Isang sulat para sayo, Chris.
Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamahal mo?
Oo, masakit at mas pipiliin mong mawala na lang din kaysa mabuhay ng hindi siya kasama.
Pero, paano kung mayroong paraan, Chris? Paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka ba na harapin at isugal ang buhay mo para sa taong mahal mo mabuhay lang siya muli?
Para sa akin, hindi ko inakala na hahantong ako sa ganitong sitwasyon, na hahamakin ko ang lahat para sa pagmamahal. Kahit pa kalaban ko ang oras at ang panahon, makasama ka lang.
Gaya ng lagi kong sinasabi, ako ang bahala sa'yo.
Matagal tagal na panahon na rin ng huli kitang makasama. Sa oras na mabasa mo itong sulat ko, tandaan mo na lagi akong nandito para sa'yo.
Kahit saan.
Kahit anong oras.
Kahit anong panahon.
Alam ko hindi pa huli ang lahat, Chris. Ang pagmamahal ko sa'yo, walang hanggan. Naniniwala ako, magkikita pa tayo ulit. Hindi ko man alam kung paano, pero gagawa ako ng paraan.
Isang araw, mababasa mo rin itong sulat ko, at pag nangyari 'yun, ibig sabihin ay nagtagumpay ako at kung matagpuan mo man itong sulat ko at wala ako sa tabi mo, 'wag ka mag alala, Chris.
Sabay nating hanapin ang isa't isa.
Jin Torres
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Date: March 21, 2021
Time: 10:30 PM"Nasaan ka na, Chris? 10:30 p.m. na pero hindi ka pa dumarating. Kanina pa ako naghihintay dito." antok at walang gana na pagkakasabi ni Jin habang nakatitig lamang siya sa T.V. na nasa kanyang harapan.
T.V. noises on Background.
Nakaupo si Jin sa sahig habang nakasandal sa kanyang kama sa isang unit sa Eastwood Hotel. Madilim at ang tanging liwanag lang na nanggagaling sa buong kwarto ay ang ilaw mula sa TV na nakabukas.
Yakap niya ang isang bote ng beer na wala ng laman habang nakatitig siya sa TV, ngunit papikit-pikit na ang kanyang mga mata dahil sa antok gawa ng beer. Pinipilit niya na lamang ang kanyang sarili na magising dahil may hinihintay siyang isang tao-si Chris.
Ngunit dahil sa paghihintay at gawa na rin ng antok, kalaunan ay hindi niya na napigilan ang kanyang sarili, napapikit at nakatulog na siya.
Phone in bag ringing continuously.
Tuluyan na nakatulog si Jin at hindi niya na napansin ang phone na nag-ring sa kanyang bag. Dahil sa palalim ng palalim ang kanyang tulog, bigla niyang nabitawan ang yakap na beer at bumagsak ito sa sahig.
Crash!
Tila nagising siya dahil dito at agad tiningnan ang relo na nakasuot sa kanyang kanang kamay, para alamin kung anong oras na.
"Huh? Anong oras na? Sandali, 12:45 a.m. na pala? Hindi na kaya darating si Chris? Sabi niya nandito na siya sa unit pagkatapos ng client meeting ko. Hindi naman sumipot." antok na pagkakasabi ni Jin sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...