Speechless

102K 2.4K 104
                                        

25


"What are you doing here?" salubong ko kay Iñigo na nakatayo lamang sa harapan ng aking pad, halatang hinihintay akong makalabas.


"Inaabangan ka." Aniya. Hindi na lamang ako sumagot at nagtuloy tuloy na lang ako sa sakayan ng taxi.


"I brought my car Iris."


"So?"walang pakialam kong sagot. Hinarap ko si Iñigo na mukhang tuwang tuwa lang sa pagtataray ko. Napailing na lamang ako habang siya ay nakapamulsa lang, iyong salamin niya ay tinatago ang kanyang mata.


"Doon ka sasakay, ofcourse." Sagot niya sa akin. Napanganga na lamang ako habang si Iñigo ay mukhang tuwang tuwa pa sa reaksyon ko.


"Shut up." Inis ko ng sabi. Inalis niya ang kanyang salamin at tumabi sa akin. Napapikit ako ng maamoy ko ang bango niya. Si Iñigo naman ay natatawa habang nakatayo sa gilid ko. Maya maya ay umakbay siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya.


"Anong—"


"Wag ka ng magpakipot Iris. Pakita mo namang kinikilig ka." Panunukos niya. Uminit ang pisngi ko at marahas na lumayo sa kanya.


"Iñigo Shaw!" sigaw ko na. Ngumisi lamang siya at hinawakan ang aking palapulsuhan para hilahin lamang palayo. Hinatak niya ako sa kanyang kotse at sapilitang ipinasok roon.


"Let's have a date."


Napabuga ako ng hangin. "May pupuntahan ako." Sagot ko. Tumango siya bago inilabas ang kanyang kotse sa may parking lot.


"Then let's have a date after." Sagot niya. Napahinga na lamang ako ng malalim para hanapin ang pasensya kong unti unti ng nawawala dahil sa kakulitan niya.


"Buong araw ang gagawin ko—"


"Then let's have our date at night. Mas maganda yun. Then after, let's try making a baby again. Are you pregnant now?" tuloy tuloy niyang sabi. Halos maputulan ako ng hininga habang si Iñigo ay seryosong nagtatanong.


"What?" halos pasigaw ko ng sabi. Ngumuso lamang si Iñigo bago lumiko sa kanto. Tumawa lamang siya bago tumigil sa pagmamaneho dala na nga ng stoplight.


"Kung makapag react ka parang hindi pa posibilidad ang mabuntis kita. Iris, that's my goal in life." Mayabang niyang sabi. Ramdam na ramdam ko na talaga ang pag iinit ng pisngi ko habang siya ay natatawa lamang sa reaksyon ko.


Sumandal na lamang ako sa upuan at nag iwas ng tingin sa kanya. Sobrang init ng pisngi ko dahil sa pinagsasasabi niya. Hindi ko rin siya maintindihan. Bakit ba niya ginagawa ang mga ito?


'She lives in the shadow of a lonely girl

Voice so quiet you don't hear a word,

Always talking but she can't be heard,'


He told me he loves me. Kung mahal talaga niya ako ay sana hindi nangyari ang mga nangyari noon. Pakiramdam ko ay sobrang hirap maniwala kay Iñigo dahil palagi akong natatakot na baka hindi naman pala totoo ang sinasabi niya. Ayaw ko ng masaktan.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon