi na siya kumakain.
Napanguso ako at hindi ko napigilan ang inis na bumukla sa dibdib ko. "Iniisip mo bang ikaw si Leo at si Lily naman si Paige?" basag ko sa katahimikan. Nilingon ako ni Iñigo bago tumango.
"Magpapakatanga ka rin katulad niya?" mangha kong tanong habang nakaturo sa TV screen, iminumwestra si Leo.
"What is so wrong about being crazy for love? Mahal ni Leo si Paige. At kapag may mahal ka, hindi ka mapapagod maghintay, kahit gaano pa katagal." Sagot niya sa akin. Napanganga na lang ako sa narinig. Kahit kailan ay hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon mula mismo sa bibig ng marahas na taong ito.
Hindi na ako nagsalita. Tumalikod na lamang ako sa kanya at nanuod na lang muli. Kahit kailan ay hindi ko talaga maiintindihan ang mga ganyang bagay. Why do you have to hurt yourself? Bakit kailangan mong magsakripisyo? Kailangan bang isa kang masokista kapag nagmahal ka?
"Shit!"
Oo, shit talaga. Anong klaseng buhay ba kasi meron ako? Pakiramdam ko ay pinagkaitan talaga ako ng tadhana. Ang dami kong kulang sa pagkatao ko.
"IRIS! PATAYIN MO!" sigaw ni Iñigo. Hinarap ko siya na nakatayo na sa taas ng sofa habang nakaturo sa sahig. Nilingon ko siya at hinanap ang tinuturo niya.
"Ano?"
"YUNG IPIS! FUCK! LUMILIPAD!" sigaw niyang muli habang yumuyuko at iniiwasan ang flying ipis. Namumutla na siya at hindi malaman ang gagawin habang ang ipis naman ay masayang masaya sa paglipad.
"PATAYIN MO NA!" asik niya sa akin. Mabilis ang ginawa kong pag iling.
"Ayaw ko! Ginawa mo pa akong murderer!" sagot ko habang yumuyuko rin para hindi ako tamaan ng ipis na paikot ikot lang sa buong pad niya. Mabilis siyang bumaba mula sa sofa papunta sa likod ko.
"PATAYIN MO SABI EH!" nagpapanic na niyang sabi. Grabe naman. Kapag mayaman talaga oo, kahit gaano ka pa kaastig sa panlabas, tanging ipis lang na may pakpak talaga ang magpapaluhod kay Iñigo Shaw.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...