Moving On

99.2K 2.4K 103
                                    

17

Gulantang ako sa narinig ko mula kay Shaw. Anong ibig niyang sabihin doon? Hinarap ko agad si Toryang. Ang alam ko ay siya ang nag asikaso sa mga papeles namin noon. Siya mismo ang nagsabi na hindi nakafile ang kasal namin ni Iñigo sa Pilipinas dahil sa Vegas iyon ginawa.

Nag-iwas ng tingin si Toryang sa akin bago uminom.

"We're still married?" anas ko. Lumunok si Toryang bago yumuko.

"Y-yes." Mahinang sabi ni Toryang. Nanlumo ako sa narinig. Sa loob ng dalawang taon ay may kapirasong papel pa rin na nagbibigkis sa amin ni Iñigo. Namasa ang kamay kong hawak ang aking tasa bago huminga ng malalim.

"What should I do then?" tanong ko sa aking abogada. Nasamid si Toryang bago tiningnan ang ibang AEGGIS na nakatingin lang din sa kanya. Napanguso siya habang ngumingiti sa akin. Pasimple niyang pinunasan ang kanyang noo at ngumiwi.

"I-I will look into it. Sa ngayon ay wala kang magagawa but to stay as Mrs. Shaw. Hindi ba? Diba guys? Diba?" pinanlakihan niya ng mata ang AEGGIS na sabay sabay naman tumango.

"Ofcourse kamahalan." Si Ethan ang nagsalita. Kumunot naman ang noo ko at isa isa silang tinitigan.

Huminga na lamang ako ng malalim at hindi na nagsalita. Inayos ko na lamang ang buhok ko at tinitigan ang likido na nasa tasa ko.

"Bakit ang tagal mong lumabas?" biglang sabi ni Iñigo. Nakapamulsa siya habang sumasandal sa likuran ng sofa nila Augustine.

"Kumakain pa kami." Sagot ni Greg. Umismid lamang si Iñigo at umiling. Tinapunan lamang niya ng tingin si Greg bago ako nilingon.

"I'm not talking to you Greg." Anas niya. Napangiwi ako sa pananalita niya. Hindi pa rin pala siya nagbabago. He is still rude.

"Hey, where are you staying Iris? Ihahatid na kita." Kaswal niyang sabi. It was as if he is just stating the weather condtion o ang kulay ng buhok ko. Sa sobrang kalmado niya ay nairita ako.

But I should keep calm. My Mom said a lady is always calm.

"I think that is already out of your business Iñigo." Mahinahon kong sabi. Nakita kong kinalabit ni Leria si Athan bago ito hinila patayo.

"Naiihi ako. Uwi na kami ha?" sabi ni Ria habang tinatawag na ang ibang AEGGIS na tumayo na din. Si Toryang naman ay tiningnan ng masama si Iñigo na ngumisi talaga. Napanguso na lamang ako. Yabang talaga ni Shaw.

Noong maiwanan kaming dalawa ay siya na mismo ang kumuha ng aking purse. Nauna na siyang naglakad habang ako ay gulat na gulat sa kanyang ginawa. Noong makahuma ako ay agad ko siyang hinabol.

"Iñigo!" sigaw ko. Napangiwi ako ng marinig ko ang aking boses. Where is your manners Iris? Si Iñigo kasi eh.

"Will you please stop running?" iritado ko ng sabi. Sa haba ba naman ng binti niya at sa taas ng takong ko, talagang lalawak ang distansya naming dalawa. Dala dala pa naman niya ang purse ko.

"Bilisan mo kasing maglakad." Sagot niya sa akin habang naglalakad na papunta sa kanyang kotse. Napangiwi na lamang ako at mas lalong binilisan ang aking mga hakbang.

"Can I have my purse back?" sabi ko sa kanya noong makalapit na ako ng tuluyan. Tumaas lamang ang kilay niya bago binuksan ang kanyang kotse.

"Mamaya. Ihahatid muna kita." Maangas niyang sabi. Sumandal lamang siya sa pintuan habang hinihintay akong pumasok roon. Ngumiwi lamang ako at umiling.

"Magtataxi na lang ako."

"No. Sasabay ka sa akin." madiin niyang sabi. Tumaas lamang ang sulok ng labi niya habang ang kamay niya ay pinaglalaruan na ang kanyang hikaw.

Napapikit na lamang ako sa kakulitan niya. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya ng masama. What the hell is happening to him?! Hindi na ako nakaalma noong tinulak na niya ako papasok sa kanyang kotse. Mabilis pa sa alas kwatro ang naging kilos niya, agad siyang nakaikot at pumasok sa kanyang sasakyan.

"Iñigo, ang tigas ng ulo mo." Sumusuko ko ng sabi. Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at lumabas na kami sa Galleria. Habang nasa biyahe ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Nanatili lamang akong tahimik habang siya ay nakapokus sa pagmamaneho.

Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira pero hindi niya ako pinansin. Kaya noong lumampas na kami sa pad ay naalarma na ako.

"Iñigo lumampas na tayo." Pagpapaalam ko sa kanya. Niingon lamang niya ako bago umiling.

"No." simple niyang sabi. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang papalayong imahe ng aking condo unit. Noong hinarap ko siya ay kinakagat niya ang labi niya, pinipigilan ang mapangiti.

"Saan mo ako dadalhin?" nagtitimpi kong sabi. Lumiko siya at nagkibit balikat.

"We're going home-"

"My home is there Iñigo Shaw! Nahihibang ka na ba?" sigaw ko na. Noong tumigil ang sasakyan niya sa kanyang pad ay natigilan ako. Bumaba siya at akma sana akong pagbubuksan noong nauna na ako.

Naglapat ang labi niya sa ginawa ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Trabaho kong pagbuksan ka ng pinto Iris." Naiinis niyang sabi. Hinarap ko siya, iyong takong ko ay gusto ko ng ipukpok sa magulo niayng buhok.

"I'm going home. Where's my purse?" tanong ko ulit. Pinagkrus lamang ni Iñigo ang kanyang braso sa dibdib bago ako tinitigan.

"This is your home Iris." Pagpupumilit niya. Tuluyan ng nawala ang tinitimpi kong pasensya. Damn manners! Gusto ko na talaga siyang sigawan.

"God Iñigo! Gabi na, gusto ko ng matulog. Give me back my damn purse now!" sigaw ko. Ngumiwi lamang siya at tinitigan ako.

"Ang init ng ulo mo sa akin. To think that I have been missing you tapos sisigawan mo lang ako? I am starting to hate Iris Racini now. You sound as if you are a brat." Tuloy tuloy niyang sabi. Nanliit ang mata ko at magsasalita pa sana noong hinatak ako ni Iñigo papasok sa elevator. Pilit kong hinihila ang aking kamay pero hindi siya natinag.

"Iñigo Shaw! Let me go!" bulyaw ko. Ngumisi lamang siya bago umiling.

"No. If I will let you go, you will surely run."

------------

Tahimik lamang ako noong makarating na kami sa pad niya. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Wala mang kahit na anong pinagbago ang bahay niya sa loob ng dalawang taon.

"You should change your interior. Dalawang taon ng outdated ang bahay mo." Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang sofa niyang pinag isipan kong isangla noon.

Hindi siya sumagot. Pumunta lamang siya sa kusina habang ako ay naglalakad lakad sa kanyang sala. Noong madako ang tingin ko sa kanyang piano ay agad na akong lumayo. SInundan ko siya sa kusina na abala sa paghahanda ng maiinom.

"I don't want to change anything in this house. When you were away, this house is my only reminder of you." Aniya. Natigilan ako sa pag-upo sa isang stool sa narinig. I can't quite see his expression dahil na nga sa abala siya sa ginagawa.

But then, I laughed. Seryoso? Hanggang ngayon talaga ay walang sense of humor si Iñigo. Narinig yata niya ang pagtawa ko kaya humarap siya sa akin.

"Why?" tanong niya. Tumigil ako sa pagtawa at kinalma ang aking sarili.

"Nothing. You sound as if you haven't forgotten what happened back then. Ang tagal na nun." Sagot ko bago kinuha ang gatas na kanyang ginawa.

"Why? Have you forgotten everything Iris?" tanong niya. Sa gilid ng kanyang boses ay may halong takot akong narinig. Ngumiti ako ng malambing sa kanya, ang kutsara mula sa inumin ko ay tinuro ko sa kanya.

"I will share you something that I have learned when I was in Japan Iñigo Shaw. There is this thing called 'moving on'. Nakakatulong yun. If you are still stuck in the past, then try learning it." Wika ko. Bumagsak ang mukha ni Iñigo at hindi na nakapagsalita. Bumaba na ako sa stool niya at kinuha ang aking purse.

"It's not that easy Iris. Lalo na kung ayaw mo naman talagang makalimot." Narinig kong sabi niya. Nagkibit balikat lamang ako at hindi na sumagot. Lumabas na ako sa kanyang pad at umuwi na.

-------------

*pen<310

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon