IMMORTALWITCH17 ALLINA

330 18 0
                                    

(FUNFACT#17;  do you know in 1830's ketchup is not used for food but in medicine.)

Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasama. Quinton and cap is silently in the front. Kaharap nila si Russell na parang tulog na Ewan ko. Kaharap namin ang upuan nila. Sa akin naman. Ay kasama ko ang mag shota na harap-harapang may ginagawang kababalaghan. Tsk. Di na nahiya eh.

At Ewan ko naman sa Vincennes at Katherine nayun. Kahit na mag kadugo kami iba parin ang attitude eh. Tsk. Maldita.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa sa harap ko. Hindi ba talaga sila titigil? Sa harap ko pa talaga mismo maglaplapan? Kung kainin nalang kaya talaga ni Lance ang mukha ni Aqua mas magaling yun. Paunahan sila. Kadirdir.

"Stop staring at us Yna!" Napairap naman ako kay Aqua.

Tinignan nya ako. Namumula pa ang labi at mukha mg babaeng toh. Tignan mo, ako pa ang masama ngayon.

At least ramdam nilang may kasama sila!  Nahihiya tuloy ako.

"Tsk. Ilugar nyo yan."  Sabi ko sakanila.

Napadako ang tingin ni Lance sakin at ngumisi. Inakbayan nya si Aqua at simubsob ang mukha sa leeg ni Aqua.

Tarantado. Harap-harapan!

"Wag mo ng pansinin si Yna babe." Napasinghap ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala! Walang konsiderasyon Ang mga kabataan ngayon! Walang kahihiyan! Public transportation ito Hindi kwarto o lovers room!

"Hihihi. Nagalit yata." Mahinang bulong ni Aqua.

Talagang magagalit ako!

"Tuloy nyo, pag nainis na ko gagawin ko kayong tipaklong at palaka." Pagbabanta ko sakanila.

Hindi ako nagbibiro. Seryoso. Inisin ba daw ako?

Nahinto naman sandali ang dalawa at sabay na tumikhim.

Napataas ang kilay ko ng tumayo si Lance at nag unat-unat. Stretching lang?

Si Aqua naman ay nilalaro ang hibla ng buhok nya at napapasipol.

Tsk.

Kaya nyo naman pala eh. Isang banta lang kailangan nyo.

"What's happening here?" Napatingin kami sa nagsalita.

Ang kupal na Vincennes.

Di ko sya sinagot at tumingin sa dala nya. Pagkain. Pandesal. Tinignan ko itong mabuti. May naka selyo pa! Pamiliar ah! Teka!

"Sa mundo yun ng mga ordinaryong tao tama ba? Arbies? Uso bayun dito? " Turo ko sa dala nya. Rami eh. Paborito ko pa naman ang mga pandesal sa arbies. Masasarap at malasa. Di masyadong matamis Ang mga pastry nila dun. Kaya pala pamiliar eh.

"Uso toh dito Yna. Maliit lang ang stock nyan dito pero, hinahanap-hanap Yan ng mga fantasie. Alam mo ba, narinig ko nga may mga pagakain raw mula sa planetang earth ang Vampire high, sine-serve pa nga daw sa cafeteria nila eh!" Akmang kukuha na si Lance ng bahagyang lumayo si Vincennes.

Nginisihan nya kami. "Hindi ko upagbibigay. Stock ko toh." Aba't ang damot!

Iniinis ba talaga nila ako?! Mga kabataan ngayon oh! Pasakit sa mga nakakatanda!

Hindi na ako nakapagtiis pa at inilabas ko ang wand ko. Hinarap ko sya at winasiwas ang wand ko sa harap nya. " Bibigyan mo kami o gagawin kitang tipaklong o palaka. Mamili ka sa dalawa." Pagbabanta ko. Nagamit ko sa dalawa eh, uulitin ko.

Imbes na matakot sya ay mas lalong lumaki ang ngisi nya. "Takot ka ba sa dalawa ha?"

Tumango ako sakanya at- teka! "Wag mong ibahin ang usapan! Ano naman kung yun ang kinakatakutan ko!? Gagawin parin kitang Isa sa mga dun!" Muli kong pananakot. Takteng bata toh paglalaruan pa ako!

Fantasia High; The Past 2 Immortal Witch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon