35
Inipit ko sa gilid ng aking tenga ang buhok na nakawala mula sa pagkakaipit. Lumapit sa akin si Iñigo, ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat bago ako niyakap.
"Hindi ka pa ba nilalamig?"
Umiling ako at lalong sumiksik sa kanya. "No."
"Matthew's not cold?" tanong na naman niya. Napanguso na lamang ako at hinarap ang aking asawa. Hindi ko napigilan ang mapangiti. It is pure bliss whenever I call him my husband. Pakiramdam ko ay napupunan ang pagkatao kong kulang na kulang dati dahil sa kanya.
"Why?" kunot noo niyang tanong. Tumawa lamang ako at niyakap siya. Lumakas lalo ang hangin sa yate kaya mas nagreklamo si Iñigo. Natatakot siyang baka magkasakit na ako at si Matthew dala ng hamog.
"Wag ka ngang ngumuso." Natatawa kong sabi sa kanya. Tinampal ko ang kanyang bibig at tinitigan siya ng masama. Tumaas lamang ang kilay niya bago hinalikan ang aking palad.
"I only care for you. Ayaw ko lang na magkasakit kayo ni Matt." Aniya. Pakiramdam ko ay natunaw ang aking puso sa sinabi niya.
Noong araw na malaman namin na buntis na ako ay hindi na humiwalay sa akin si Iñigo. Agad naming pinaalam sa aming mga magulang ang balita na iyon. My parents happily took in the news, but Iñigo's Mom is of a different case. Hindi niya tinanggap ng maayos ang balita. Wala siyang kahit na anong sinabi sa aming dalawa noong ipinaalam namin na magkakaapo na siya. Tinalikuran lamang niya kami at hindi na muling kinausap pa si Iñigo.
Lily... well, hanggang ngayon ay hindi pa namin siya kinakausap ni Igoy. I know how much my sister loves him. But I love Iñigo too. Ipagdadamot ko ang asawa ko kahit pa sa kapatid ko. I would not give up on him. Hinding hindi na magiging madali sa akin ang pag bitaw. I will never leave him. Kahit na ano pa ang maging resulta nitong kwento naming dalawa, hinding hindi ko na siya iiwanan.
Nasa ospital pa rin ang kapatid ko at nagpapagaling mula sa kanyang injury. Mamaya ay uuwi na siya sa amin kaya kailangang naroon ako. I want to tell her about Matthew. Gusto kong malaman niyang wala na siyang aasahan sa asawa ko.
Inaya ko na si Iñigo na bumaba na kami sa yate para makauwi na rin ako. He happily obliged, knowing that he wanted me to go down. Iniisip kasi niyang nilalamig na ako kahit ang totoo naman ay natutuwa ako sa yate niya.
'From the get-go I knew this was hard to hold
Like a crash the whole thing spun out of control
Oh, on a wire, we were dancing
Two kids, no consequences
Pull the trigger, without thinking
There's only one way down this road'
Pagkarating namin sa bahay ay naroon na si Lily. Tulala lamang siya habang nakaupo sa sofa at nakatitig sa aming grand piano.
"Lily.." tawag ni Papa sa kanya. Malamya siyang lumingon bago niyakap ang kanyang sarili.
"Uuwi ba si Iris ngayon?"
Napatingin si Papa sa amin. "She's already---"
"Matutulog na ako." Pagpuputol niya sa sinabi ni Papa. Tumayo na siya at umakyat sa aming kwarto. Sinundan ko lamang siya ng tingin at nilapitan si Papa. Hinawakan ng am ako ang aking kamay bago tinapik ang aking balikat.
"She needs time Iris." Masuyong sabi ni Papa bago kami iniwan. Nilingon ko ang pintuan ng kwarto niya bago nagpasyang puntahan ito. Hindi na ako nagabalang kumatok. Nagtuloy tuloy lamang ako sa pagpasok.
BINABASA MO ANG
Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)
قصص عامةAEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang taong para sayo. Sa pitong bilyong taong, iisa lang ang nakatakda sa iyo. But destiny has an unusal wa...