7
Nakangiti lamang ako habang pinapanood kong umiyak si Augustine sa taas ng puno kasama iyong si Shana. Tahimik ko na lamang kinain iyong banana bread ko bago bumalik sa loob ng bahay. Naliligo na ang mga bata at naghahanda na para sa hapunan. Ako naman ay pumunta sa kwarto nila para ayusin isa isa ang mga higaan.
Sa kabuuan, mayroong labimpitong bata sa Horizons. Kaya kami nila August, Isko at Biboy ay nagtutulong tulong para maitaguyod ang ampunan. Kahit kasi may donasyon kaming nakukuha, hindi pa rin sapat iyon para sa mga gastusin. Mabuti na lamang at nasasagot na ang pag aaral ng mga bata. Pero ang bayarin sa tubig, kuryente at iba pa ay pasanin na naming mga graduate sa Horizons.
Hindi ko maialis sa isipan ang naging pag iyak noong si Gusting. Ang bakla lang talaga eh. Kung bakit kasi ayaw pang umamin na naapektuhan siya sa sulat ng Tatay niya. Mabuti na lamang at nandyan si Shana, kahit papaano ay hindi na binubuhat ni Augustine mag isa ang lahat.
Ako kaya? Kailan kaya ako magkakaroon ng isang Shana? Minsan natatawa na lang ako sa naiisip. Sino namang baliw na lalaki ang papatol sa isang tulad ko? Bungagera, walang tinapos at eskandalosa. Wala akong kaclass class at hindi rin ako ganon katangkad. Idagdag mo pang hindi ko talaga alam kung saan ako nanggaling.
Tinapik ko ang pisngi ko bago umiling ng malakas. Nitong mga nakaraang araw ay nagiging madrama na ako. Hindi mo bagay maging emo Iris! Nakakadiring maging iyakin.
Tinupi ko na ang kumot ni Ninay bago ako lumabas. Ang mga bata ay kumakain na ng hapunan kaya hindi na ako nanggulo. Mabuti na iyong hindi ako mapansin na umalis ng mga bata. Mamaya ay babaha pa ng iyakan at hindi na ako tuluyang makaka exit nito.
Kumaway lang ako kay Mother Amy at sa mga Sisters. Tumango lang sila kaya mabilis na akong lumabas. Siguro ay nauna na sina August umuwi. Hindi ko na rin sila hinanap dahil ano mang oras ay maghahanap na si Iñigo sa akin. Agad na akong nagpara ng taxi at nagpadiretsyo sa pad niya.
Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang hindi mainggit kay August. Kung sana ay magparamdam din ang mga magulang ko. Kahit sulat man lang din, magiging ayos na ako.
Noong makarating ako sa pad ni Iñigo ay agad akong nagbihis. Ilang beses akong luminga pero wala akong nakitang kahit na sino. Hindi na ako nag abala dahil baka nag bar iyong demonyo. Kinuha ko na lamang ang marumi niyang mga damit at nilabahan. Nagluto na rin ako dahil baka gutom siya pagkauwi niya.
Noong matapos na ako sa gawain ay napadako ang tingin ko sa piano niya. Natatandaan kong pinagbawalan niya akong lumapit doon. Pero wala naman siya ngayon kaya lulubusin ko na ang pagkakataon. Ilang buwan na rin mula noong huli kong tugtugin ang Speranzaria. Ayaw ko namang makalimutan iyon dahil yun lang ang tangi kong naalala noong bata pa ako.
Tinuro lang sa akin iyon noong isang bata sa barko noon. Magaling kasi si Ate sa pagtugtog ng piano kaya ginusto ko ring matuto. Kapalit ng piano lesson ay tinuruan ko naman iyong bata ng magic sa piso. Ang sabi noong bata ay siya daw mismo ang nagcompose noong pyesa at noong mga panahon na iyon ay hindi niya pa tapos gawin iyon.
Wala sa loob na nagsimula na ang daliri ko sa pagtipa ng mga keys. Parang tubig na tuloy tuloy na umagos ang mga nota mula sa akin hanggang sa matigilan na ako. Bitin ang kanta at alam kong hindi ko na iyon madudugtungan pa unless makita ko ulit iyong bata na nagturo sa akin.
Pero malabo iyon. Ni pangalan nga nila Ate at ng mga magulang ko hindi ko na naalala, iyon pa kayang bata. Baka nga hindi na rin niya ako makilala.
Ilang beses kong tinugtog muli ang pyesa hanggang sa mapagod na ako. Sinara ko na ang lid ng piano bago muling tinakpan. Papunta na sana ako sa kwarto ko ng sakto naman ay pumasok si Iñigo. Kinakalas niya ang necktie niya habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...
