Date: April 2, 2020
Time: 8:00 A.M.Maaga nagising si Jin para sa unang araw ng kanyang trabaho sa isang Technology and Electronics Company, at 8 a.m. pa lang ay umalis na siya sa kanyang bahay kahit 10 a.m pa ang shift niya. Habang nagco-commute si Jin, ay nagmumuni-muni siya at iniisip ang nararamdaman niya para kay Chris at tingin niya ay dapat na niya simulan ang kanyang plano—ang plano na hindi pansinin si Chris for a week.
Para kay Jin, dito niya mapapatunayan kung infatuation lang ang kanyang nararamdaman o hindi. Kapag nagawa niya na hindi pansinin si Chris sa loob ng isang linggo, ibig sabihin ay wala talaga siyang nararamdaman para dito. Sa tingin niya, mas magiging busy na sila at madalang magkakausap dahil sa trabaho.
"Sa paraang ito, maiiwasan ko rin si Chris, isa pa baka mawala lang din ako sa focus kung papansinin ko siya. Wala naman sigurong mangyayaring masama 'di ba?"
Gaya ng dati, tulad ng una silang nagkakilala, hindi na muna niya ito masyadong papansinin at kakausapin, at 'pag hindi niya na napigilan ang sarili niya at hinanap-hanap niya si Chris, ibig sabihin ay iba na ang nararamdaman niya. "Kung umabot ako sa point na 'yun, good luck na lang sa akin!"
Meanwhile sa living room, gising na rin si Jon at nakahiga lang siya sa kanyang sofa at nakatingin sa ceiling at nag-iisip. Inaalala niya ang naging first day niya sa trabaho at natutuwa siya para sa batang Jin. Tingin niya rin ay kailangan niya nang simulan ang kanyang plano—ang planong pagselosin si Jin kay Chris.
Para kay Jon, sa paraang ito, malalaman ng batang Jin kung ano talaga ang tunay nitong nararamdaman para kay Chris. Gusto niya makita ang magiging reaction ng batang Jin sa oras na simulan niya nang suyuin si Chris.
"Wala naman akong magiging problema pag dating kay Chris, dahil alam ko na hindi basta basta mahuhulog ang loob niya sa akin at stick-to-one lang siya! Kung sakali naman na ma-fall siya sa akin, technically, ako pa rin naman si ang batang Jin, so wala naman sigurong problema 'yun— o wala nga ba? Kung umabot ako sa point na 'yun, good luck na lang sa akin!"
Tumayo na si Jon sa mula sa pagkakahiga sa sofa at nagsimula na mag linis ng bahay. Naisip niya na mamaya, after ng shift nila Jin ay yayayain niya ito mag dinner sa labas kasama si Chris at para simulan na din ang kanyang plano.
Meanwhile sa office, nakaupo at naghihintay sina Jin, Chris, Rjay at Luna sa meeting room para sa pagdating ng H.R. para sa kanilang assignments.
"Balita ko maaasign daw tayo sa dalawang department. Hahatiin daw tayong apat." kwento ni Rjay sa mga kasama niya.
"Sana magkasama tayo sa department, Rjay. Doon tayo manggugulo naman!" pabirong sinabi ni Jin habang palihim niyang tinitingnan si Chris upang makita ang reaksyon nito.
Hindi nakatingin si Chris sa pag-uusap nina Rjay at Jin dahil nagbabasa siya ng company booklet na nasa table niya at kinausap na lang siya ni Luna.
"Chris, sana tayo magkasama sa department, para 'pag may hindi ako nagets sa mga gagawin, sa'yo ko itatanong." sinabi ni Luna kay Chris na nagbabasa lang ng booklet at sobrang tahimik. Nginitian lang siya ni Chris saglit at pagkatapos ay pokerface na ulit ito at hindi na nagsalita pa.
Pinagmamasdan lang ni Jin si Chris ngunit hindi niya ito magawang kausapin dahil sa kanyang plano. Palihim niyang pinapanood ang bawat kilos nito at napapansin niya na tahimik lang ito, ngunit hindi ang usual na pagkatahimik nito, nararamdaman niya at iniisip na badtrip ito.
"Nakakatakot si Chris pag ganitong seryoso siya, pero mas okay na siguro 'to." nasa isip ni Jin. Pero gusto din ni Jin lapitan si Chris para tanungin kung may bumabagabag rito dahil hindi niya matiis na makita si Chris na tila may tinatago itong hindi magandang nararamdaman. "Argh! Kasasabi ko lang na hindi ko siya papansinin, pero ano ba 'tong ginagawa ko?" Huminga siya ng malalim at nag-focus at lumihis na ng tingin.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...