March 2020/1

271 16 8
                                    

MARCH 2020/1(TAGALOG PINOY BL)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MARCH 2020/1
(TAGALOG PINOY BL)

WRITTEN BY:
GONZO

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Paano kung isang araw, 'pag gising mo, wala na ang taong pinakamamahal mo?

Oo, alam ko...

Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama.

Pero, paano kung mayroong paraan?

Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana?

Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo?

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

SYNOPSIS

Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin (21) na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris (21).

Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi.

Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, ito ang kanyang magiging daan upang mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon.

6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Ngayon, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris.

Ngunit sa pagbalik ni Jin sa oras at panahon, sa maling timeline siya dinala ng kanyang time machine at napunta sa March 21, 2020 — isang taon bago nangyari ang insidente.

Isa pang problema ni Jin ay hindi na siya maka-alis sa taong 2020 at hindi na makabalik sa tamang oras, dahil biglang nawala ang time machine sa kanyang pagbalik sa past.

Magpapasya na lamang si Jin na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot.

Dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito at nagbago na rin ang kanyang itsura, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Maaaring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras.

Hindi rin maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili.

Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin.

Ang pakay lamang ni Jin ay hintayin muli ang araw na maililigtas niya si Chris. Ngunit, sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang mga bagay at sikretong matutuklasan tungkol sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

PAALALA / NOTE

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Ang mga kantang ginamit sa novel na ito ay mga kanta na ako mismo ang nag compose at hindi affiliated sa kahit anong company or producer.

Also, hindi lahat ng tunkol sa time travel theories sa novel na ito ay binase ko sa mga actual na scientific facts, lahat ng nandito ay pure fiction.

Ang novel na ito ay with Multiple POVs (Point of views) Para malaman ang iniisip ng bawat isa.

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon