16
"You bought this for me?" mangha kong tanong kay Ivan. Nakatayo lamang ako sa gitna ng sala ng isang malaking pad. Tiningnan ko ang carpeted na sahig at ang mga gamit na nakaayos na. Iyong maleta ko ay pinabayaan ko na lamang at nagsimula na akong maglibot.
"Yes. Nagustuhan mo ba?" aniya. Hinarap ko lamang siya bago ako lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako lumayo ng kaunti sa kanya.
"Thank you." Sabi ko sa kanya. Inayos lamang ni Ivan ang aking bangs at biglaan akong natigilan sa kanyang ginawa. Mabilis kong inalis sa isipan ko ang alaala ni Iñigo na ginagawa ang parehong aksyon na iyon.
"Birthday gift ko na sayo ito." Dagdag niya. Tumango lamang ako at hindi na nagsalita. Tinulungan ako ni Ivan ayusin ang mga gamit ko bago siya nagpaalam at pumunta na rin sa kanyang sariling pad.
Nakaupo lamang ako sa sofa at magbabalak sanang magdrawing noong napahinto ang kamay kong hawak ang lapis. Kinagat ko ang labi ko, gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Why can't I draw?
Sa huli ay wala rin akong nagawa. Nagbihis na lamang ako at lumabas ng pad. I feel suffocated ngayong mag-isa na lamang ako. Ayaw ko namang abalahin si Ivan dahil alam kong binisita niya ang pamilya niya.
Sa huli ay nagpunta ako sa Galleria kung saan may performance ang AEGGIS ngayon. Nagsisimula na ang programa noong makarating ako kaya sa likuran rin ang naging pwesto ko. Dumako ako sa madilim na parte at tiningnan ang banda na naghahanda para sa susunod na kantang kanilang tutugtugin.
Pumwesto si Greg sa kaniyang mikropono. Umalis ang ibang miyembro at natira lamang si Stanley sa kanyang drums at si Iñigo sa kanyang keyboard. Nauna si I tumugtog at agad na sumabay roon si Greg.
'Now I know I messed up bad
You were the best I ever had
I let you down in the worst way
It hurts me every single day
I'm dying to let you know'
Sumandal ako sa pader habang pinapakinggan ang boses ni Greg. Nakapikit siya na para bang dinadama niya ang bawat katagang sinasabi niya ngayon.
'Now I'm here to say I'm sorry
And ask for a second chance
Cause when it all comes down to the end
I could sure use a friend'
Halos manginig ako sa naririnig na emosyon mula sa kanta. Pakiramdam ko ay tinatamaan ako ng bala sa bawat segundo na pinapakinggan ko iyon. Noong nilingon ko si Iñigo ay seryoso lamang siyang nagpapiano pero parang wala roon ang sarili niya.
Tumingala siya, ang titig niya ay dumako sa aking direksyon. Para akong sinakal noong makita ko ang mata niya. It was clouded with, I don't know, regret? What would he regret? And why do I feel that he is looking at me?
'Now I'm here to say I'm sorry
And ask for a second chance
All I want to do is make it up to you
Cause when it all comes down to the end
You were the best I ever had'
Bago pa niya ako makita ng tuluyan ay agad na akong tumalikod at naglakad palabas. Pabilis ng pabilis ang hakbang ko hanggang sa hindi ko namalayang tumatakbo na ako.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...
