Sisingilin

98.7K 2.4K 66
                                        

3

What do you usually do when you don't know what to do? Hindi ko alam kung paano na ako makakauwi niyan gayong iniwan naman ako ng hinayupak na Iñigo na iyon. Walang hiya talaga! Napakawalang puso niyang tao.

Hindi ko naman magawang manatili sa building ng Wave dahil baka biglaan na lang sumulpot iyong si Augustine. Ayaw ko ng manggulo pa sa kanya. Alam kong kapag nalaman niya na may gusot sa pagitan namin ni Iñigo ay magagalit iyon. Hindi ko na siya dapat pang idamay lalo pa't magkasama sila sa banda.

Kinapa ko ulit ang bulsa ko, umaasa na sana kahit kaunting barya lang ay may naiwan sa shorts ko. Napangiwi na lamang ako ng wala akong makuha. Ang kaisa isang piso ko pa ay ibinigay ko na doon sa bata na umiiyak.

 Wala na akong choice. Malayo man ang lalakarin, makakaya ko pa rin ito. Bahala na si batman kung lalo man kumirot ang balakang ko. Kung mangyari man iyon ay konsensya na lang ng Shaw na iyon. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng AEGGIS, iyong wala pang modo ang makakatapat ko. Nakakainis lang. Kung sana ay naiba lang ang ihip ng hangin  noong gabing iyon, hindi na sana ako naipit sa sitwasyon na ito. Sa lahat ba naman kasi ng kotse na mababasag ko, iyon pang kanya.

Hindi ko alam kung paano ako napadpad ulit sa apartment. Basta ang alam ko lang ay pudpod na ang tsinelas ko at pawisan na ako. Manhid na rin ang binti ko kaya hindi na ako makalakad ng maayos. Halos gumapang na nga ako para lamang mahiga sa sofa ko at natulog. Nagising na lamang ako kinabukasan  noong nagkaroon ng ingay sa ibaba. Sumilip ako sa bintana at doon ko napansin ang iilang mga tao na nagkukumpulan. Sumilip pa ako ng mas maigi para marinig ang usapan.

"Nandun siya sa taas. Pangatlong kwarto mula kaliwa." Sabi noong landlady ko. Tinuro pa niya mismo ang bintana ng aking kwarto at nagulat pa noong makita ako.

"Ay! Ayun! Yan si Iris!" excited niyang sabi. Sabay sabay nagpokus sa akin ang mga camera at kinuhanan ako. Ang iba naman ay nagsialisan at pumasok sa loob ng apartment. Mabilis akong nabahala ng litratuhan nila ako. Hindi pa ako nakapagsuklay. Pawisan pa ako dahil sa ginawa kong paglalakad ng milya milya.

Mukha akong dugyot! Oh my god! Paano na lang niyan?!

Napalundag ako sa pagkakaupo noong biglang may kumatok sa aking pintuan. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba iyon kahit alam kong ang pangit ko pa sa ngayon.

Naglakad na ako papunta sa pintuan at pinhit iyon pabukas. Agad na sumalubong sa akin ang ilaw ng mga flash ng camera at ang maingay na mga tanong ng mga tao sa akin. Wala na akong maintindihan at hindi ko na rin masyadong nakikita ang mga nangyayari.

"Girlfriend ka ba talaga ni Iñigo? Totoo ba yun?"

"Gaano na kayo katagal?"

"What is his favorite color?"

Napadilat ako sa tanong na iyon. Napanguso ako at mabilis na nameywang. Mabilis na kumulo ang dugo ko ng marinig na naman ang pangalan ng lalaking iyon.

"Hindi—"

Napatigil ako ng may mabilis na umakbay sa akin. Pumulupot ang matitigas na braso sa leeg ko at hinila ako palapit.

"Iñigo Shaw! Girlfriend mo ba talaga siya?"

"Saan kayo nagkakilala?"

"Kailan ninyo balak magpakasal?"

Nanlalaki ang mata ko at hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala si Iñigo. Blanko lang ang mukha niya habang nakatingin sa mga reporters. Walang emosyon ang mukha niya at pasensyosong sinasagot ang mga tanong ng mga ito. Habang ginagawa iyon ay hindi ako binibitawan.

"O-oy—"

Gumilid siya at dinikit ang bibig sa tenga ko.

"You shut up." Matigas niyang bulong. Lumayo siya sa akin at tiningnan ulit ang mga tao. Namulsa siya at pinagtaasan sila ng kilay.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon